You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Komisyon ng Mas Mataas na Edukasyon


DARAGA COMMUNITY COLLEGE
Daraga, Albay

KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO


T. P. 2022-2023

NARATIBONG ULAT SA RE-ELECTION NG KAMAFIL

KaMaFil ( Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino) ang isa sa pinaka prestihiyosong

organisasyon ng Daraga Community College (DComC). Bilang tugon sa taunang pagrereorganisa

ng nasabing samahan, kasabay ng pinaigting limited face to face ang botohan ay isinagawa

noong ika-3 ng Setyembre taong kasalukuyan. Personal na dumalo sa naitalagang silid aralan

upang ganapin ang botohan sa bawat mag-aaral na interesadong maging bahagi ng KaMaFil at

maging kinatawan ng bawat taon. Ang nasabing botohan ay naging bukas para sa lahat na mga

mag-aaral mula unang taon hanggang ika-apat na taon. Ang saksi at gabay ng nasabing samahan

ay ang punong-tagapayo na si Gng. Myrla B. Dayap.

Sa patnugot ng kagalang-galang na “Collage Dean” ng DcomC na si EdD, Melvin M.

Goyena, “SAS Coordinator” Joey Mantes, “OIC – Collage Administrator” DBA, Romulo M.

Lindio, Pinasimulan ang halalan sa pamamagitan ng pamamahagi ng memorandum sa facebook

page ng DcomC na kung saan nakatala ang araw ng botohan sa bawat club officers kabilang ang

KaMaFil at kung saang silid aralan gagawin ang nasabing botohan. Sa pangunguna ng dating

pangulo ng samahan na si G. Nazareno E. Blanco, ang bawat nominado ay nagbigay ng maikling

pagpapakilala at pahayag tungkol sa kanilang mga sarili at adhikain para sa samahan. Naganap

ang face to face na botohan noong ika- 3 ng Setyembre taong 2022 na nag simula ng ala una ng

hapon. Sa pakikiisa ng mga mag-aaral na dumalo sa nasabing paghalal at sa pag-gabay ng

punong- tagapayo ng KaMaFil na si Gng. Myrla B. Dayap ,sa ganap na ika-apat ng hapon araw

ng ika-3 ng Setyembre ay matagumpay na nailuklok ang mga bagong kasapi at kinatawan ng

organisasyon ng KaMaFil. Nagpaabot ng kagalakan at pasasalamat ang mga bagong itinalaga na

opisyal ng nasabing samahan sa kapwa nila mag-aaral na lubos ang naging tiwala at suporta sa

kanila .
DOKUMENTASYON

Pag anunsyo ng memorandum patungkol sa naganap na botohan ng iba’t - ibang club


officers kabilang ang KaMaFil.

Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa pamumuno ng pangulo na si G. Nazareno


E. Blanco at sa gabay ng Punong-tagapayo ng KaMaFil na si Dr. Myrla B. Dayap ay nagkaroon
ng matagumpay na paghalal at pagluklok sa mga bagong kasapi ng KaMaFil para sa taong
2022-2023.

You might also like