You are on page 1of 5

Department of Education Division of Quezon

PANUTO: Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos,sagutin ang mga tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

TATAK PINOY

Marilou B. De Castro

Recto Memorial National High School

Ang suman ay pagkaing Pinoy na gawa sa malagkit. Sa lalawigan ng Quezon,


kilalang espesyal na kakanin ito sa ilang bayan. Ang iba-ibang lugar ay may kanya-
kanyang paraan ng pagluluto kaya nagkaroon ng iba’t ibang barayti nito. May
tinatawag na suman sa ibus, suman sa lihiya at suman sa inantala. Pangunahing
sangkap ng kakaning ito ang malagkit at dahong pinagbabalutan.

Sa bayan ng Tiaong, dahon ng saging ang karaniwang ginagamit upang


balutin ang nilutong malagkit. Nilalaib muna ang dahon upang magkaroon ng
malambot na tekstura. Sa pamamagitan nito, madaling nababalot ang malagkit na
niluto sa gata.

Higit pa sa pagiging bahagi ng hapag ng pamilyang Pilipino, ang suman ay bahagi


rin ng kulturang Pinoy.

Sa ilang bayan,ang suman ay karaniwang ipinapalit sa gala ng mag-asawang


bagong kasal. Kapalit ng salaping pakimkim ng ninong o ninang sa bagong kasal,
isa o dalawang bungkos ng suman ang ipinababaon sa kanila.

Ang bungkos ng suman ay simbolo ng maigting na pagsasama ng mag-


asawa. Ang malagkit na katangian nito ay paglalarawan sa uri ng samahang dapat
mangibabaw sa dalawa.

Gayundin, sa pagdiriwang ng Pasko ng isang pamilyang Pinoy, bago pa


nauso ang mga pagkaing spaghetti, palabok, cake at iba pa, ang suman ay
pagkaing kumukumpleto sa lamesa ng isang pamilya.

Nabubuhay rin ang bayanihan sa panahon ng paghahanda ng kakaning ito.


Ang pagbabalot nito ay ginagawa ng ilang kababaihan. Sama-sama silang
naglalaib, nagpupunas at nagpipilas ng dahong ng saging. Sa kabilang dako, sa
pagluluto ng sanglay, kadalasang isinasagawa naman ito ng mga kalalakihan.

1
Department of Education Division of Quezon
Isang malaking tulyasi ang pinaghahaluan ng gata at malagkit na niluto na siyang
babalutin sa dahon ng saging.

Ito ay isa lamang patunay na ang pagkain ay isang sangkap ng malusog na


pagsasama ng isang pamilya.

Tunay na tatak Pinoy!

Baitang: 11/12

Bilang ng salita: 319

2
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong:

LITERAL

1. Ang malagkit ay isang uri ng _____________

a. kakanin

b. bigas

c. lasa

d. suman

2. Alin sa kulturang Pilipino ang hindi binanggit sa teksto?

a. sama-samang pagkain ng pamilya

b. bayanihan

c. pagdiriwang ng pasko

d. paniniwala sa pamahiin

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng suman na binanggit sa teksto maliban sa:

a. ibinabalot sa dahon

b. may sangkap ng malagkit

c. inihahanda sa mga okasyon


d. kakaning pinagkikitaan
4. Anong kulturang Pilipino ang ipinakikilala sa sama-samang paggawa ng suman?
a. pagkamalikhain
b. bayanihan
c. pagluluto
d. pagpapahalaga sa pamilya
PAGHIHINUHA

5. Anong pag-uugaling Pilipino ang higit na inilalarawan sa paggwa ng kakaning


suman?
a. pagkamasipag
b. pagiging matulungin
c. pagkamalikhain
d. pagpapahalaga sa kapwa
6. Anong uri ng teksto ang nangibabaw sa akda?
a. deskriptiv
b. impormativ
c. prosidyural

3
Department of Education Division of Quezon
d. persweysiv

7. Ano ang nais ipahiwatig ng dalawang huling talata?


a. ang kahalagahan ng pagtutulunganb.
b. may pagkakaiba ng gawain ng mga babae at lalaki
c. sama-samang paggawa
d. ang pagkain ay bahagi ng kulturang Pilipino

KRITIKAL
8. Sino ang maaaring naglalahad sa tekstong binasa?
a. mananaliksik
b. kusinero
c. mag-aaral
d. magtitinda
9. Bakit nagkakaroon ng barayti ang mga pagkain?
a. Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain.
b. Tumutuklas ng panibagong sangkap sa pagkain ang mga Pilipino.
c. Naiimpluwensyahan ang mga Pilipino ng enkulturasyon.
d. Ang pagtuklas ay bahagi ng pagkamalikhain ng Pinoy.

10. Ano ang implikasyon sa kulturang Pilipino ng pagtangkilik sa kakaning Pinoy?


a. patuloy na napahahalagahan ang kulturang Pilipino
b. napauunlad ang turismo ng bansa
c. ang mga Pilipino ay may pagkakaisa
d. nanatili ang bayanihan sa Pilipinas

4
Department of Education Division of Quezon

Susi sa Pagwawasto- Tatak Pinoy!

1. B
2. D
3. D
4. B
5. D
6. B
7. D
8. A
9. D
10. A

You might also like