You are on page 1of 3

3 March 2023

Week 3 - Friday
Two-Just

ARALING PANLIPUNAN 2

I. Layunin:
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa
pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
Pamantayang Pagganap: Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga
namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
Tiyak na Layunin: Naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili
ng kalinisan ng sariling komunidad
Naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng
sariling komunidad.

II. Paksang Aralin:


Sama-sama sa Pangangalaga sa Likas na Yaman
Sanggunian: AP2 Module p.14-17, ADM Q3 Module 3, MELC p.31
Kagamitan: powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kapaligiran
Government Thrusts: Environmental Conservation
Integrasyon:

III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Balitaan
2.Pagsasanay
Isulat sa sagutang papel ang bilang ng pangungusap na tumutukoy sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili
ng kalinisan ng sariling komunidad.
1. Paggamit ng lambat na may maliliit na butas sa pangingisda.
2. Pagtapon ng basura sa kanal.
3. Pagtatanim ng mga puno sa gubat.
4. Pagbaon sa lupa ng mga basurang nabubulok.
5. Paglilinis at pagdi-disinfect ng kapaligiran.

3.Balik-aral
Magbigay ng isang suliranin sa inyong komunidad at kung paanong pangangalaga ang dapat gawin upang maiwasan
ang pagkakaroon ng suliraning ito.

4. Pagganyak
Awitin ang “Alagaan ang ating Kapaligiran”
https://youtube.com/watch?v=Akp0JxHK2Ok

Paano natin pangangalagaan ang ating kapaligiran?

B.Panlinang na Gawain
1. Paglalahad (I do)

Ang ating mga pangangailangan ay nakukuha natin sa ating kalikasan. Dito rin nanggagaling ang kabuhayan ng ating
mga magulang. Kung hindi natin pangangalagaan ang ating kalikasan, darating ang panahon ay wala na tayong
pagkukunan ng ating mga pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahalaga rin ang pagpapanatili ng
kalinisan ng sariling komunidad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at pandemya dulot ng COVID-19.
Pananagutan ng bawat isa na pangalagaan ang likas na yaman at panatilihin ang kalinisan ng sariling komunidad.
Ilan sa pamamaraan ng paggawa nito ay ang mga sumusunod:
1. Panatilihing malinis ang kapaligiran.
2. Magtanim ng mga puno at halaman.
3. Iwasan ang pagtapon ng dumi at nakalalasong kemikal sa sapa, ilog, at iba’t ibang anyo ng tubig.
4. Gumamit ng lambat na may malaking butas sa panghuhuli.
5. Gamitin nang wasto ang tubig at huwag sayangin.
6. Isumbong sa kinauukulan ang mga taong namiminsala sa mga likas na yaman ng komunidad.

Marapat lamang na pangalagaan at pahalagahan ang mga likas na yaman ng sariling komunidad para na rin sa mga
susunod na henerasyon.
2. Ginabayang Pagsasanay (We do)
A. Sabihin kung ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Nakita mo na nagtapon ng basura sa kalsada ang kalaro mo.
2. Niyayaya ka ng iyong ate na magsunog ng mga tuyong dahon sa bakuran.

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Isadula kung paano ang tamang pagtapon ng basura.

Pangkat 2
Iguhit ang mangyayari kung hindi iwawasto ang pagtapon ng basura.

Pangkat 3
Isulat ang pagpapahalagang ginagawa ninyo upang mapanaitili ang kaayusan ng inyong komunidad.

3.Malayang Pagsasanay (You do)


Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Lagyan ng / kung ang sinasabi ng pangungusap ay nagawa
mo na at X kung hindi pa.

IV.Pagtataya
Sagutin kung Tama o Mali ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

V. Takdang-aralin
Iguhit ang mangyayari sa kapaligiran kung hindi ito aalagaan at hindi iingatan.

You might also like