You are on page 1of 2

PAGDAGDAG NG ELECTRICFAN SA MGA SILID ARALAN SA NEW TAUGTOG NATIONAL

HIGHSCHOOL

I. Pagpapahayag ng Suliranin:
Ang paaralan ng Taugtog ay nakakaranas ng matinding init dulot ng el niño, ito'y
nagdudulot sa mga estudyante o mga sangay ng paaralan ng iba't ibang uri ng
kapahamakan tulad nalang ng dehydration at heat stroke.

II. Layunin:
Makapagdagdag ng electricfan sa mga silid aralan upang mabawasan ang init na na
nararamdaman dulot ng kainitan.

III. Plano ng dapat gawin:


1. Pagpapasa, pagpupulong, pag-aaproba at paglalabas ng badyet (7 araw)

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mangongontrata sa pagbili at pagkabit ng


electric fan sa mga silid alaran(3 linggo)

3. Pagpupulong ng konstitusyon ng DepEd tungkol sa pagpili ng contractor


gagawa sa proyekto. (1 araw)

4. Pagbili ng mga materyales na gagamitin ng contractor sa paggawa ng


electric fan. (7 araw)

5. Pagkabit sa mga kagamitan (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Mga materyales na gagamitin sa pagpapagawa at Php 100,000
pagkabit ng mga electric fan
Sahod ng manggagawa kasama na ang Php 20,000
pagkain/meryenda
Kabuuang Halaga Php 120,000

V. Kapakinabangan ng Proyekto
Ang halaga ng kapakanan ng iba lalo na sa paaralan ay kailangan pagbigyang
pansin. Ang bentilador ay isang dekuryenteng kagamitang nakalilikha ng daloy ng
hangin upang maginhawahan ang tao o nilalang tuwing mainit. Para rin ito sa
pagkakaroon ng tamang bentilasyon, pagpapalamig, at ibang panghanging
paggalaw o pagdadala ng hangin. Sa madaling salita, ito ay nagbibigay ng
komportableng kapaligiran sa tuwing kainitan.
Inihanda ni:

____________________

You might also like