You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan III


I. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Maiisa-isa ang mga simbolo sa mapa;
b) Matutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng mga simbolo; at
c) Mabibigyan ng kahulugan ang bawat simbolo na makikita sa isang
d) mapa.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Ang Mga Simbolo sa Mapa.
B. Sanggunian: Araling Panlipunan III Modyul, Pahina 1-10.
C. Kagamitan: Mga larawan ng simbolo, mapa, at panturong Biswal
III. Proseso ng Pagtuturo
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

• Magsitayo ang lahat para sa


ating panalangin.

• Flor, ikaw ang mamuno - Sa ngalan ng ama ng anak at ng


ngayong araw. espirito santo amen…..

• Bago umupo ay paki-pulot


muna ang inyong mga kalat sa
ilalim ng upuan. Maraming
Salamat!

• Magandang umaga mga bata!


- Magandang umaga rin po titser!
• Wala bang lumiban ngayong
araw? - Wala po titser.

(Magtsek ang guro kung sino ang


lumiban sa araw na ito.)

B. Pagganyak

• Bago natin simulan ang talakayan,


mayroon muna akong itatanong sa
inyo.

• Tanda niyo ba ang daan mula sa


- Opo titser!
inyong bahay papunta rito sa ating
skwelahan?
• Magaling! Maaari n’yo bang banggitin at -Mula po sa amin ay may
iguhit ang mga palatandaan mula sa madadaanan pong mga dikit
inyong lugar papunta rito sa paaralan? dikit na bahay at makailang
hakbang po ay mayroon
• Mahusay! Maraming Salamat. naman pong mga
nagtutumpukang mga puno.
Sa pagliko po ay may
madadaanan na simbahan at
dire-deretso lang po makikita
na po ang paaralan.

- Ako po Ma’am!
• Sino pa ang nais magbahagi?
- Sa aming lugar ay may
makikitang malaking ospital,
may madadaanan din pong ilog,
pagliko mula sa ilog ay may
makikita naman pong maliit na
burol at matapos ang ilang
minuto po nang paglalakad ay
matatanaw na po ang ating
paaralan.

• Mahusay!

• Klas, ano ang tawag ngayon sa mga


iginuhit na nasa pisara? - mga palatandaan po titser.

• Magaling!

• Matapos n’yong makita at malaman ang


- Mga simbolo at palatandaan sa
mga palatandaan at sinisimbolo mula sa
isang lugar po titser.
lugar ng inyong kaklase papunta rito sa
ating paaralan. Ano sa tingin n’yo ang
paksang tatalakayin natin sa araw
na ito?

• Magaling!

C. Paglalahad

• Ang ating aralin sa araw na ito ay


pinamagatang, “Ang mga Simbolo
sa Mapa.”

• Handa na ba ang lahat na makinig? - Opo.

D. Pagtatalakay

(Sa pagsisimula ng talakayan, magpapakita ang


guro ng iba’t-ibang larawan ng mga simbolo na
maaaring makita sa mapa. At magtatanong ang
guro patungkol sa mga larawang hawak
niya.)
• Sa tingin n’yo ba ay may magandang - Opo, meron po.
naidudulot ang mga simbolo sa isang
mapa?

• Kung oo, maaari ka bang magbigay ng


isa? - Sa tulong po ng mga simbolo na
nasa mapa ay natatandaan po
ang isang lugar tulad po ng
ginawa nila kanina.

- Sa tulong po ng mga simbolo


• Magaling! Ano pa?
natandaan at naisaulo po nila
• Tama!
ang daan mula sa kanilang
bahay papunta sa ating paaralan.
• Ang mga simbolo na ito ay tumutulong sa
atin upang malaman ang mga lugar na
ating tatahakin. Makikita natin ang mga
ito sa isang mapa.

• Ang mapa naman ay ginagamit natin


upang magturo sa atin ng mga direksiyon
ng mga lugar na ating pupuntahan. Ito
gumagamit ng iba’t-ibang mga simbolo
upang ipahiwatig ang ilang mga bagay,
katangian, at iba pang impormasyon ukol
sa mga lugar.

• Gumagamit tayo ng mga simbolo hindi


lang basta para matukoy ang lugar na
tatahakin bagkus ay malaman din natin
ang mga matatagpuan sa lugar na iyon.

• Isang halimbawa ay ang Lalawigan ng - Mayroon po tayo ritong ilog tulad


Bulacan. Ano sa tingin niyo ang mga ng bakas, may mga
makikita dito sa ating lugar? magagandang simbahan din po
tayo tulad ng simbahan sa grotto
kung saan kami nagsisimba
tuwing linggo, may mga burol at
mga bundok din po tayo at mga
naglalakihan na mga gusali.
• Tama! Sa tulong ng mga simbolo ay
nakilala at nalaman natin ang mga bagay
na mayroon sa isang lugar. Nagkaroon
din tayo ng ideya kung anong mga
anyong-lupa at tubig ang makikita rito.

• Sino rito naman ngayon ang - Ako po titser!


makapagbabahagi ng mga simbolo sa
isang silid-aralan?

• Sige, ano ang mga iyon? - Sa isang silid-aralan ay makikita


ang upuan at lamesa ng guro.
• Iguhit mo sa pisara ang mga simbolo na
makikita sa mapa ng silid-aralan.

• Magaling!

• Ngayon ay matutukoy niyo na kung


nasaan kayo sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga simbolo tulad na
lamang ng pagguhit ni _____ ng upuan at
lamesa ng guro. Tandaan na ang mga
simbolo na ginagamit at nakikita natin sa
mapa ay may mga kahulugan.

• Isang halimbawa ay ang hugis bundok na


- Isang lugar na bulubundukin
ito. Ano sa tingin n’yo ang kahulugan ng
po titser .
simbolong ito?

• Tama!
• Mahalaga ba na matukoy ang bawat - Opo, mahalaga po.
kahulugan ng mga simbolo o pananda na
makikita sa mapa?

• Bakit ito mahalaga? - Mahalaga po na malaman


ang mga kahulugan upang
mas mapadali ang
paghahanap sa isang lugar
at madali itong
mapuntahan.
• Magaling!

• Kinakailangan na matukoy natin ang


bawat kahulugan ng mga simbolo upang
malaman natin ang mga bagay sa isang
lugar at madali itong mapuntahan. Isa pa
ay para matukoy din natin ang mga
anyong-lupa at tubig na mayroon dito.

• Narito ang ilan sa mga simbolo at


kahulugan na makikita sa mapa.
• Klas, naintindihan ba? - Opo titser!

• Wala bang katanungan patungkol sa - ako po titser, may tanong po ako.


mga simbolo na naipakita ko?

• Ano iyon? - Maaari po ba kami na


gumawa ng sariling simbolo
• Oo naman! Bawat isa sa inyo ay o palatandaan?
maaaring gumawa ng simbolo upang
matandaan ang isang lugar pero hindi ito
makikita sa mapa dahil magsisilbi lamang
itong inyong gabay. Ang makikita lamang
sa mapa ay ang mga simbolo na
naipakita ko kanina.

• Wala na bang katanungan? - Wala na po titser.

E. Pormatib Tsek

• Kung ganoon ay maaari ka bang mag- - Opo titser.


bigay ng ilan sa mga simbolo at - ilog, ospital, bundok, paaralan.
kahulugan nito?

• Magaling! Maraming Salamat.

• Sino naman ngayon ang makapagbibigay - Ako po titser!


ng kahalagahan ng mga simbolo sa - Para po mas madali
mapa? mahanap ang isang lugar at
para malaman ang mga
katangian na meron sa
bawat lugar.

• Mahusay! Bigyan ng ang galing clap. - 1,2,3 (palakpak) 1,2,3, ( tadyak) ang
galing-galing!
F. Paglalapat

• Dahil naintindihan naman. Kayo ngayon


ay aking papangkatin.

• Mayroon akong inihandang maikling


aktibidad.

• (Magsisimula na ang guro na


magpangkat. Papangkatin ang klase sa
pitong (3) grupo

• Ngayong kayo ay nasa kaniya-kaniyang


grupo na, ipapaliwanag ko ngayon ang
inyong gagawin.

• Makinig nang mabuti ang lahat.

• May ididikit akong mapa sa pisara. Ito ay


ang mapa ng South Cotabato. Bawat
grupo ay mag oobserba sa idinikit na
mapa sa harap at punan ng sagot ang
mga kahon sa talahanayan na aking
ibibigay sa bawat grupo.

Simbolo Kahulugan Pangalan ng Lugar kung


sa ng simbolo anyong Lupa, saan ito
mapa Anyong matatagpuan
Tubig, o
Estruktura

- Opo titser!
• Nasusundan ba ako mga bata?

• Magaling! Bawat grupo ay kailangang


mag-presenta ng kanilang output sa
harapan at sabay nating iwasto ang mga
gawain.
- Wala na po titser!
• May katanungan ba para sa ating
pangkatang gawain?
- ( ang mga bata ay gumawa ng kanilang
• Kung ganoon ay bibigyan ko kayo ng gawain.)
sampung minuto para sa inyong
aktibidad. At pagkatapos nito ay
magsisimula na ang presentasyon ng
bawat grupo.
- ( niwasto ang gawa ng bawat grupo)
(Iwawasto ang bawat output ng grupo)

• Maraming salamat klas! Ngayon nakita ko


na na talagang naisaulo na ninyo ang
mga simbolo na makikita sa isang mapa
at ang kahulugan ng mga ito.
Pakiramdam ko tuloy kanina ay para
talaga akong nag-lilibot sa pitong
Lalawigan dahil sa inyong mahusay na
gawain. Basta laging tatandaan na
kailangan na matutunan muna ang mga
simbolo na mayroon sa isang mapa
upang sa ganoon ay mabilis matukoy ang
lugar na nais pupuntahan.

G. Paglalahat
- (palakpak!)
• Palakpakan ang bawat isa. Lahat kayo ay
magagaling. Dahil diyan inaasahan ko na
may natutunan kayo sa ating aralin
ngayon. - Ako po titser!
• Sino rito ang nais magbahagi?
• Magaling! - Ang aking natutunan po ay
mahalaga pala talaga ang
bawat simbolo na mayroon
sa isang mapa dahil sa
tulong nito ay mas nakilala
namin ang bawat lugar at
mas madali na namin itong
mapuntahan.

• May gusto pa bang magbahagi? - Ako rin po titser!


Natutunan ko po ang iba’tibang mga
simbolo at
kahulugan nito. Tulad po ng
hugis bundok at ang
kahulugan po nito ay
bulubundukin, Ang gusali na
may krus sa itaas at ang
kahulugan po nito ay
simbahan, at panghuli ay
ang gusali na may watawat
sa gilid at ang kahulugan po
nito ay paaralan.
• Mahusay! Maraming salamat sa
pagbabahagi.
• Bigyan sila ng ang galing clap!
- 1,2,3( palakpak) 1,2,3( tadyak) ang
galing-galing!
• Tandaan na ang mga simbolo ay
matatagpuan sa mapa at ginagamit ito
upang mas makilala ang lugar na nais
tahakin at para mas madali itong
mapuntahan.

• Mahalaga na malaman ang bawat


kahulugan ng mga simbolo dahil ito ang
magtuturo sa atin kung ano-ano ang mga
katangian na mayroon sa isang lugar.

• May Katanungan pa ba patungkol sa


ating aralin? - Wala na po titser!

• Kung ganoon ay dadako na tayo sa ating


pagsusulit.
• Kumuha ng isang buong malinis na papel
at sagutan ito.
IV. Pagtataya
Gawain A
Panuto: Lagyan ng kahulugan ang bawat simbolo na makikita sa isang mapa.Isulat ito sa kaukulang
kahon.

Gawain B. Pagtatapat
Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng simbolo na hinahanap sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inilaan na patlang.
Mga katanungan:
1. Sa iyong palagay paano nakatutulong ang mga simbolo sa isang mapa?
2. Mahalaga ba na matukoy ang kahulugan ng bawat simbolo? Bakit?

Paraan ng pagpasa:
(Matapos sagutan ang pagsusulit. Ipasa ang papel pakanan at ipasa ang papel paharap. Mag-
mumula ang pagpasa sa likuran at iipunin ng nasa pinakaharapan at ibibigay na sa guro matapos
malikom ng dalawang nasa harapan ang mga papel)

V. Takdang Aralin
Panuto: Iguhit ang mapa ng inyong lugar at lagyan ito ng mga simbolo na maaaring makita rito.
Lagyan din ang bawat simbolo ng mga kahulugan. Kulayan at pagandahin ito, Gawin ito sa isang
bond paper.

You might also like