You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SIARGAO
DON ENRIQUE NAVARRO MEMORIAL SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

I- LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang maisagawa Ang


mga sumusunod.
a. Paggamit ng magalang na salita sa pag tatanong ng direksyon.
b. Nakakagawa ng pangungusap gamit ang magagalang na salita.
c. Nasasabi ang kahalagahan ng mga direksyon.

II- PAKSA: Paggamit ang magagalang na salita sa iba't - ibang sitwasyon (


pagtatanong ng direksyon).

a. Kagamitang Panturo
CG. pp:
TG. pp: 215
LM. pp:
b. Iba pang mga kagamitan sa panturo:
Kartolina, Printed activities, bond paper at marker.
III- PAMAMARAAN

AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MGA MAG-


AARAL

1. GAWAIN

a. Paghahanda

Panalangin Tumayo ang lahat para sa


panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng anak
at ng espirito santo, Amen.
Maraming salamat po
Panginuon sa mga aral na
iyong itinuro sa
pamamagitan ng amping
guro.
Amping hinihiling na sana
makaroon pa kami nag
kalakasan at katatagan
upang muli naming
mapagyaman Ang aming
kaisipan. Pinupuri ka
namin at pinapasalamatan
sa biyaya ng karunungan.
Amen.
Bago kayo umupo pakipulot ng
mga kalat sa sahig at paki ayos
narin ng inyong upuan.
(nag pulot ng kalat at
inayos ang upuan)
Maaari na kayong umupo

b. Pagtala ng lumiban
sa klase Sino ang lumiban sa klase
ngayon? Wala po, teacher.

Magaling! Akoy labis na


natutuwa dahil lahat ako'y
narito.
c. Pagsasanay Ngayon bago tayo dumako sa
ating tatalakayin nais ko munang
sagutan nyo ang mga tanong na
ito.

2. Panlinang na Gawain
May ginupit akong larawan dito
a. Pagganyak at nais kung buohin niyo ito.

Ihahati ang mag-aaral sa tatlong


grupo. Bawat grupo ay bubuohin
ang ginupit na larawan. Ang
unang makakabuo ay may
gantimpala.
Ano ang nabuo nyong litrato?
b. Pagtatanong Mapa po, ma’am ng
Siargao.
Tama!

Saang banda makikita ang


General Luna?
Sa timog-silangan po,
ma'am.
Magaling!

Anong Lugar ang makikita sa


kanluran?

Sugba Lagoon po, ma'am.


Mahusay!

Naranasan niyo na bang maligaw


sa isang lugar?
Opo, ma’am na ligaw na
po ako sa palengke noong
sinama ako ng nanay ko
noon.
Ano ang ginawa mo para
mahanap ang nanay mo?
Iyak po ako ng iyak, tapos
may mamang lumapit sa
akin at tinanong niya po
ako kung saang banda ng
palengke huling nakasama
si nanay. At itinuro ko ang
direksyon kung saan kami
ni nanay huling nagsama.
Magalang ba ang pakikitungo nya
sayo?
Opo , ma’am.

Nagpasalamat kaba pagkatapos


mong makita ang nanay mo?
Opo, ma’am.

Magaling! Huwag laging


kalimutan ang magpasalamat
pagkatapos tulungan ng iba kung
tayo ay nag tatanong o
tinutulungan.

Basi sa ating ginawang aktibidad


ano sa palagay nyo ang ating
tatalakayin ngayon?
Tungkol sa mapa po,
ma’am!
Maaari! Ano pa?
Patungkol po ma’am sa
paggalang!

Tama! Ang tatalakayin natin


ngayon ay patungkol sa Paggamit
ng magagalang na salita sa ibat-
ibang sitwasyon ( pagtatanong ng
direction).
2. PAGLALAHAD Mga magagalang na salita sa iba't
- ibang sitwasyon

Pagbati
 Magandang umaga po!
 Magandang tanghali po!
 Magandang gabi po!

Paghingi ng Paumanhin

 Pasensya na po.
 Humihingi po ako
ng tawad.
 Paumanhin po.

Pagtanggap ng Panauhin

 Tuloy po kayo.
 Dumito po muna kayo.
 Pasok po kayo.

Paghingi ng Pahintulot at
Pakiusap

 Makikiusap po sana ako.


 Pasensya na po.
 Maaari po bang.

Halimbawa:
Ikaw ay isang bakasyonista sa
siargao at nais mong pumunta sa
General Luna ngunit hindi mo
alam kung saan ito.At may nakita
kang lokal at tinanong mo ito.

Ano – anong mga tanong ang


maaari mong itanong sa kanila na
ginagamtan ng mga salitang may
pagalang?
1. Pasensya na po,
pwede po bang
magtanong?
2. Saan po ba
ang direksyon
papuntang GL?
3. Ano po ang
maaaring sakyan
papuntang GL?
4. Deresto lang po
ba ito?
5. Sa kanan po ba o
pakaliwa ang
daan?
Ang Direksyon ay ginagamit
upang makatutunton ng mga
gamit at lugar. ito din ay
mahalaga dahil kahit saan man
tayo magpunta ito ay laging
nagagamit natin.

Mga halimbawa ng Direksyon

- Diretso
- Kanan
- Kaliwa
- Taas
- Baba
- Likod
- Unahan

3. PAGLALAPAT Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung


ang pangungusap ay nag sasaad
ay gumamit ng salitang
paggalang sa pagtatanong ng
direksyo at ekes (x) naman kung
hindi.

1. Saan ang palengke?


2. Nasaan nyo po ba
inay inilagay ang asin?
3. Sa kanan po ba ang daan
papuntang paselyo?

4. Sa taas o sa baba po
ba ate ng aparador nakalagay
ang mga damit?
5. Saan po ba ang
malapit na kainan dito?
6. Pakanan o pakaliwa
ang daan papuntang dagat?
7. Diretso lang po bad ito
ang daan papuntang pure gold?
8. Pasenya na po, ano
po bang meron bakit ang
daming taong
nagkukompulan?
9. Anong isda ang
makikita doon sa may kanang
bahagi ng palengke?
10. Saan po banda dito
ang pharmacy?

4. Generalisasyon

Laging tandaan:

Sa pag tatanong, kailangan


maging magalang. Iwasan ang
pagiging maligoy sa pagtatanong.
Magpasalamat pakatapos
magtanong.

Sa pagbibigay naman ng
direksyon, gawin itong payak at
maikli. Gumamit ng mga salitang
nagbibigay ng direksyon gaya ng
diretsuhin, kumaliwa, kumanan,
sa tapat at iba pa.
IV- PAGTATAYA
Ang mag-aaral ay ihahati sa tatlong grupo bawat grupo ay gagawa ng pangungusap
gamit ang mga magagalang na salita sa pagtatanong ng direksyon.
Pangkat 1:
Gamitin ang magalang na pananalitang Pagbati sa pagtatanong ng direksyon
papuntang Palengke.

Pangkat 2:
Gamitin ang magalang na pananalitang Paghingi ng Paumanhin sa pagtatanong ng
direksyon papuntang hospital.

Pangkat 3:
Gamitin ang magalang na pananalitang Paghingi ng Pahintulot sa pagtatanong ng
direksyon papuntang Terminal.

V- TAKDANG ARALIN
Isulat ang kahalagahan sa paggamit ng magagalang na salita sa pagtatanong ng
direksyon.

Inihanda ni:
MYRA C. NOJEDA

Isinuri ni:
HAZEL JEAN H. CEPEDA

You might also like