You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) V

Sining ng Paggawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing
pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy, metal,
kawayan, elektrisidad, at iba pa.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pang lokal na materyalessa pamayanan. (EPP5IA-0a-1)
D. Bunga ng Pag-aaral:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral sa ikalimang baiting ay inaasahang
matamo ang mga sumusunod nang may 80% lebel ng kakayahan o mas higit pa:
1. naibibigay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa paggawa;
2. natutukoy ang mga kasangkapan sa paggawa;
3. natatalakay ang gamit ng mga kasangkapan sa paggawa; at
4. naipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa
paggawa.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Mga Kagamitan sa Paggawa
B. Kaugnay na Pagpapahalaga
1. Ang mga mag-aaral ay matututong makiisa sa mga gawain.
2. Ang mga mag-aaral ay matututong pahalagahan ang mga kagamitan sa paggawa.
3. Ang mga mag-aaral ay mapapahalagahan ang pagkakaroon ng kasanayan sa paggawa.
III. Mga Kagamitang Pampagkatuto
A. Sanggunian
1. K to 12 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Gabay Pangkurikulum Mayo
2016
2. Aklat: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Para sa Maunlad na Kabataan,
Pahina 212-218
B. Mga Kagamitan sa Pagtuturo
1. PowerPoint Presentation
2. Mga Larawan at Mga Kagamitan sa Paggawa
3. Laptop at Projector
4. Whiteboard marker
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati, Pagtala ng Liban at Pagsasaayos ng Silid
2. Pagganyak
Puzzle Activity ( 6 groups). Ang mga mag-aaral ay aayusin at ididikit ang puzzle na
naibigay sa kanila. Isusulat sa likod ng papel kung ano ang nabuong larawan.
Itatanong: Ano ang nabuong larawan? Nakakita na ba kayo ng ganyan? May mga
gamit ba kayong ganyan sa inyong mga bahay?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagtatalakay
• Mga Kasangkapan sa Paggawa at Saang Uri Nabibilang ang mga Ito
Tatalakayin isa-isa. Magpapakita ng larawan o totoong gamit at ipapakita ang
tamang paggamit ng mga ito.

C. Pagwakas na Gawain
Ano-ano ang mga uri ng mga kasangkapan sa paggawa? Magbigay ng mga
halimbawa nito. Saan ginagamit ang mga ito?

V. Pagtataya
Tukuyin ang mga kagamitan na makikita sa video.

VI. Takdang Aralin


Punan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang mga kagamitan sa paggawa na makikita
sa inyong bahay. Itanong sa mga magulang/guardian kung saan nila ginagamit ang bawat
kagamitan.
Mga Kagamitan sa Paggawa Gamit Nito

Inihanda ni:

PAULA JANE T. SILVESTRE


EPP 5 Teacher

You might also like