You are on page 1of 6

Name:___________________________________________ Date:______________

4th Quarter Filipino Reviewer

Basahin at unawain ang bawat bilang ukol sa araling ayos ng pangungusap.

1. Ano ang dalawang ayos ng pangungusap?


A. simuno at panaguri
B. karaniwan at di karaniwan
C. salitang kilos at salitang naglalarawan
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may ayos na nauuna ang simuno?
A. Malapit ng matapos ang Ikatlong Markahan.
B. Kami ay masaya.
C. Sabik na ako para sa Ikaapat na Markahan.
3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may ayos na nauuna ang panaguri?
A. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang.
B. Sila ay laging tumutulong sa akin.
C. Ang ate at kuya ko ay tumutulong din sa akin.

4. Kilalanin ang mga sumusunod na pangungusap. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa
Karaniwang ayos? *

A. Ang mga mag-aaral ay masipag.


B. Ginagawa nila ang kanilang mga aralin.
C. Sila ay natututo sa bawat aralin.

5.Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Alin dito ang nasa Di Karaniwang ayos?

A. Nag-eensayo ang mga atleta.


B. Inaalagaan nila ang kanilang pangangatawan.
C. Sila ay kumakain ng mga masustansiyang pagkain.

6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa Di Karaniwang ayos?

A. Ang mga tao ay sabik na para sa bakuna.


B. Pinaplano na ng mga frontliners kung paano ito maisasagawa.
C. Umaasa ang lahat na tunay nga itong makakatulong.

Basahin at sagutin nang maayos ang mga sumusunod na mga katanungan.

7.Ano ang tawag sa pangungusap na may obligasyon kang tuparin ang sinabi sa iyo?

A. Pasalaysay o Paturol
B. Pakiusap o Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

8.Anong uri ng pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan? *

A. Pasalaysay o Paturol
B. Pakiusap o Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

9.Kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng matinding damdamin, tulad ng pagkagulat, takot at


sorpresa, anong uri ito?
A. Pasalaysay o Paturol
B. Pakiusap o Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

10.Kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan, anong uri ito?

A. Pasalaysay o Paturol
B. Pakiusap o Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

11.Kung ikaw ay nag-uusisa at gusto mo ng sagot, anong uri ng pangungusap ang iyong gagamitin?

A. Pasalaysay o Paturol
B. Pakiusap o Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

12. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na Pakiusap o Pautos?

A. Binigyan ako ni Tita ng regalo.


B. Ano ang binigay niya sa iyo?
C. Kunin mo tingnan natin.
D. Wow! ang ganda.

13.Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na Pakiusap o Pautos?

A. Nakatanggap ako ng gantimpala.


B. Maaari ko bang malaman kung ano iyon?
C. Aba! Oo naman.
D. Wow! ang galing mo talaga.

14.Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na Patanong? *

A. Pumupunta ako sa silid-aklatan noon.


B. Kumuha ka ng papel doon sa ibabaw ng mesa.
C. Maaari bang manghiram ng lapis?
D. Anong gusto mong kulay berde o dilaw?

Basahin ang mga sumusunod at bilugan ang titik ng tamang sagot.

15.Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Alin sa mga salita sa ibaba ang HINDI pang-uri? *

A. magaling
B. mabilis
C. kabayo

16. Alin sa mga salita sa ibaba ang pang-uri?

A. mag-aaral
B. eskuwelahan
C. tatlumpo

17.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang HINDI gumamit ng pang-uri? *

A. Ang puting aso ay tumahol.


B. Dalawang saging ang kinain ko kanina.
C. Sila ay gumawa ng aralin.

18.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang gumamit ng pang-uri? *

A. Sumakay kami ng kabayo sa Eden.


B. Maraming magagandang bulaklak doon.
C. Kasama ko ang aking mga kapatid.

19.Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin sa mga sumusunod ang gumamit ng pang-uring
panlarawan?

A. Sampung bata ang miyembro ng bawat pangkat.


B. Gumagawa ng proyekto ang aking mga pinsan.
C. Ang kanilang proyekto ay maganda.

20.Ang mga pangungusap sa ibaba ay gumamit ng pang-uring panlarawan maliban sa isa. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI gumamit ng pang-uring panlarawan?

A. Mayroon akong isang kapatid.


B. Siya ay malikot pero mahal ko siya.
C. Binabantayan ko siya at binibigyan ng masasarap na pagkain.

21. Alin sa mga sumusunod ang pang-uring pamilang?

A. matamis
B. panlima
C. nagluto

22.Alin sa mga sumusunod ang pang-uring pamilang na kardinal?

A. dalawampu
B. pampito
C. ikatatlo

23.Piliin ang pangungusap na gumamit ng pang-uring pamilang.

A. Masaya ako sa aking pag-aaral.


B. Isang markahan na lang at matatapos na ako sa Ikatlong Baitang.
C. Nagpapasalamat ako sa aking mga kaklase at guro.

24.Ano ang maidudulot ng paggamit ng mga salitang naglalarawan sa pangungusap? Ang paggamit
ng mga salitang naglalarawan sa pangungusap ay nagbibigay daan upang maging ... *

A. maikli ang pagpapahayag


B. mas malinaw ang pagpapahayag
C. mahaba ang pangungusap

25.Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa...

A. pangngalan at panghalip
B. panghalip at pang-uri
C. pangngalan at pandiwa

26.Ano ang dalawang uri ng pang-uri?

A. panlarawan at pangalan
B. panlarawan at pamilang
C. pamilang at pangalan

27.Piliin ang pang-uri sa mga salita sa ibaba.

A. matangkad
B. lalaki
C. paaralan

28.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang gumamit ng pang-uring panlarawan?

A. Masaya ako sa aking pag-aaral.


B. Natuto akong gumawa ng sarili kong takdang aralin.
C. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang.

29.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang HINDI gumamit ng pang-uri? *

A. Marami akong kaibigan.


B. Ang babait nila.
C. Sila ang mga kaklase ko.

30.Alin sa mga sumusunod ang tamang pagbibigay kahulugan sa pang-uring pamilang? Ito ay
naglalarawan sa... *

A. hugis at laki
B. dami o bilang
C. itsura o katangian

31. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pang-uring pamilang? *

A. Panlimang buwan na ngayon ng taong 2023.


B. Kaybilis ng panahon!
C. Nakakaiyak balikan ang nakaraang taon.

32."Ikaw ay mabait na kaibigan." Alin sa mga salita sa pangungusap na ito ang naglalarawan o
pang-uri?

A. ikaw
B. mabait
C. kaibigan

33."Ako ay magalang." Alin sa mga salita dito ang inilalarawan? *

A. ako
B. ay
C. magalang

Kaantasan ng Pang-uri

A. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Tukuyin ang kaantasan ng pang-
uring inilalarawan sa bawat bilang.

34.Ito ang paglalarawan o paghahambing sa dalawang pangngalan o panghalip. Anong kaantasan


ito?

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol


35. Ito ay paglalarawan sa iisang pangngalan o panghalip. Anong kaantasan ng pang-uri ito? *

a. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

36.Inihahambing ang paglalarawan ng isang pangngalan o panghalip sa dalawa o mahigit pang


pangngalan. Anong kaantasan ito?

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

37.Mas masarap ang sorbetes kaysa sa keyk. Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa
pangungusap na ito?

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

38.Maganda ang hugis ng bulkang Mayon. Ano ang kaantasan ng pang-uri ang ginamit dito? *

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

39. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Anong kaantasan ng pang-uri ang
ginamit sa pangungusap na ito?

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

40.Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap na ito? Kapwa masarap ang saging at
mangga.

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

41.Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap na, "Reyna ng kabaitan ang nanay
ko."?

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

42."Masaya ako ngayon." Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap na ito? *

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

43.Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap na ito? Si Emil ay masipag na bata. *

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol

Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Suriin nang maayos ang mga salitang naglalarawan.

44.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa kaantasang lantay?

A. Napakahusay mo talaga!
B. Mas mahusay na pintor si Juan Luna kaysa kay Fernando Amorsolo.
C. Magaling na mang-aawit si Moira Dela Torre.

45.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nasa kaantasang lantay? *

A. Pinakamasarap magluto ang nanay ko sa lahat.


B. Magkasing-asim ang kalamansi at kamias.
C. Matamis ang mangga.

46. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa iisang pangngalan o panghalip
lamang?

A. Ubod ng sipag ang tatay ko.


B. Kapwa masungit si Antonio at si Gregorio.
C. Mabait at maaasahan si Pedro.

47.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa kaantasang pahambing?

A. Ang kuya ko ay matangkad.


B. Parehong magaling sa basketball si Kobe at si Stephen.
C. Maraming tagahanga ang mga manlalaro.

48.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naghahambing sa dalawang pangngalan o panghalip?

A. Mas malamig ang klima sa bundok kaysa sa kapatagan.


B. May maliit na kubo sa ibabaw ng burol.
C. Maraming matataas na punongkahoy sa gubat.

49.Tukuyin kung alin sa mga pangungusap sa ibaba ang naghahambing sa dalawang pangngalan o
panghalip?

A. Pinakatanyag na pangulo si Pangulong Duterte.


B. Magaling na boksingero si Senador Manny Pacquiao.
C. Higit na kinagigiliwan ang mga mapagpakumbaba kaysa sa mga mayayabang.

50.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa kaantasang pasukdol? *

A. Magkasingbangis ang leon at ang tigre.


B. Ang balyena ang pinakamalaking hayop sa mundo.
C. Matalino ang mga dolphins.

51.Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung alin dito ang nasa kaantasang pasukdol? *

A. Napakamasinop sa gamit itong si Maria.


B. Si Salome ay matipid.
C. Kapwa masipag sa kanilang pag-aaral si Lino at Lina.

52.Tukuyin ang pangungusap na naghahambing ng isang pangngalan o panghalip sa dalawa o higit


pang pangngalan?

A. Gusto kong pumunta sa malayong lugar.


B. Mas gusto ko sa dagat kaysa sa swimming pool.
C. Pinakagusto kong kumain sa labas kasama ang pamilya.

You might also like