You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BAGONG SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

Petsa Kwarter/Week Baitang/Pangkat Oras Guro


Nobyembre 07, Unang Linggo 4-Citrine, Opal, Amatrix, 5:50-6:40,6:40- Mary Ann B. Toc
2023 Linggo (Week 1) Ivory, Spinel, Agate 7:10,7:10-
8:00,8:00-
8:50,9:00-
9:50,9:50-10:20
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA FILIPINO 4
I. LAYUNIN
Naisusulat ng wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salita
hiram ; at salitang kaugnay ng ibang asignatura (F4PU-IIa-j-1)
II. PAKSANG-ARALIN
Pagbaybay ng mga Salitang Hiram Kaugnay ng Ibang Asignatura
A. Mga Sanggunian
a. Kagamitan Definitive Budget of Work (DBOW)
Mga Pahina sa Teksbuk MELC G4 Q1, Curriculum Guide
b. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa
https://www.youtube.com/watch?v=wHCsPsbwEBk
mga Gawain sa
Video Lesson
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
c.Pagpapahalaga Mabuting Pakikipagkaibigan
III. PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
Balik-Aral Basahin at unawain ang isang awitin na may pinamagatang “Ang Pipit”
Pilita Corrales at sagutin ang mga katanungan na makikita sa slides.

Pagganyak Alam niyo ba mga bata Alpabetong Filipino?


B. PANLINANG NA GAWAIN
1.PAGLALAHAD *Pagpapakita ng Bagong Alpabetong Filipino (28 letters)
*Pagbibigkas na pagbaybay
-Ang pagbigkas na baybay ay dapat paletra at hindi papantig
Halimbawa:
Aso= /ey-es-o/
Kotse=/key-o-ti-es-I/
Ulan=/yu-el-ey-en/
PANTIG
B=/bi/
At=/ey-ti/
DINAGLAT
*Dr. (Doktor)=/Kapital di-ar/
*Bb. (Binibini)=/Kapital bi-bi/
*Gob(Gobyerno)-/Kapital dyi-o-bi/

2. PAGTATALAKAY Mga Tuntunin sa Wastong Pagbaybay sa Mga Salitang Hiram


Ang Wikang Filipino ay patuloy na nagbabago at pinagyayaman; isa
malaking impluwensiya sa pagyayamang ito ay ang mga wikang banyag
Kinikilala sa Konstitusyon ng 1987 na ang pambansang wika ay Filipino,
dapat payabungin at pagyamanin nang nakasalig hindi lamang sa wika
Tagalog kundi pati na rin sa mga katutubong salita at iba pang wika.

1. Pagbabaybay sa mga Salitang Espanyol


Para sa mga hiram na salita mula sa wikang Espanyol, hindi na dap
ibalik sa orihinal na anyo ang mga salitang hiniram na lumalaganap na
ating karaniwang pagbaybay.
MGA HALIMBAWA:
Espanyol Baybay sa Filipino
intelecto intelekto
calidad kalidad
cheque tseke

2. Paghihiram Gamit ang Walong Bagong Titik (c,f,j,n,q, v,x,z)


Panatilihin ang orihinal na baybay na gumagamit ng mga bagong titik ku
ito ay ginagamit sa pangngalang pantangi katulad ng mga pangalan
tao, pangalan ng pook,mga pamagat, mga sensitibong pangala
nauugnay sa relihiyon,mga salitang may natatanging kahulugang kultur
mga scientific terms, at mga salitang mahirap baybayin sa Filipino.
MGA HALIMBAWA:
Cicero
Fatima
Quezon
Nueva Ecija

3. Reispelling o pagsasa-Filipino
Ipinahihintulot at ginaganyak ang pagsasa-Filipino ng mga salita
banyaga. Dito pumapasok ang tuntunin sa kung ano ang bigkas ay si
ring baybay.
MGA HALIMBAWA:
ballpen-bolpen
paper clip- peyper klip
computer-kompyuter

Mga Paraan ng Panghihiram ng Salita


( Tuwirang Hiram at Ganap na Hiram)

Tuwirang Hiram-Ito ay ang paghiram nang buo sa salitang banyag


Pagkatapos ay binabago ang anyo upang maging angkop ang bigkas
baybay sa ortograpiyang Filipino.
MGA HALIMBAWA :
caballo-kabayo
chinelas- tsinelas
coche- Kotse
fuerza-puwersa

Ganap na Hiram- Ito ay paghiram nang buo sa salitang banyaga na


hindi binabago ang anyo. Isinusulat ang orihinalna baybayat binibigkas
orihinal na bigkas ang mga salitang ito.
MGA HALIMBAWA:
Bully
Dry ice
Fiber optics
Plate tectinics
Ang sumusunod na mga tuntunin sa panghihiram ng mga salitang Ingl
ay binabalangkas ni Dr. Alfonso O. Santiago sa kaniyang aklat
1. Kuhain muna ang katumbas sa Espanyol na hihiraming salitang Ingle
Pagkatapos ay baybayin ito ayon sa ortographiyang Pilipino.
Halimbawa:
Ingles Espanyol FILIPINO
Check Cheque Tseke
Liquid Liquido Likido
Cemetery Cementerio sementeryo
Image imagen imahen
virtue virtud birtud

2. Kung hindi maaaring gamitinang unang paraan dahil walang katumb


na salitang Espanyol, hiramin ang salitang Ingles at baybayin ito ayon
ortograpiyang Filipino.

Ingles Filipino
traffic trapik jacket dyaket
schedule iskedyul teacher titser
standby istambay doctor doktor
Physical pisikal emotional emosyonal
3. Kung hindi maaaring gamitin ang una at pangalawang paraan, hiram
ang salitang ingles at huwag nang baguhin ang baybay ng salita.
MGA HALIMBAWA:
cauliflower
jaywalking
carbon dioxide
liver spread
3.PAGSASANAY Panuto: Ibigay ang katumbas na salitang Filipino ng sumusunod na mga salita
Ingles.
Sa Ingles Sa Filipino
1. cake _________________________
2. ballpen _________________________
3. high school _________________________
4. muscle _________________________
5. basketball _________________________

4. PAGLALAHAT Salitang Hiram- ang tawag sa mga salitang hindi maisalin sa Tagalog o wala
katumbas sa Filipino.
-Ito ay ang mga salitang bahagi ng wikang Filipino na hango o kinuha
wikang dayuhan tulad ng Ingles, intsik, Kastila at iba pa.
5. PAGLALAPAT Lagyan ng kahon ang pinakawastong baybay sa Alpabetong Filipino ng m
salitang hiram.
1. canon- kanon kanyon kanon
2. Buitre- vuitre buyitre buwitre
3. cuarto- kwarto cwarto kuarto
4. Barrio- bario varyo baryo
5. cuchon-kuchon kutson cutson

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
IV.Pagtataya Panuto: Isulat sa baybay-Filipino ang mga sumusunod na hiram na salita.
1. piano ________________________
2. educacion ________________________
3. calle ________________________
4. chocolate ________________________
5. jardin ________________________
V.TAKDANG-ARALIN Salungguhitan ang salitang hiram sa pangungusap.
1. Paborito ko ang pizza.
2. Maganda ang camera na binili niya.
3. Siksikan sa dyip ang mga pasahero.
4. Mahusay siya maglaro ng basketball.
5. Masarap angFrench FFries ng McDo.

Villamor St. Brgy. Bagong Silangan, Quezon City


8709-2355/ 8255-7383
bses136539@live.com

You might also like