You are on page 1of 8

Paaralan Antas Dalawa

GRADE 2 Guro Asignatura Filipino


Detailed Petsa Hunyo 18, 2021 Markahan: Ikaapat na Markahan
Lesson Oras 1:00-1:50 Binigyang pansin ni :
Plan

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog.


Pangnilalaman
(Content Standards)
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon.
(Performance Standards)
C. Mga Kasanayan sa Napapantig ang mga mas mahahabang salita- F2KP-IIc-3
Pagkatuto (Learning
Competency)
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II. NILALAMAN Pagpapantig ng mga Mahabang Salita

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Curriculum Guide in Filipino p.27
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino Module PIVOT 4 A Learning Material Gr. 2
Pang- Mag-aaral p. 6-9
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=Fk-Hdpg5Nc0
mula sa portal ng Learning
Resource
C. Iba pang Kagamitang Power Point Presentation/ Video Presentation/GIF
Panturo
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA BATA ANOTASYON
IV. PAMAMARAAN
I. INTRODUCTION Magandang hapon mga bata! Magandang hapon po teacher
(PANIMULA) Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapantig ng
mga mahahabang salita.
Ngayon mga bata tayo ay magbalik aral.
A. Balik-Aral sa nakaraang
Piilin sa loob ng kahon ang kapareho ng tunog na
aralin at/o pagsisimula ng
salita sa bawat bilang.
bagong aralin

dilaw bayong
.
atis nagalit

sampayan

_______1. subalit
_______2. payong nagalit 1. subalit
_______3. kamatis bayong 2. payong
_______4. kawayan atis 3. kamatis
_______5. dalaw sampayan 4. kawayan
dilaw 5. dalaw

B. Paghahabi sa layunin ng Mga bata kilala nyo na ba ang bawat letra sa alpabetong Opo, Teacher
aralin Filipino?
May ipapakita akong bidyo tungkol sa alpabetong Filipino.
Sabay – sabay natin itong panoorin.
Tungkol saan ang bidyong inyong napanood?

Ilan ang patinig sa alpabetong Filipino?


Ang bidyo po ay tungkol sa mga letra at at
Ilan ang katinig sa alpabetong Filipino?
tunog ng alpabetong Filipino.

Dapat ba nating ipagmalaki ang alpabetong Filipino? Bakit? Mayroon pong 5 patinig ang alpabetong
Filipino.
Mayroon pong 23 na katinig sa alpabetong
Filipino.

Opo. Dahil ito po ay humuhubog sa ating


pagkatao bilang isang Filipino.
Pagmasdan ang mga pantig na nasa loob ng kahon. Bumuo ng
salita gamit ang mga pantig.

C. Pag-uugnay ng mga mata tama maso piso


Ang mga salitang mabubuo natin sa pamamagitan ng
halimbawa sa bagong aralin pagsasama ng mga pantig na nasa itaas ay ang mga sumusunod:
ma ta so pi

mata tama maso piso

Magaling mga bata! Kayo ay handang handa na sa ating aralin


ngayon.
D Development
Mga bata pagmasdan ang nakasulat sa ibaba. Ito ay mga letrang
(Pagpapaunlad) bumubuo ng alpabetong Filipino.

D. Pagtatalakay ng bagong (5) Patinig


a e i o u
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 (23) Katinig

b d g h k l m n ng p r s t w y
at mga hiram na letra na
c f j ñ q v x z

Napag-aralan natin sa asignaturang Matematika na kapag ang


dalawang numero o bilang ay pinagsama, makukuha natin ang
kabuuang bilang.
Halimbawa:

5+4 =
5+4=9
3+3 =
3+3=6
Sa Filipino naman kapag ang patinig at katinig ay pinagsama
tayo ay makabubuo ng pantig.
Ang pantig ay ang pagsasama – sama ng mga letra.

Halimbawa:

m+a=ma
b+a=ba

Ilan sa mga halimbawa ng iba’t-ibang kombinasyon ng pantig;

anak – letra lamang na patinig ang nasa pantig.

gubat - mga letra na katinig at patinig ang bumubuo dito.

sisiw – mga letra na katinig, patinig at katinig ang bumubuo sa


pantig.

parang – mga letra na katinig, patinig, katinig at katinig ang


bumubuo sa pantig.

Ang salita naman ay ang pagsama-sama ng pantig o mga pantig.

Halimbawa:

ma+ma=mama
ba+ka=baka

Ang pagpapantig ay ang paghahati-hati ng mga salita sa pantig o


mga pantig.

Halimbawa:

masayahin = ma-sa-ya-hin

Ilang pantig mayroon ang salitang masayahin. Bilangin natin


kung tama ang inyong sagot.

(Ang masayahin ay may 4 na pantig)

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Alam nyo ba mga bata mayroong kayarian ang mga pantig? Ito
bagong kasanayan #2 ay ang mga sumusunod:

1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ay


hiwalay na pinapantig.

Halimbawa:
uupo – u-u-po
paano – pa-a-no

2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay


pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang ikalawa naman ay sa patinig na
kasunod.

Halimabawa:
timba – tim-ba
takpan – tak-pan

3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay


parehong kasama sa kasunod na patinig.

Halimbawa:
sobre – so-bre
pobre – po-bre

Mga bata nakatutulong ang pagpapantig sa tamang


pagbigkas at pagbaybay ng mga salita. Sa pagpapantig ang
magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay
na mga pantig.

E-Engagement Ngayon naman ay gawin ang Gawain sa Pagkatuto


(Pakikipagpalihan) bilang #1
Isulat sa inyong sagutang papel ang letra ng tamang
pantig ng mga larawan.

F. Paglinang sa Kabihasnan
1. A. e-le-pa-nte 1.B
(Tungo sa Formative
B. e-le-pan-te 2. B
Assessment)
C. e-lep-an-te 3. C
4. A
5. A
2. A. kut-sa-ra
B. ku-tsa-ra
C. ku-tsar-a

3. A. kald-e-ro
B. kal-der-o
C. kal-de-ro

4. A. bu-lak-lak
B. bu-la-klak
C. bul-ak-lak

5. A. pa-lang-ga-na
B. pal-ang-ga-na
C. pa-langga-na

Sa Araling Panlipunan ay napag-alaran natin ang mga


A- Assimilation likas na yaman.
(Paglalapat) Ano-ano ang mga likas na yaman? Ang mga likas na yaman ay yamang tubig,
yamang lupa at yamang tao.
G. Paglalapat ng aralin sa May inihanda akong panibagong gawain para sa
pang-araw-araw na buhay inyo.

Ang mga sumusunod ay mga yamang tao na


bumubuo sa ating komunidad. Buuin ang tsart sa
ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Yamang - Tao Pantig Bilang
Yamang - Tao Pantig Bilang
tindera tin-de-ra 3
mananahi tindera tin-de-ra 3
mekaniko mananahi ma-na-na-hi 4
mangingisda mekaniko me-ka-ni-ko 4
maestra mangingisda ma-ngi-ngis-da 4
kartero maestra ma-es-tra 3
kartero kar-te-ro

H. Paglalahat ng Aralin Tandaan


Ang pantig ay ang pagsasama-sama ng mga letra.
Ang mga salita naman ay binubuo ng pantig o mga
pantig.
Ang pagpapantig ay ang paghahati-hati ng mga salita
sa pantig o mga pantig.
I. Pagtataya ng Aralin Ngayon naman mga bata ihanda nyo ang mga lapis at
papel at gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Pantigin ang mga salita sa ibaba.


1. sinampalukan =
2. hamonado = 1. sinampalukan = si-nam-pa-lu-kan
3. caldereta = 2. hamonado = ha-mo-na-do
4. ginataan = 3. caldereta = cal-de-re-ta
5. adobo = 4. ginataan = gi-na-ta-an
5. adobo = a-do-bo
Sagutan natin ang inyong ginawa.

J. Karagdagang Gawain para Mga bata para sa inyong takdang aralin, gumawa ng
sa takdang- tsart katulad ng nasa ibaba at sumulat ng mga salita
aralin at remediation na may apat o limang pantig. Isulat ang tamang
pantig at bilang nito.
Salita Pantig Bilang

Paalam na mga bata. Hanggang


sa muli!

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitan ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like