You are on page 1of 5

JMJ Marist Brothers

Notre Dame of Marbel University


COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
City of Koronadal, South Cotabato

COURSEPACK
in:
FIL 1
FILIPINOLOHIYA

JMJ Marists Brothers

Notre Dame of Marbel University


1 |FIL 1
College of Arts and Sciences

LANGUAGE DEPARTMENT
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
City of Koronadal, South Cotabato

Aralin 8: Lipunan

Hunol
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama
sa isang nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at
pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at
kultura. ( https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/) Sa araling ito tatalakayin ang
iba’t ibang kahulugan ng lipunan at ang mga sangkap na nakapaloob sa lipunan.

Ani
Ang mga mag-aaral ay nakadidiskurso ng kahulugan ng lipunan at
nakababasa ng pag-aaral tungkol sa kultura.

Bisbis
Kahulugan ng Lipunan

Emile Durkheim – Ito ay isang buhay na organismo na dito nagaganap


ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.

Karl Marx – Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian mg awtoridad. Ito ay bunga ng pag-


aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang
kanilang pangangailangan.

Charles Cooley – ito ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at


tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil
sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.(https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-
lipunan/)

Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng


katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat

2 |FIL 1
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
City of Koronadal, South Cotabato

indibidwal na binabahagi ang iba’t ibang kultura at mga institusyon. Ang lipunan ay
kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at iba’t ibang estruktura sa paligid.
Pagkakaisa ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.

Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may


karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang
tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit. Wika,
sa malamang ang nauna sa kultura at lipunan. Ang wika o pagsasalita ay kauna-
unahang gawi ng isang nilalang. Wika o pagsasalita ang gamit para makipag-
ugnayan ang mga tao sa kapwa nito mga tao. Sa pakikipag-ugnayan ay nabubuo
ang isang kultura. At dahil naman sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nakabubuo
tayo ng isang lipunan.

Ang estado sa Lipunan ay binubuo ng pamilya dahil ito ang pundasyon at


nagpapatatag ng isang komunidad. Kaya mahalaga na maipamalas ng bawat isa
ang kanilang kakayanan para mapabuti ang isang lipunan. Ang isang lipunan ay
kinapapalooban din ng ibat-ibang relihiyon at mga sekta. Ang panlipunang
Institusyon o organisasyon ay ang mga sistematikong organisasyon na may mga
napagkasunduang mithiin, layunin, mga interes at mga misyon. Kaya dapat nating
maunawaan na ang lahat ng mga tao sa mundo ay may kani-kaniyang papel sa
lipunan. Ang kultura o mga nakaugalian ng mga tao sa isang lipunan.

Sa aspektong ito ay may iba’t ibang elemento:

Institusyon – isang kaayusang sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Binubuo ito


ng:

●Pamilya- bilang pinakamaliit na yunit sa isang komunidad, kilala rin sa tawag na


institusyon ng pagtutulungan at pagmamahalan.

●Edukasyon- ang edukasyon o pagtuturo ay prosesong ng pagpapadali ng


pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala,
at paggawi. Kabilang sa mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo,
pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at nakadirektang pananaliksik.

●Ekonomiya- ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang


bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng
mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

●Relihiyon- ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga


sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa
espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

3 |FIL 1
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
City of Koronadal, South Cotabato

●Pamahalaan- ang pamahalaan o gobyerno ay isang katawan o grupo ng mga


taong namamahala ng isang komunidad o estado at nag-oorganisa ng sistema nito.
Kadalasang nagtataglay ang gobyerno ng tatlong sangay—ang lehislatura
(tagapagbatas), ehekutibo (tagapagpaganap), at hudikatura (panghukuman).

(https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/)

Basahin :

San Juan. D. (2014). Kapit sa Patalim, Liwanang at dilim: Ang Wika at Patikang
Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014). Hasaan Journal.

Sanggunian:

Badie, Jun Yang (2019). Isang Masusing Paghahambing sa mga Ethnic Steriotype ng
mga Blaan, Cebuano, Ilocano, Ilonggo, maguindanaon, at tagakaolo sa Barabggay
Rubber, Polomolok, South Cotabato- Isang Papel na Binasa sa ika-5 International na
Kumperensiya sa Araling Filipino at Aseano. De la Salle Lipa, Batangas.

San Juan. D. (2014). Kapit sa Patalim, Liwanang at dilim: Ang Wika at Patikang
Filipino
sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014). Hasaan Journal.

4 |FIL 1
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
City of Koronadal, South Cotabato

5 |FIL 1

You might also like