You are on page 1of 2

Pagtatasa 1

Filipino • Grade 7

2.1 Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng Lugar na Pinagmulan Nito

Pangalan: Petsa:

Baitang at Pangkat: Marka:

Panuto: Basahin at suriin ang maikling pabulang nakasaad sa ibaba. Pagkatapos ay punan
ng sagot ang sumusunod na balangkas. Maaaring papaksang balangkas lamang ang gawin
maliban sa buod na gagawin.

Ang Langgam at ang Kalapati

Napagod sa kahahanap ng pagkain ang langgam kaya naipasya niyang uminom sa


batisan.

Sa pangingilid sa batuhan ay sinamang palad na madulas ang pobreng insekto na


ikinalublob niya sa tubig. Pinagsikapan ng langgam na makaahon, pero sa lakas ng alon ay
unti-unti siyang lumulubog.

Sa sobrang takot ay nagsisigaw siya at nagmakaawang tulungan sana ninuman.

Salamat at nakita siya ng isang lumilipad na kalapati. Ibinuka ng ibon ang bagwis at
dumapo sa pinakatuktok ng punong mangga. Tinuka-tuka nito ang sanga ng puno.
Natuwa ito nang makitang nalaglag ang isang dahon sa mismong tubig na kinaroroonan
ng insekto.

Dali-daling sumampa sa berdeng dahon ang takot na takot na langgam. Malalim itong
napabuntonghininga nang mailigtas nito ang sarili.

"Sa... salamat, kaibigang kalapati. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang tulong na
bigay mo. Kung hindi sa kabutihang loob mo ay tiyak na patay na ako."

Ngumiti lang si kalapati. Para sa kaniya tumulong lang siya sa langgam na walang
inaasahang ganting anuman.

1
Pagtatasa 1
Filipino • Grade 7

2.1 Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng Lugar na Pinagmulan Nito

Minsan ay napagod sa kahahakot ng pagkain ang langgam. Ibinaba muna niya sa burol
ang pasan-pasang bulto ng asukal. Natuwa siya nang matanaw sa hindi kalayuan ang
isang talong inaagusan ng malinaw na tubig at naiinuman.

Lalong nangislap ang mga mata niya nang makita mula sa mabilis na paglipad ang
paglapag ng kalapating kaibigan.

"Makakasabay ko siya sa pag-inom. Itatanong ko sa kaniya kung hindi ba siya nalulula sa


paglipad sa kalangitan, at kung umuulan, saan saan kaya siya sumisilong?"

Marami pa sanang bagay-bagay na iisa-isahing itanong si langgam kay Kalapati nang


mapamulagat ito sa takot. Kitang-kita niya sa harap ng puno ng mangga ang isang
mangangasong nagbinit sa pana nito at umasinta sa walang kamalay-malay na kalapating
noon ay umiinom.

Mabilis na mabilis ang pagkakataon. Sa isang iglap ay matuling nagtatakbo ang langgam
sa kinaroroonan ng manunudla. Nang pakakawalan na ang tudla ay mariing kinagat ng
langgam ang paa ng mangangaso. Sa halip na tamaan ang inaasinta ay napaigtad ang
manunudla at pumaitaas sa langit ang matulis na bala ng pana.

I. Mga Tauhan
A.
B.
C.

II. Suliranin

III. Mga Aral


A.
B.
C.
D.

IV. Buod (2 puntos)

You might also like