You are on page 1of 3

KWARTER: IKA-APAT

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 3
Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na nagbibigay ng
Pangnilalaman buhay.
Pamantayan sa Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay.
Pagganap
Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:
Kompetensi
 pagkalinga at pagtulong sa kapwa EsP5PD - IVa-d – 14
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
Kaalaman Natutukoy ang mga paraan ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
Saykomotor Nakasusulat ng mga paraan ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
Apektiv Naisasapuso ang kahalagahan ng pagkalinga at pagtulong sa pamamagitan ng paggawa ng
poster.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa
B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon
Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs p. 79
(https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-gang)
C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat
Pampagtuturo
A. Paghahanda “Ang Tunay na pagkatao ay nakikilala sa gawa mo” Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito?
Pangmotibeysyunal
na Tanong
Aktiviti/Gawain agpakita ng video clip.

https://www.youtube.com/watch?v=sKle58H4kjw

24 Oras: Pagmamalasakit at kabutihan sa kapwa, katangian ng mga everyday hero


Pagsusuri/Analysis Batay sa inyong napanood, ano ba para sa iyo ang tunay na bayani? Kailangan bang
magbuwis ng buhay upang kilalaning bayani?
B. Paglalahad Ilahad ang tula. Magtulungan
Abstraksyon
(Pamamaraan ng https://www.pinoyedition.com/mga-tula/magtulungan/

Pagtalakay)
Merong isang langgam sa tabi ng batis, Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig;

Sa nilutang-lutang at inikit-ikit
Kamatayang niya'y lalong lumalapit.
Sa tabi ng batis, sa sanga ng kahoy
Ay may namumugad namang isang ibon;
Sa kawawang langgam nagbigay ng tulong,
Naglaglag ng isang maliit na dahon.
Sa dahong nalaglag langgam ay kumapit
Kaya't nakaligtas siya sa panganib;
Ang pasasalamat ay di mahulilip,
"Makagaganti rin" - ang ipinagsulit.
Sa puno ng kahoy langgam ay nagbahay,
Tinawag ang kanyang mga kaibigan,
Gumawa ng punso at pinagsikapang
Bantayang ang ibon habang nabubuhay
Ilang araw lamang ang nakalilipas
May isang binatang lumabas sa gubat,
May sakbat na pana sa isang balikat
At ang ibon ay siyang hinahanap.
Nang napapagod na'y nakaramdam ng uhaw
Kaya't nakarating siya sa batisan;
Dito na nakita itong ibon pakay
Sa sanga ng kahoy na napakalabay.
Kung kaya't noon di'y kinuha ang pana
At tutudlain na ang ibong kawawa,
Nguni't nagulantang ang abang binata,
Sinigid ng langgam ang dalawang hita.
Sa pagkagitla pana ay nalaglag,
Nabigyang panahong ibo'y nakalipad;
Ang binata naman sa sakit ng kagat
Sa pook na yaon ay umalis agad.
Ang nangyaring ito sa ibo't sa langgam
Saksing mahalaga sa pagtutulungan;
Iligtas mo ako sa kapahamaka't
Ililigtas kita sa kapanganiban.
Ang pagtutulungan ay mabuting gawa,
Ang pagdadamaya'y napakadakila,
Magtulungan tayo at managana,
Magdamayan tayo'y magtatamong-palad.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang nabasa.

1. Sino-sino ang mga tauhan na binanggit sa tula?


2. Ilarawan ang katangian ng ibon? Ng langgam?
3. Paano tinulungan ng ibon ang langgam?
4. Paano naman natulungan ng langgam ang ibon?
C. Pagsasanay Pangkatang-Gawain Guessing Game:
(Mga Paglilinang na
Gawain) Bubunot ng sitwasyon na nakasulat sa papel. Isasakilos ito ng tatlong miyembro at
huhulaan ng kanilang kasamahan kung ano ipinakita ditong pagtulong sa kapwa. Ang
grupong mas maraming nahulaan ang siyang panalo. Mga sitwasyon:

1. Pagtulong sa matanda upang makatawid sa kalsada.


2. Pagtulong sa matanda na makaupo sa sasakyan.
3. Pagtulong sa matanda upang makakain.
D. Paglalapat Pumili ng isa sa mga larawan at ipaliwanang kung paano ipinakita ang pagtutulungan at ang
(Aplikasyon) kahalagahan nito.

https://news.abs-cbn.com/news/12/26/22/pension-for-indigent-pwds-reaches-senate-plenary
https://www.shutterstock.com/search/helping-old-lady

https://www.philstar.com/headlines/2023/01/14/2237562/rains-floods-claim-17-lives-first-2-weeks-2023

E. Paglalahat Paano naging isang paraan ng pasasalamat sa panginoon ang pagtulong sa


(Generalisasyon) nangangailangan?
IV. PAGTATAYA Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
_______1. Pagbibigay tulong sa mga nasunugan ng tirahan.
_______2. Mahalin natin ang Diyos ng walang hinihintay na kapalit.
_______3. Ang ating pamilya ay biyaya mula sa ating kapwa.
_______4. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan ng pasasalamat sa Panginoon.
_______5. Ang pagsira sa halaman ng kapitbahay ay kabutihan sa kapwa.
V. KARAGDAGANG Isulat ang buod ng kwentong napakinggan.
GAWAIN
VI. PAGNINILAY-
NILAY

Inihanda nila:

JEAN B. MOLDE
Teacher III

IMELDA A. TAN

Teacher III

You might also like