You are on page 1of 10

KABANATA I

I.PANIMULA/INTRODUKSYON

Lahat tayo ay may ibat ibang kulturang pinaniniwalaan, ibat ibat lenggwaheng

ginagamit na atiang kinalakihan. Sa ating panahon ngayon marami na ang mga

gumagamit ng ibat ibang lenggahawe lalong lalo na sa pakikipag komunikasyon na ating

ginagamit sa pang araw-araw nating pakikipag salamuha sa mga tao at maging sa ating

mga ka klase. Base sa ating wika ngayon hindi na talaga ito ginagamit bagamat gina

gamit ito ngunit may halong ibang lenggwahe kagagaya na lamang ng English.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon.

Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas nagkakaintindihan

ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino

ang kanilang saloobin at kaisipan. WikangFilipino rin ang nagiging susi tungo sa

pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng

ekonomiya ng bansa.

Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito ay

sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila

(Kitkat,2016). Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang

bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon at dahil ditto nagkakaintindihan ang

lahat ng tao (Martha.C,2014).

Sa karagdagan, maraming iba’t ibang wika dahil sa archipelago ng hugis

ng bansang Pilipinas at tinatawag itong varayti ng wika. Sabi ng marami, Wikang Ingles

ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang
pangunahing llinggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan manmagpunta

sa mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi

sa kahalagahan ng wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang

Pilipino (Martha.C,2014).

Gayunman, sa araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino ng mga kabataang

mag-aaral ngayon, nauuso na sa kanila ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang mas

mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng Wikang Filipino, ilang halimbawa

ng pagpapalawak ng bokabolaryo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga

letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilangkahalili ng isang salita upang mas

madaling maintindihan. Nauuso rin sa mgakabataan ngayon ang pagpapalit ng mga

salita sa ginagamit noong unangpanahon upang mas magangdang bigkasin at

pakinggan.

At ang pinakausisa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal

na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga

kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng iba’t ibang pagpapalawak ng

bokabularyo na nakaaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at

ekonomiya.Ang pag-aaral na ito ay may layuning tulungan ang mga mag-aaral at mga

kabataan upang kanilang malaman kung paano nakakapekto sa loob ng kanilang klase

ang araw-araw na pagsasalita ng Wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng

Wikang Filipino bilang midyum sa pagpapahayag at pagpapaliwanag nila ng

kanilang mga ideya at opinyon. Mauunawaan rin ng mga kabataan at mag-aaral ang

mga responsableng paraan ng paggamit ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin.

Gayunpaman, ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay

buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa


kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang

magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ng

mga mag-aaral ang paggamit ng “Taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan

natin o mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.

Gayunpaman, sa pagpili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-

alang din ang kahalagahan sa pag-aaral. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang

masasagot ang bawat katanungan na sumisibol sa kanilang isipan tungkol epekto ng

Wikang Filipino na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag komunikasyon sa loob ng

silid aralan sa mga mag-aaral ng Ikalawang taon sa Batsilyer sa Agham sa

Kriminolohiya sa paaralan ng Holy Trinity College. Gamit ang makakalap nilang datos at

impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-

aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

II.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na katanungan?

1. Ano nga ba ang epekto ng Wikang Filipino sa pang araw araw na pakiki pag

komunikasyon sa loob ng silid-aralan?

2. Paano mo masasabi na mahalaga na maunawaan at maintindihan natin ang

wikang Filipino sa pakikipag komunikasyon? Ano ano ang iyong mga karanasan

sa pag gamit ng Wikang Filipino?

3. Nakakatulong ba ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag komunikasyon ng

mga mag aaral sa loob ng silid aralan? Sa anong paraan?


III.PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung

ano nga ba ang epekto ng Wikang Filipino sa pang araw araw na pakiki pag

komunikasyon sa loob ng silid-aralan? Kung paano masasabi na mahalaga na

maunawaan at maintindihan natin ang wikang Filipino sa pakikipag komunikasyon? Ano

ano ang iyong mga karanasan sa pag gamit ng Wikang Filipino? At kung nakakatulong

ba ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag komunikasyon ng mga mag aaral sa

loob ng silid aralan? Sa anong paraan?

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mayroong ilang mga kabuluhan mula sa pananaliksik na isinagawa na kung saan

ay upang maunawaan at malaman kung ano ang epekto sa paggamit ng Wikang Filipino

sa pang araw-araw na pakikipag komunikasyon sa loob ng silid aralan. Ang

kahalagahan ng pag-aaral na ito ay batay sa inaasahang kontribusyon nito sa pagkuha

ng mga datos na tapat na sinasagot ng mga kalahok. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

magbibigay ng mahahalagang pananaw sa mga mag-aaral, guro, magulang at maging

sa hinaharap na mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod;

Sa mag-aaral- ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa iyo ng karagdagang

kaalaman tungkol epekto sa paggamit ng Wikang Filipino sa pang araw-araw na

pakikipag komunikasyon sa loob ng silid aralan.

Sa mga Guro- ang pag-aaral na ito ay tutulong sa iyo na hikayatin ang

pagtanggap at makakatulong sa paghahanda ng mga mag-aaral na umunlad sa isang

malawak na magkakaibang mundo.


Sa mga Magulang- ang pag-aaral na ito na maimpluwensyahan ang lahat mula

sa kung gaano katagal ang ginugugol ng mga magulang sa kanilang mga anak

hanggang sa kung paano nila sila dinidisiplina.

Sa hinaharap na mananaliksik- sa hinaharap na mananaliksik, lalawak ng pag-

aaral na ito ang iyong mga pananaw, at ito ay isang mahusay na paraan ng paggamit ng

bagong impormasyon at pagtingin sa mga bagay sa ibang paraan.

V. Mga Delimitasyon at Limitasyon

Nilalayon ng pag-aaral na ito na maunawaan at malaman kung ano ang epekto

sa paggamit ng Wikang Filipino sa pang araw-araw na pakikipag komunikasyon sa loob

ng silid aralan ng mga mag-aaral sa Ikalawang taon ng Batchelor of Criminology sa Holy

Trinity College. Bilang karagdagan, ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isang malalim

na pakikipanayam magsalita nang random. Dahil sa likas na katangian ng malalim na

panayam sa kwalitatibong pananaliksik, kakaunti ang mga kalahok ang kailangan, dahil

ang layunin ay makamit ang lalim ng impormasyon sa paksa ng pananaliksik.

VI. Depenasyon ng mga Termino

Wikang Filipino- Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ang

wikang ginagamit ng nakakaraming tao sa bansa at sa pamamagitan nito ay

nagkakaintindihan ang napakaraming tao sa bansang Pilipinas.

Kultura- kabuuang katawagan sa mga kaisipan, kaugalian, tradisyon, at gawi ng isang

lipunan.

Epekto- ay isang kinalabasan, nagging resulta o nagging bungay ng isang pangyayari,

bagay at mga sitwasyon.


KABANATA II

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon kay Rubrico (1999), ang kultura ay ang kabuuang pananaw ng mga tao

saisang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa

mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay

sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nag papalaganap

sa kanilang pangkalahatang diwa. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na

siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan

sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-

nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa

kanyang paglalakbay tungo sama kabuluhang buhay.

Ayon naman kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buhay,

bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa

kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang

magiging batayan ng pag-aaral na ito kung nakatulong ba ang paggamit ng wikang

Filipino sa loob ng silid aralan ng, maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o

mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.

Dagdag pa dito, ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino

ay ganito ang batayang deskripsyon para sa pag-aaral na ito: Ang Filipino ay ang

katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga

etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumadaan sa

proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at

mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang

saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ayon


na nga dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng ebolusyon, ang ibig

sabihin ay may pagbabago. Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng

Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles

na tinatawag nating “Taglish”. Ito’y gamit na gamit lalo na sa mga kabataan ngayon sa

loob ng silid aralan.

Ang Bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa

simbahan, satahanan o kahit saang dako pa man. Karaniwan, ang Bibliya ay isinasalin

sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lamang ng wikang Filipino, Bisaya, llonggo

at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay

mayroong 66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng

kultura ng mga Pilipino ang pagiging maka-Diyos kung kaya’t ang pagsasalin ng Bibliya

sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga para sa mga katutubo at iba pang mga

Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang

henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutunan ng isang bata ang kanyang

katutubong wika,unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura. Samakatuwid, ang

wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rinang nag-

uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura

ay maiintindihan at mapahahalagahan maging ng mga taong hindi napaloob sa tinutukoy

na kultura.

Noong 1968, ayon sa Philippine Bible Society, napagkasunduan ng Secretariat

for Promoting Christian Unity at ng United Bible Societies na gamitin ang

dokyumentaryong Guiding Principles for Interconfessional Cooperation sa pagsasalin

ng Bibliya. Sinasabi rin na mahalaga ito dahil dito pinag- uusapan kung paano
mareresolba ang iba’t ibang katanungan patungkol sa iba’t ibang pagsasalin.

Ito ang kanilang naging batayan sapagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika.

Habang tumatagal, padagdag nang padagdag ang kaalaman ng mga tao lalo na

ang mga kabataan. Nauuso sa panahon ngayon ang pinaghalong Tagalog at Ingles na

mas kilalasa bansag na ‘Taglish’, ito ay ang lengguwaheng karaniwang ginagamit ng

mga kabataan ngayon. Malaki ang naging epekto nito lalo na sa pakikipagkomunikasyon

at pakikihalubilosa kapwa. Bagamat, kailangan natinng hanguin ang sariling atin sa

pagkat ito an gating wikang Filipino.

Gayunman, sinabi ni Lewis(1999), isang klerigong Ingles noong ika-18 siglo na

habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kaya kinakailangang suriin ang

mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan

para maunawaan ng bagong henerasyon. Ayon pa sa kanya, mahalaga ang bagong

bersyon ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan

ito hanggang sa mga susunod pa nasalinlahi. Kinakailangan natin malaman kung ano

nga ba ang mga epekto ng wikang Filipino lalong lalo na sa mga mag-aaral ngayon. Ang

mga kabataan ay madalas gumagamit ng wikang hindi atin, sa maka bagong panahon

mahalaga na gumagamit ng wikang Filipino sa loob ng silid aralan upang mas madaling

magka intindihan.

Kung susuriin ang sinabi ni Lewis na habang lumilipas ang panahon ang wika ay

hindi na naiintindihan kaya’t kinakailangang suriin at rebisahin upang maunawaan ng

bagong henerasyon. Alam nating lahat na halos ng wikang ginagamit ngayun ay may

dagdag na sariling English dahil ito sa ating mga natutunan sa loob ng wikang paaraln.

Ngunit ano nga ba ang epekto sa paggamit ng wikang Filipino sa pang araw-araw na
pakikipag komunikasyon sa mga tao at maging sa mga mag-aaral sa loob ng silid

aralan?
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Daproza Ave, General Santos City, South Cotabato

Epekto sa paggamit ng Wikang Filipino sa pang araw-araw na pakikipag Komunikasyon


sa loob ng silid-aralan sa mga mag-aaral ng Ikalawang Taon sa Batsilyer sa Agham sa
Kriminolohiya sa paaralan ng Holy Trinity College.

MGA MANANALIKSIK:

CHESCA O. ZAULDA
ERROL MARISCAL
KEVIN MOLINA
LUCKY LOUIS NULADA
BENJAMIN DECLAROS
STEPHEN LOZADA

APRIL, 2024

You might also like