You are on page 1of 11

A

Araling Panlipunan 8
KWARTER 4, LEARNING ACTIVITY SHEET 2

(Week 3-4)

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1|Page
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 8
Activity Sheet Bilang: 2
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan
sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan 8 Learning Activity Sheet

Manunulat: Catherine A. Dagami – Anibongon IS (Sta. Rita I District)

Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet, Gibson J. Gayda

Editor: Eloisa R. Zartiga

Tagasuri: German S. Mabini

Tagapamahala:

Carmela R. Tamayo, EdD, CESO V – Schools Division Superintendent

Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent

Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID

Eloisa R Zartiga - EPS – Araling Panlipunan

Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate

2|Page
ARALING PANLIPUNAN 8

Mag-aaral: _________________________________________ Pangkat __________________

Paaralan: ___________________________________________ Petsa: ___________

ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


I. Panimula
Matapos ang 6 nabuwang negosasyon ng Central at Allied Powers,
nilagdaan ang Treaty of Versailles noong Hunyo 28, 1919. Ang kasunduang
ito sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang
Digmaang Pandaigdig. Batay sa Artikulo 231 o War Guilt Clause ng Treaty of
Versailles, ipinataw ng Allies ang responsabilidad sa naganap na digmaang
sa Germany at sa mga kaalyado nito. Napilitan ang Germany na magbayad
ng malaking halaga para sa pinsalang dulot sa mga bansang nakalaban.
Ngunit, hindi natupad ang kapayapaang inaasahang makamit batay
sa Treaty of Versailles ng 1919. Sa halip, nasaksihan ng daigdig ang isa
pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa
kasaysayan ng sangkatauhan – ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na
naganap mula 1939 hanggang 1945.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaidig. AP8AKD -IVb - 2

III. Pamamaraan
A. Simulan
Gawain 1: Hula, Hoop!
Panuto: Isulat sa maliliit na hulahoop ang letra ng iyong tamang sagot.

a. League of Nations d. National Socialism


b. United Nations e. Facism
c. Hiroshima

https://www.argos.co.uk/product/6169567

3|Page
1. Isa ito sa mga lugar sa Japan na pinasabog
ng United States sa pamamagitan ng atomic bomb.

2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa na


itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

B. Alamin

ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II (WWII) ay itinuturing
pinakamapangwasak na digmaang sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay
nagsimula noong 1939 nang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Germany at
Anglo-French coalition. Ang Anglo-French coalition ay tumutukoy sa politikal na
ugnayan ng Britain at France. Sa digmaang ito nadiskubre ang paggamit ng rocket
at atomic bomb. Natapos ito noong 1945 kung saan naiwan and U.S. at USSR
(Union of Soviet Socialist Republics) o Russia sa kasalukuyan bilang
pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig.
Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Kabiguan ng mga Kasunduang Pangkapayapaan – Bagama’t hinangad ng
mga bansa ang kapayapaan sa pamamagitan ng Treaty of Versailles, sa
isinagawang Paris Peace Pact ay napagkasunduan nila na ang digmaan ay
hindi maaaring gamiting instrumento o paraan ng pagreresolba ng mga
hidwaan sa pagitan ng mga bansa ngunit maaari itong gamiting pang depensa
ng isang bansa. Dahil dito, ginawang dahilan ang digmaan bilang pagtatanggol
sa sarili ng ilang bansa.
2. Pagbuo ng Alyansang Axis – Ang alyansang ito ay binubuo ng Germany, Italy
at Japan. Tinawag itong Rome – Berlin – Tokyo Axis. Kalaunan, Axis ang
naging tawag sa mga naging kaalyado ng mga bansang ito sa pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. Agresibong Germany sa Europa – Sa pamumuno ni Adolf Hitler ng Germany,
naging bahagi ng Germany ang Austria noong 1938 sa pamamagitan ng
Anschluss, salitang German na nangangahulugang pag-iisa. Sa pamamagitan
nito, naging isa ang Germany at Austria. Sinuportahan naman ni Benito
Mussolini ang punong ministro ng Italy ang hakbang na ito ng Germany. Hindi
naman pinakialaman ng Britain at France ang ginawa ng Germany, at
ipinagpalagay na ang isyu ay usaping German, dahil ang mamamayan ng
Austria ay wikang German ang ginagamit na wika. Ngunit hindi tumigil ang
Germany sa pananakop ng mga bansang binubuo ng etnikong German ang
populasyon. Sinakop din nito ang Czechoslovakia. Binalak din nitong sakupin
ang Poland, ngunit nagpahayag ang Britain na tutulungan ang Poland kung
sakaling sakupin ito ng Germany. Nakipag-alyansa naman ang USSR (Russia)

4|Page
kay Hitler, kapalit ng pangako nitong hindi kailangang makipagdigma ng USSR
laban sa Allied Powers kung aanib ito sa Axis. Ang tanging gagawin lamang ng
Russia ay maging neutral.

Mga Mahahalagang Pangyayaring Naganap Noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig (WWII) 1939-1945

1. Ang Pamamayagpag ng Axis – Setyembre 1, 1939 nang bombahin ng


hukbo ng Germany ang mga railroad o daanan ng tren ng Poland. Ito ay
upang mahirapang makagalaw ang hukbo ng Poland. Pagkatapos ng 4 na
araw, napasok ng Germany ang Poland. Tinawag na Blitzkrieg o lightning
war ang estratehiya ng Germany. Ang Blitzkrieg ay ang mabilis na
pagsalakay gamit ang hukbong panghimpapawid at pangkalupaan upang
mapalibutan ang kaaway. Bagama’t sinubukang lumaban ng Poland laban
sa puwersang Aleman (German), hindi sila nagtagumpay. October 6, 1939
nang lubusang masakop ng Germany ang Poland. Pagkatapos nito ay
walang naging malaking hakbang ang Germany. Bagama’t nagbigay ng utos
si Hitler sa kanyang mga heneral na salakayin ang France at ang Low
Countries na binubuo ng Belgium, Netherlands at Luxembourg, hindi nila
ito agad na ginawa. Sa halip ay humingi sila ng mas mahabang oras at
iginiit na sasalakayin lamang ang Holland, Belgium at ang kanal ng France
na daanang pantubig nito. Dahil dito tinawag itong Phony War ng
pahayagan sa US dahil walang mga malalaking kaganapan sa yugtong ito.
November 30, 1939 ng sakupin ng Russia ang Finland. March 8 nang
itigil ng Russia ang pakikidigma nito sa Finland sa pangambang
manghimasok ang Britain at France. April 9, 1940 nang salakayin ng
Germany ang Norway at Denmark. Ito ay upang mapaniting ligtas ang
paglalayag ng mga barkong pangkalakal ng Germany sa Baltic Sea. Agad
namang sumuko ang Denmark samantalang pilit na lumaban ang Norway
sa tulong ng France at Britain. Layunin ng Britain na makontrol ang
daanan ng mga barkong German sa Baltic Sea.
May 10, 1940 nang magsimulang salakayin ng Germany ang France
at Low Countries gamit ang kanilang makabagong sasakyang
panghimpapawid. May 14, 1940 nang sumuko ang Netherlands. June 10
nang magdeklara ang Italy ng digmaan laban sa France at Britain. June 27
nang magkaroon ng kasunduan ang France at Germany na tigil-putukan
kapalit ng pagkontrol ng Germany sa hilagang bahagi ng France.
Bagama’t malaking bahagi na nang Europa ang sakop ng Germany,
nangako naman ang Britain na patuloy na makikipaglaban sa Germany.
Ang pagsakob sa Britain ang pinakamibasang paraan upang tapusin ito
ngunit masyado itong mapanganib para sa Germany hanggat malakas pa
ang hukbong panghimpapawid ng Britain. Kaya’t ninais ng Germany na
wasakin ang mga eroplano ng Britain. Ngunit nabigo sila dahil sa
makabagong kagamitan ng Britain, ang radar kung saan nalalaman nila

5|Page
kung may paparating na eroplanong German. September 17, 1940 nang
tuluyang itigil ni Hitler ang planong pagsakop sa Britain.
Samantala, ang Italy na kaalyado ng Germany ay sinalakay ang
kolonya ng Britain sa Africa ang Egypt mula sa Libya na kolonya ng Italy
noong 1940. Sunod din nitong sinalakay ang Greece ngunit parehong bigo
ang mga pagsalakay na ito. Dahil dito, nagpadala ng hukbong
panghimpapawid ang Britain sa Greece at sa isang isla nito ang Crete. Dahil
dito binalak ni Hitler na salakayin ang Greece. Hinikayat niyang umabib sa
Axis Powers ang mga bansang Romania at Hungary noong 1940. Taong
1941 ng umanib din ang Bulgaria sa Germany, samantalangtumanggi ang
Yugoslavia na naging dahilan kaya sinalakay ito ng Germany para sakupin.
Nagtagumpay ang Germany na sakupin ang Greece at Libya.

2. Paglawak ng Sakop ng Digmaan- Bagama’t nagpahayag ng pagiging


neutral ang United States sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nagpahiram ito ng 7 bilyong US dollars sa Allied Powers noong
1941. Septeyembre ng parehong taon ng mag-utos si Pangulong Roosevelt
na atakihin ng hukbong pandagat ng Amerika ang mga sasakyang
pandigma ng Axis Powers sa Iceland. Samantalang ipinagbawal ng US ang
pagpapadala ng mga produktong pangkalakal sa Japan na kaalyado ng
Germany, tulad ng metal, iron at langis para sa mga sasakyang
panghimpapawid ng Japan upang mapigilan ito sa ginagawang
pagpapalawak ng teritoryo sa Asya sa pamamagitan ng pananakop sa mga
kalapit nitong bansa.
June 22, 1941 nang sinimulang salakayin ng Germany ang USSR
(Russia). Bagamat sa simula ay naging madali para sa Germany na
mapasok ang Russia, ang pagdating ng panahon ng taglamig ay nagpahina
sa kanilang hukbo. Nawalan ng silbi ang kanilang mga sasakyang pandigma
dahil sa nabalot ang mga ito ng yelo. Ngunit, bagama’t malaking hukbo ang
nabawas ng Russia sa hukbong German noong taglamig, marami parin ang
nakaligtas pagkatapos ng taglamig at ipinagpatuloy ang pagsalakay sa
Russia. Bagama’t nabigo ang Germany na makuha ang Moscow (kabisera ng
Russia) nakuha naman nito ang Leningrad, ang ikalawang pinakamalawak
na lungsod ng Russia.
Samantala, bagama’t ipinatigil ng US ang pagpapadala ng langis sa
Japan, hindi parin ito tumigil sa pananakop. Sinalakay nito ang mga
bansang Myanmar, Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Naglagay din ito ng
mga hukbong pangkaragatan sa gitna at Timog-Kanlurang bahagi ng
Pasipiko. Ngunit, malaki ang pangamba ng Japan dahil sa base-militar ng
US na nakabase sa Hawaii, na binubuo ng mga islang nasa kanlurang
bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, sorpresang inatake ng Japan
ang Pearl Harbor, isla sa Hawii kung saan nakatayo ang base-militar ng US.
Dahil dito, nagdeklara ng digmaang ang US laban sa Japan noong
December 8. Samantla, nagdeklara naman ng digmaan ang Germany at
Italy laban sa US noong December 11. Hindi naging madali sa Japan ang

6|Page
pakikipaglaban sa US dahil nagagawa ng US na basahin ang military codes
ng Japan o mga palitan ng mensahe sa kanilang mga radio.
3. Ang Pagtatagumpay ng Allied Powers – Natalo ng hukbong British sa
Egypt ang hukbo ng Italy sa Libya at nakuha nila ang Tobruk na kabisera
ng Libya mula sa Italya at ang Banghazi na isa ring lungsod at daungan sa
Libya. Taong 1943 naman nang bombahin ng magkasamang puwersa ng US
at Britain ang Germany bilang mga kakampi ng bansang Russia. Sa
pamamagitan nito, nais nilang pahinain ang puwersa ng Germany na abala
sa pananalakay sa Russia at sa Africa. August 23 nang makiusap ng “tigil-
putukan ang Romania sa Russia. September 9 naman nang sumuko ang
Bulgaria, at ang Finland noong September 19.
July 10 nang salakayin ng magkasamang puwersa ng Britain, Canada
at US ang Italy. Nang mapatalsik sa puwesto si Mussolini – ang punong
ministro ng Italy noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng
negosasyon sa pagitan ng Italya at ng Allied Powers kung kaya’t nagkaroon
ng “tigil-putukan” noong September 8.
Samantala, sa Pasipiko naman ay magkasamang nakipaglaban ang
mga puwersa na US, Canasa, New Zealand at Australia laban sa Japan.
Napilitang umatras ang hukbong Hapon mula sa mga kolonya nito. June 15
nang makarating sa pulo ng Saipan sa Japan ang hukbong Amerika.
November 1944 nang simulang bombahin ng US ang Japan. August 14,
1945 nang sumuko ang Japan.
Upang tulungan ang France na makalaya mula sa Germany, sinakop
ng magkasamang hukbo ng Britain, Canada at US ang Normandy – rehion
ng France sa Hilagang-Kanluran. Augst 25 nang tuluyang mapalaya ng
hukbo ng Amerika ang Paris (kabisera ng France) mula sa hukbong
German.
July 3, 1944 nang tuluyang matalo ng Russia ang natitirang hukbo
ng Germany sa Belarus (na bahagi pa ng bansang Russia noong panahong
ito).
Nang tuluyang mapasok ng Allied Powers ang Germany,
nagpakamatay si Hitler noong April 30. Pumalit sa kanyang pamumuno si
Karl Doenitz. May 7, nang sumuko ang Germany sa US at Britain.

Ang Yalta Settlement

Nagpulong ang 3 pinuno ng mga bansang nanalo sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig noong Pebrero 19445 sa Yalta, bahagi ng Crimea
(tangway sa bansang Ukraine). Dahil sa napipintong pagtatapos ng
digmaan, nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng
Great Britain, at Franklin Roosevelt ng US.
Sa nasabing pulong, napagkasunduang ipatupad sa Germany ang
disarmament o pagbabawas ng armas, demilitarization o pagbabawal na
magtatag ng sandatahang lakas, at dismemberment o paghahati rito.

7|Page
Napagkasunduan ding pagbabayarin ang Germany ng 20 bilyong dolyar
bilang bayad-pinsala. Ang kalahati nito ay mapupunta sa Russia bilang
kabayaran sa pagkasalanta nito bunga ng paglusob ng Germany noong
1941.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang digmaang ito ang itinuturing pinakamagastos sa kasaysayan.


Binubuo ng 61 bansa ang nasangkot, kung saan 1.6 bilyong tao ang naging
bahagi ng digmaan o ¾ ng populasyon ng buong mundo. 110 milyong katao
ang direktang nasangkot sa pakikipagdigma kung saan: 22-30 milyon ang
mula sa Russia, 17 milyon ang German, at 16 milyon ang Amerikano.
Humigit-kumulang 55 milyon naman ang namatay, kung saan 25
milyon ang mula sa hanay ng mga militar, at 30 milyon ang sibilyan.
Humigit-kumulang 5.6-5.9 milyong Jew naman ang namatay dulot ng
Holocaust o ang pagpapatupad ng Nazi Party (partidong politikal sa
Germany na kinabibilangan ni Hitler) na patayin ang mga Jew. Ang mga
Jew ay tagasunod ng relihiyong Judaismo.
Samantala, Humigit-kumulang 1 trilyong US dollar naman ang
kabuuang gastos sa digmaan. Pagkatapos ng digmaang ito, humina ang
hukbong-militar ng Britain, France, Germany at Japan. Tanging US at
Russia na lamang ang nanatiling malakas ang puwersang militar.
1. Naging bukas ang pag-aaral sa mga
Pilipino, mahirap man o mayaman.
C. Magbahagi
2. Nakaboto ang mga Pilipino mahirap
man o mayaman, lalake man o babae
Gawain 2: PAMANANG INGLES SA PILIPINAS
Panuto: Batid nating lahat na ang Pilipinas ay nakaranas ng pananakop ng
iba’t ibang bansa. Isa na rito ang Amerika. Sa loob ng kahon sa ibaba ay
makikita dalawa (2) sa mga pamana ng Amerika sa Pilipinas. Sa gawaing ito
ay pipili ka ng isang pamana na sa tingin mo ay napakahalaga para sa iyo,
sa iyong pamilya at sa iyong komunidad. Pagkatapos ay ipaliwanag kung
bakit nasabi mong napakahalaga nito sa iyo, sa iyong pamilya at
komunidad. Isulat ito sa espasyong nakalaan sa ibaba.

Paliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8|Page
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. Magsagawa
Gawain 3: TIMBANGIN MO
Panuto: Sa gawaing ito, ay nais kong balikan mo ang mga naging sanhi
ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkataposay sagutan
mo ang katanungan sa ibaba.

1. Para sa iyo, ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Gawain 4: TALAHANAYAN NG PANGYAYARI
Panuto: Gamit ang iyong mga bagong kaalaman tungkol sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, punuan ang talahayan sa ibaba.

Mga
Nasangkot/A
ktor

W
W
Apat na
II Mahalagang
Pangyayari
1939
-
1945

9|Page
Mga Epekto

Aral sa Buhay na Natutunan

Gawain 5: TIMBANGIN MO!


Panuto: Sa talahanayan ay makikita mo ang isang (1) mabuti at isang (1)
masamang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa espasyong
nakalaan sa ibaba, isulat ang iyong opinion kung nakabuti nga ba o
nakasama ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Positibo Negatibo
Nakalaya ang Pilipinas mula sa Pagkawala ng maraming buhay
mahigpit na pamumuno ng ng mga militar at sibilyan
Japan.

1. Para sa iyo, nakabuti ba o nakasama ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

III. Sanggunian
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., Kasaysayan ng Daigdig (Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon), Bagong Edisyon 2012, Vibal
PublishingHouse, Inc.
Rosemarie C. Blando et. al, Kasaysayan ng Daigdig (Modyul para sa Mag-
aaral), Unang Edisyon 2014, Department of Education-Bureau of
Learning Resources (DepEd-BLR)

10 | P a g e
Encarta Encyclopedia, © Microsoft Incorporation

https://www.argos.co.uk/product/6169567

IV. Susi sa Tamang Sagot

(Maaaring magkaiba-iba ang sagot sa mga gawain.)

11 | P a g e

You might also like