You are on page 1of 1

REFLECTION

Makikita sa pelikula na ito ang lahat ng mga karanasan ng mga LGBTQ, pagdating sa pakikipaglaban para
sa kanilang mga kapwa transgender. Mas nabigyan linaw dito ang mga Karapatan nila upang
maipagpatuloy ang kanilang pakikisama at humihiling ng pantay na pagtingin para sa kanila. Ang bawat
aspeto ng palabas ay ipinamumulat sa lahat ng tao na kailangan sila itrato ng maayos na magbibigay sa
kanila ng lakas ng loob. Hindi masisikmura ang mga karanasan nila dahil sa mga taong nakapaligid sa
kanila na tinutulak sila pababa. Kaya sa palabas na ito ay malaking tulong para magbukas isip sa mga tao
na isa alang-alang sila pagdating sa lahat ng gampanin sa buhay. Bigyan ng pantay na pakikisama, sahod
ayon sa kanilang ginugugol na oras, ayon din sa binibigay nilang kakayahan. Dahil pagdating ng panahon
ay tayo tayo lang din ang magtutulungan. Ipinakita din dito kung gaano sila hinigpitan ng gobyerno at
kung paano sila pinahirapan. Kaya nagkaroon sila ng iisang hakbang tungo sa kanilang pinaglalaban.
Gumawa ng partido para sa kapayapaan. Ipinakita din dito kung gaano kahalaga ang boses, na kahit
tapak tapakan sila at saktan sila. Hindi sila tumigil ipaglaban ang kanilang mga sarili para sa pantay na
pagtingin.

You might also like