You are on page 1of 12

TABLE OF SPECIFICATION

PERIODICAL TEST # 1 IN FILIPINO 5


QUARTER 2

SUBJECT FILIPINO TOTAL NO. OF 40


INSTRUCTION DAYS
GRADE LEVEL 5 TOTAL NO. OF 50
ITEMS
TEST ITEM PLACEMENT

UNDERSTANDING
REMEMBERING

EVALUATING
LEARNING

ANALYZING

CREATING
APPLYING
Actual Total
COMPETENCIES Weight
Instructio No. of
(Include Codes if (%)
n (Days) Items
Available)

Nababaybay nang
wasto ang salitang
1 natutuhan sa aralin 2 3 1-3
5%
at salitang hiram
(F5PU-Ic-1).

Nasasagot ang mga


tanong sa
binasa/napakinggan
2 g talaarawan, journal 3 4 4-7
7.5%
at anekdota (F5PB-
Id-3.4, F5PB-Ie-3.3,
F5PB-IIf-3.3).

Naibabahagi ang
isang pangyayaring
3 nasaksihan o 3 4 10-11 8 9
7.5%
naobserbahan (F5PS-
Id-3.1).

Nailalarawan ang
tagpuan at tauhan
ng napanood na 12-
4 3 4
7.5% 15
pelikula at nabasang
teksto (F5PD-Id-g-11
F5PB-IIa-4).

Nabibigkas nang may


wastong tono, diin, 17,
5 antala at damdamin 3 3 16
7.5%
18
ang napakinggang
tula (F5PS-Ie-25).

Naibibigay ang 19, 21,


6 3 4 20
paksa/layunin ng 7.5% 22
napakinggang
kuwento/usapan/tal
ata, at pinanood na
Dokumentaryo
(F5PN-Ic-g-7, F5PN-
IIg-17, F5PD-IIf-13).
Naibibigay ang
mahahalagang
pangyayari sa
nabasang
talaarawan, 4 23-25 26
7 3 7.5%
talambuhay at sa
napanood na
dokumentaryo
(F5PB-IIg-11,
F5PD-IIi-14).
Nagagamit ang
magagalang na
pananalita sa
27,
pagsasabi ng hinaing
o reklamo, sa 28,
8 pagsasabi 3 4
7.5%
ng ideya sa isang 29,
isyu, at sa pagtanggi 30
(F5PS-Ig-12.18,
F5PS-IIf-12.12,
F5PS-IIj-12.10).
Nakapagbibigay ng
angkop na pamagat
sa isang talata at
9 tekstong 3 4 31, 33 32
7.5%
napakinggan (F5PB-
Ig-8
F5PN-Ih-17).
Naipapahayag ang
sariling opinyon o
reaskyon sa isang 3 37 35 36
10 3 7.5%
napakinggang balita,
isyu o usapan (F5PS-
Ia-j-1).
Naibibigay ang
bagong natuklasang
kaalaman mula sa 3 38,39 40
11 3 7.5%
binasang teksto at
datos na hinihingi
ng isang form.

Nakasusulat ng
simpleng patalastas, 41,
12 at simpleng islogan 2 3 43
5%
42
F5PU-IIIa-b-2.1,
F5PU-IIIb-2.11).
Nagagamit ang
pangkalahatang
sanggunian sa
pagtatala ng 4 44-47
13 3 7.5%
mahahalagang
impormasyon
tungkol sa isang isyu
(F5EP-IIe-i-6).

Naitatala ang mga


impormasyon mula 48-
14 3 3
7.5% 50
sa binasang teksto
(F5EP-IIa-f-10).

TOTAL 100.0% 50 22 15 5 0 0 8
10

IKALAWANG PAGSUSULIT
sa Filipino 5

Panuto: Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ang
napiling sagot sa sagutang papel.
Para sa aytem bilang 1-3, basahin ang teksto na makikita sa ibaba.

Sa paaralan ay marami na ring makikitang pagbabago na lalong makatutulong sa mga mag-aaral tulad ng
calculator na nagagamit sa Matematika, pag-aaral ng computer na nagagamit sa paggawa ng mga proyekto
at term paper, Xerox machine na nagagamit sa pagkopya ng mga nasaliksik na aralin.

1. Sa binasang teksto, alin sa mga sumusunod ang hindi hiram na salita?


a. calculator b. computer c. term paper d. proyekto
2. Ito ay tumutukoy sa gamit ng mga mag-aaral na nakakatulong sa kanila sa paggawa ng mga proyekto?
Ano ito?
a. calculator b. computer c. term paper d. proyekto
3. Isa ito sa mga pagababago na dulot ng teknolohiya na nagagamit sa pagkopya ng mga nasaliksik na aralin
ng mga estudyante.
a. calculator b. computer c. term paper d. Xerox machine

Para sa aytem bilang 4-7, basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang mga kasunod na tanong.

Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya raw ay malakas na binangga ng
bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa ito nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2,
2019,” sagot ng babae. “Bakit ngayon lang kayo nag-report? Dapat sana’y noon pa!” tanong ng pulis.
“Nagdalawang-isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya hindi ko po nireport,” sagot ng
babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nag-report na ho kayo?” sabi ng pulis. “Andito po kasi yung
bisekleta ng bumangga sa akin, ayun po sa gilid,” paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito ng
isang lalaki. Pambili daw niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa. Naawa ang aming hepe kaya binili
niya.” tugon ng pulis.

4. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?


a. isang binata c. isang babae
b. matandang lalaki d. isang bata
5. Bakit pumunta sa estasyon ng pulis ang babae?
a. Kakausapin ang pulis tungkol sa nakita niyang pangyayari.
b. Sasampahan niya ng kaso ang kapitbahay.
c. Isusumbong niya ang kaibigan.
d. Ire-report niya ang nangyari sa kaniyang insidente.
6. Bakit hindi daw siya agad nag-report sa pulis?
a. Nakalimutan niya.
b. Natatakot siyang magsumbong.
c. Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.
d. Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya namukhaan ang lalaki.
7. Bakit naisipan na niyang magreport sa pulis?
a. Nabangga muli siya ng bisekleta.
b. Nakita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.
c. Nakita niya ang bisekleta nang nakabangga sa estasyon ng pulis.
d. Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.

8. Sa pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan, laging tandaan na ito ay dapat batay
sa iyong karanasan at di galing sa opinyon ng iba.
a. Tama b. Mali c. Pwedeng tama d. Pwedeng mali
9. Bakit mahalagang magkaroon ng pagbabahagian patungkol sa mga nangyayaring nasaksihan?
a. Dahil ito ay tungkol sa iyong saloobin
b. Makakatulong ito upang makapagbigay impormasyon sa iba
c. Magiging trending ito kapag naibahagi mo
d. Magiging kapakinabangan ito sa iyong sarili
10. Isang tanong na sumasagot sa panahon ng isang balitang ibinabahagi.
a. Paano b. Saan c. Kailan d. Bakit
11. Ito ay sumasagot sa katanungang may dahilan ng isang suliranin o pangyayaring nasaksihan.
a. Paano b. Saan c. Kailan d. Bakit
Para sa aytem bilang 12-14, basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Si Carla at Mary ay matalik na magkakaibigan. Sila ay nagkita sa parke kasama ang iba pa nilang kaibigan.
Napag usapan nila ang palapit na pagsisismula nang pasukan sa susunod na buwan. Si Carla ay nasasabik na
pumasok sa paaralan habang si Mary ay kabaliktaran. Ayaw pa niyang pumasok dahil nagugustuhan na niyang
palaging laro ang inaatupag. Napag usapan din nila ang kanilang bagong silid-aralan at bagong kaklase. Umuwi
sila sa hapon na masaya at maraming napagkwentuhan.

12. Saan nangyari ang kuwento?


a. parke b. paaralan c. tindahan d. sinehan
13. Kailan nangyari ang kuwento?
a. bakasyon b. sa kaarawan ni Carla c. sa kaarawan ni Mary d. wala sa nabanggit
14. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Carla b. Mary c. a at b d. mag-asawa
15. Anu-ano ang mga katangian ng mga tauhan?
a. Si Carla ay nasasabik mag-aral samantalang si Mary ay hindi nasasabik mag aral.
b. Si Mary ay nasasabik mag-aral samantalang si Carla ay hindi nasasabik mag aral.
c. Parehong nasasabik pumasok sa paaralan ang magkaibigan.
d. Wala silang interes na pumasok at mag-aral
16. Ano ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng pantig sa salita upang mas maging epektibo ang
pagkakabigkas ng tula?
a. tono b. diin c. antala d. damdamin
17. Bakit kailangang baguhin sa ilang parte ng tula ang lakas ng pagbigkas ng mga salita?
a. Upang malaman ng tagapakinig na mahalaga ang binibigkas na bahagi ng tula
b. Nang sa gayon ay maipadama ng tumutula ang kaniyang presensya
c. Para magpahanga sa mga nakikinig
d. Upang agad na sumikat sa larangan ng panulaan

18. Bakit kailangang lapatan ng damdamin ang pagbigkas ng tula?


a. Upang higit na magkaroon ng interes ang mga nakikinig
b. Para malimutan ang isang masakit na karanasan
c. Upang lubusang mayakap ng mga tagapakinig ang mensaheng nais ipabatid ng tula
d. Nang sa gayon ay mangilag ang ibang nakikinig na subukang tumula

Para sa aytem bilang 19-22, basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon.

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider.


Anumang gawaing ninanais niya ay isinasakatuparan niya agad.
Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na
ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya
ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon ay hindi na
dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging


gobernador din siya, at matapos nito ay naging senador. Naging
kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of
America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang
abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng
Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling
Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang


Panlipunan, binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang
mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa
pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa
kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino.
Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018,


Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214

19. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?


a. Andres Bonifacio c. Diosdado Macapagal
b. Jose Rizal d. Manuel Quezon
20. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
21. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
a. guro, doktor, abogado
b. senador, modelo, kawal
c. alkalde, kongresista, pangulo
d. abogado, gobernador, senador
22. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
a. Pamahalaan ng Biak na Bato.
b. Pamahalaang Commonwealth.
c. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
d. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
23. Ito ay salaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. Makikita rito kung paano niya
napagtagumpayan ang mga suliraning kaniyang naranasan.
a. Dokumentaryo c. Talaarawan
b. Pabula d. Talambuhay
24. Ito ay isang programa sa radio, telebisyon, at maaari ding pelikula na nagsisilbing libangan. Gumigising
din ito sa diwa at damdamin ng isang tao kapag naging mabisa ang pagkakalahad nito.
a. Dokumentaryo c. Talaarawan
b. Pabula d. Talambuhay

Para sa aytem bilang 25-26, basahin at unawain ang talambuhay na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong
kasunod nito.

Kuwento Ko ‘To: Ang Aking Talambuhay


Ang pagtuturo sa mga bata ay isang adhikaing hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Para sa
kaniya, ang pagiging guro ay hindi lamang propesyon na nagbibigay ng kabuhayan, kundi isa itong hangarin
na ninanais makapagbago ng takbo ng buhay ng isang bata.
Siya ay panlima sa walong anak ng abogadong si Benjamin B. Gagni na taga-Pangasinan at ni
Dolores T. Grafil, isang dating empleyado ng gobyerno na taga-lungsod ng Borongan. Ipinanganak siya
noong Disyembre 25, apatnapung taon na ang nakalipas. Nag-aral siya ng kaniyang elementarya sa
Borongan Pilot Elementary School. Nagtapos siya ng sekondarya sa Eastern Samar National Comprehensive
High School noong 1996. Pinalad siyang makapasa sa University of the Philippines in the Visayas Tacloban
College sa kursong Political Science. Maaga siyang nag-asawa sa ngayo’y negosyanteng si Emar Allan
Grande sa edad na 23 at biniyayaan ng tatlong anak na sina Gyle Eon, Emry Gaile at Elwyn Godofredo.
Noong isa pa lamang ang kaniyang anak ay napagpasyahan niyang mag-aral muli. Kinuha niya ang kursong
edukasyon sa Saint Mary’s College of Borongan. Pagkatapos ng dalawa at kalahating taon, naipasa niya ang
Licensure Examination for Teachers (LET) sa pamamagitan ng self-review. Nilibang niya ang sarili habang
naghihintay ng resulta sa pagbibiyahe. Noong 2013 ay ganap na siyang naging guro. Una siyang nagturo sa
malayong barangay ng San Mateo. Doon ay nakilala niya ang kaniyang mga bagong kaibigan. Habang
nagtuturo, ipinagpatuloy pa din niya ang edukasyon. Nag-enrol siya sa Asian Development Foundation
Collegesa kanilang Post-Graduate Program ng Masters in Education, major in Reading. Sumulat siya ng
aklat para matapos ang kursong ito. Natapos niya ito noong 2019.
Pagkatapos ng mahigit na anim na taong pagtuturo sa mababang paaralan ng San Mateo, nailipat
siya sa mas malapit na paaralan sa kanilang tinitirhan, ang Sabang Central Elementary School. Patuloy
siyang nagsisilbi bilang guro sa ikalawang baitang.
Ito po ang kuwento ng inyong tagasulat, Gesille G. Gagni-Grande.

25. Kaninong kuwento ng buhay ang iyong binasa?


a. Benjamin Gagni c. Emar Allan Grande
b. Dolores Grafil d. Gesille G. Gagni-Grande
26. Bakit sinasabing hindi mapapantayan ng kahit anumang bagay ang pagtuturo sa mga bata?
a. ang pagiging guro ay hindi lamang propesyon na nagbibigay ng kabuhayan.
b. ang pagiging guro ay isang hangarin na ninanais makapagbago ng takbo ng buhay ng isang bata.
c. a at b
d. Wala sa pagpipilian

27. Gusto ni Ben na manood kayo ng sine kasama ng iyong mga kaibigan, ngunit may gagawin kang
importante na ipinagagawa ng iyong nanay. Paano mo siya tatanggihan?
a. Ayaw ko, hindi naman maganda ang palabas ngayon.
b. Nais ko sanang sumama ngunit may inuutos sa akin si Nanay. Sa susunod pipilitin kong
makasama sa inyo.
c. Hindi maaari, dahil may gagawin pa ako.
d. Lahat ng mga nabanggit
28. Inanyayahan kang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng iyong kaklase, ngunit kaarawan din ito ng
iyong nakababatang kapatid. Paano mo siya tatanggihan?
a. Gusto ko sanang sumama, pero nagdiriwang din ng kaarawan ang aking kapatid.
b. Hindi, dahil kaarawan din ng kapatid ko.
c. Sige pumunta tayo doon.
d. Wala sa mga nabanggit
29. May takdang-aralin kayo, ngunit nakalimutan mong gumawa. Binigyan ka ng iyong kaklase ng papel
upang kopyahin mo na lang ang sagot. Tinanggihan mo ang alok nito. Paano mo ito sasabihin?
a. Hanga ako sa iyong ideya, pero hindi naman tama ang kopyahin ko ang sagot mo.
b. Hindi ako mangongopya sa iyo.
c. Hindi iyan tama.
30. Magkakaroon ng selebrasyon para sa araw ng mga guro. Nagkaroon kayo ng pulong kung anong
magandang regalo ang dapat ibibigay sa kanila. May nagmungkahi na dapat mamahalin ang regalong
ibibigay sa mga ito. Bilang pagtanggi sa kanila, ano ang sasabihin mo?
a. Hindi naman kailangan mamahalin ang regalo natin sa kanila.
b. Maganda ang sinabi mo, ngunit hindi naman mahalaga ang mamahaling regalo, basta
maipadama natin na mahal natin sila.
c. Hindi maganda ang iyong ideya dahil wala akong pambili.
d. lahat ng pagpipilian ay tama

Para sa aytem bilang 31-34, basahin at unawain ang bawat detalye ng talata na makikita sa ibaba. Sagutin
ang mga tanong na kasunod nito.
Isa sa mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas ay si Apolinario Mabini. Siya ay
ipinanganak noong July 23, 1864 sa Tanauan, Batangas. Mula siya sa isang mahirap na pamilya. Bagaman
salat sa buhay, hindi ito naging hadlang para makapagtapos siya ng pag-aaral. Likas na matalino at masipag
si Mabini kaya ito ang naging puhunan niya para makapagtapos ng pag-aaral. Naging iskolar siya sa
Kolehiyo de San Juan de Letran kaya nakapag-aral siya nang libre sa kursong Batsilyer ng Sining. Nagturo
siya ng Latin sa ilang pribadong paaralan sa Maynila para matustusan ang kaniyang mga pangangailangan
sa pagkain, tirahan at iba pang gastusin. Nang makatapos ng kolehiyo, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng
abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil sa laki ng gastusin sa pag-aaral, namasukan siyang
istenograper sa Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.

31. Sino ang pinag-uusapan sa talata?


a. Andres Bonifacio c. Jose Rizal
b. Apolinario Mabini d. Manuel Quezon
32. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa binasa.
a. mula sa mahirap na pamilya c. matalino
b. masipag d. Lahat ng mga nabanggit
33. Paano nakapagtapos ng pag-aaral si Mabini?
a. naging iskolar c. namasukan bilang istenograper
b. namasukan bilang hardinero d. umasa sa mga magulang
34. Ano ang pamagat ng binasang talata?
a. Ang Pagsisikap ni Apolinario Mabini
b. Ang Pagtatrabaho ni Apolinario Mabini
c. Ang pag-aaral ni Apolinario Mabini
d. Si Apolinario Mabini Bilang Isang Bayani

Para sa aytem bilang 35-37, basahin at unawain ang sumusunod. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Edukasyon sa Panahong ng COVID-19
Bagaman malaki ang epekto ng COVID-19 sa edukasyon kailangang magpatuloy pa rin ang pag-aaral
at pagkatuto. Kasabay nito, ang pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral kaya ipinagpaliban
ang pagbubukas ng klase at pansamantalang wala munang face-to-face classes.
Bilang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, ipinatupad ang
distance learning ng Kagawaran ng Edukasyon. Dito kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga mag-aaral ay
maaari silang mag-aral at matuto. Maaaring mamili kung ano ang nais na pamamaraan para magpatuloy sa
pag-aaral, gaya sa pamamagitan ng online, paggamit ng modyul, TV/Radio-based na pag-aaral, o kaya
naman kombinasyon ng mga ito.Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng bayan. Kaya naman, kahit
nahaharap tayo sa pandemya kailangang magtulungan ang bawat isa upang matiyak na ligtas ang lahat
habang nagpapatuloy ang pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral

35. Ano ang paksa ng iyong binasa?


a. pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya o COVID-19
b. pagpapahinto ng edukasyon dahil sa banta ng pandemya o COVID-19
c. pagsunod sa mga alituntunin sa panahon ng pandemya o COVID-19
d. pamamaraan ng pag-aaral sa panahon ng pandemya o COVID-19
36. Bakit kailangang ipagpaliban ang klase at pansamantalang itigil ang face-to face classes?
a. para matiyak ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral
b. para matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral
c. para makapagpahinga ang mga guro at mag-aaral
d. a at b
37. Anu-ano ang maaaring pagpilian ng mag-aaral na pamamaraan sa kanilang pag-aaral ngayong
pandemya?
a. online c. paggamit ng modyul
b. TV/Radio-based nap ag-aaral d. lahat ng mga nabanggit

Para sa aytem bilang 38-40, tingnan at pag-aralan ang kard na makikita sa ibaba.

38. Anong mahahalagang impormasyon ang makikita sa kard na ginagamit sa aklatan?


a. nanghiram ng aklat c. petsa kung kailan hiniram o hihiramin ang aklat
b. manghihiram ng aklat d. lahat ng mga ito
39. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsagot ng mga impormasyong hinihingi sa pormularyo?
a. kailangang sumunod sa panuto ng pagsagot ng pormularyo
b. sagutan ng wasto ang pormularyo
c. kinakailangang makatotohanan ang lahat ng mga impormasyon o datos na ilalagay sa mga
pormularyong iyong pupunan
d. Lahat ng pagpipilian
40. Bakit mahalaga sa librarian ng paaralan ang kard na ito?
a. upang malaman niya kung ilan ang mga batang humiram ng aklat
b. upang malaman niya kung sino ang mga batang humiram ng aklat sa library
c. a at b
d. Wala sa mga nabanggit

41. Tingnan ang patalastas sa ibaba, tungkol saan ito?

PATALASTAS NG SABON
Kung nais mong gumanda, gamitin ang sabong Kobina
Kikinis na ang iyong kutis , mikrobyo ay patay pa!
Sabong “kobina” mabisa na mura pa! BILI NA!

a. Sabong kobina b. Kutis c. Mikrobyo d. Kagandahan


42. Ano ang tema ng islogan na ito: “Kalinisan ating panatilihin, paghuhugas ng kamay ugaliin, maiiwasan
ang Covid’19!”?
a. kayamanan b. kahirapan c. kalusugan d. karangyaan
43. Ito ay tumutukoy sa isang anunsyo o babala na naghihikayat sa mga tao upang tangkilikin ang isang
produkto o di naman kaya’y paalalahanan ang mga mamamayan.
a. anekdota b. journal c. islogan d. patalastas

Para sa aytem bilang 44-47, tukuyin ang sangguniang dapat gamitin upang matugunan ang hinihingi sa
bawat bilang.
a. Atlas b. Tesawro c. Peryodiko d. Diksiyunaryo

44. Ano ang pinakamalaking bansa sa Asya?


45. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mabini?
46. Ano ang pinakasikat na pelikula noong taong 2014?
47. Ano ang tamang bigkas ng salitang palatuntunan?

Para sa aytem bilang 48-50, basahin at unawain nang mabuti ang talata. Sagutin ang kasunod na mga
tanong sa iyong sagutang papel.

Sakit na Nakapaparalisa

Ang Poliomyelitis o mas kilala natin sa tawag na Polio ay isangmapanganib at nakahahawang sakit
na dulot ng Poliovirus. Ito ay nakapapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Mabilis itong
dumami sa loob ng bituka na siyang nagpapahina sa pasyente. Kapag hindi naagapan, kumakalat ito sa
nervous system at dumaraan sa galugod (spine) papunta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng kaniyang
pagkaparalisa o pagkalumpo. Kapag lumala nang sobra, nauuwi ito sa kamatayan ng may sakit.
Ang Poliovirus ay nakukuha sa dumi ng tao. Ito ay nakapapasok sa katawan at naipapasa sa ibang
tao. Ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may
impeksiyon tao.
Upang maiwasan ang pagkakasakit ng Polio, hinihikayat ng pamahalaan sa pamamagitan ng
Department of Health ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak ng Inactivated Polio
Vaccine (IPV). Ang bakunang ito ay nakatutulong upang mahadlangan ang pagpasok ng Polio Virus sa
katawan ng tao.

Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School,


Borongan City Division, DepEd Region VIII

48. Tungkol saan ang binasa?


a. tungkol sa sakit na Poliomyelitis c. tungkol sa sakit ng diabetes
b. tungkol sa sakit na COVID-19 d. tungkol sa sakit na diarrhea
49. Paano nakukuha, naipapasa, o nakahahawa ang sakit na Polio?
a. nakukuha sa dumi ng tao
b. nakapapasok sa katawan at naipapasa sa ibang tao
c. kumalat sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may impeksiyon tao.
d. Lahat ng mga nabanggit
50. Paano maiiwasan ang sakit na Polio?
a. pabakunahan ang kanilang anak ng Inactivated Polio Vaccine (IPV).
b. uminom ng tubig na hindi pinakuluan
c. gumamit ng face mask at alcohol
d. wala sa mga nabanggit

ANSWER KEY
1. d 48. a
2. B 49. d
3. D 50. a
4. c
5. d
6. d
7. c
8. a
9. b
10. c
11. b
12. a
13. a
14. c
15. a
16. b
17. a
18. c
19. d
20. c
21. d
22. b
23. d
24. a
25. d
26. c
27. b
28. a
29. a
30. b
31. b
32. d
33. a
34. a
35. c
36. d
37. d
38. d
39. d
40. c
41. a
42. c
43. d
44. a
45. b
46. c
47. d

You might also like