You are on page 1of 10

Mga Uri ng Pagsulat

1. 2. 3. 4. 5. 6. Akademik Teknikal Journalistic Referensyal Profesyonal Malikhain

Akademik
Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Teknikal
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigaysolusyon sa isang komplikadong suliranin.

Teknikal
Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

Journalistic
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.

Referensyal
Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.

Referensyal
Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

Profesyonal
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod: 1. police report pulis 2. investigative report imbestigador 3. legal forms, briefs at pleadings abogado 4. patients journal doktor at nurse

Malikhain
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Editoryal Lesson plan Konseptong papel Marketing plan Pamanahong Papel Feasibility study Sanaysay Bibliographi Tula Balita

You might also like