ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Nakatuon ito sa kaisipang naguugnay sa kagandahang asal, mga
pagpapahalagang espiritwal, mabuting pag-uugali. Samakatuwid ang mga uri ng tanong sa pagdulog na ito ay nauukol sa mga halagang pangkaisipan at pangkaasalan. Dito pumapasok ang laging tanong ng guro sa hulihan ng liksyon ang aral sa akda.
Ang isang halimabawa ng kwento sa
teoryang moralistiko ay ang akdang Gapo, isang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista. Ang nobelang ito ay kwento ng isang anak sa labas ng isang sundalong amerikano na nakilala ng kanyang ina na nagtratrabaho sa base militar ng mga sundalong Amerikano sa Olangapo Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya.
Ang kaibigang si Modesto ay napatay nang
pagtulungang bugbugin ng mga amerikano. Si Ali ay ang baklang ninakawan ng karelasyong amerikano. Si Magda naman ay nabuntis ng amerikanong sundalo na nilihim ang pagkakaroon nito ng asawa sa Amerika. Naulit sa kaibigan niyang si Magda ang nangyari sa kanyang ina kayat napatay niya ang amerikanong nakabuntis na si Steve at siyay nakulong
Ano ang ginawa ni Michael kay Steve?
Kung kayo ang nasa
kalagayan ni Michael gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawang pagpatay kay steve?
Tama ba ang ginawa ni Michael na pagpatay kay Steve??