EVASCO ANG MGA PAGBABAGO Labis na nababalisa ang mahiyaing si Linares. Nakatanggap si Linares ng isang sulat galing kay Donya Victorina. Ito ay tungkol na kasinungalingan na sinasabi ni Donya Victorina kay Linares, na natatakot siyang na ang magiging kahitnatnan nito ay pwedeng gawin ni Donya Victorina. Nasa ganitong balisang pag-iisip si Linares nang dumating si Padre Salvi at si Padre Salvi naman ay mahiwagang ngiti sa kanyang labi. Nung lumapit si Kapitan Tiago kay Padre Salvi hinalikan ito sa kamay at kinuha ang sumbrero at baston at ngumiti matapos mabasbasan. May magandang binalita si Padre Salvi at ang sinabi niya ay hindi na ekskumulgado si Ginoong Ibarra kaya wala ng sagabal sa kasal. Si Maria Clara na nakaupo ay tumayo pero umupo ulit dahil sa panghihina at si Linares ay namutla at tumingin kay Kapitan Tiago na nagbaba ng tingin. Nagpaalam si Maria Clara upang pumasok sakanyang silid na kasama si Victoria. Pumasok si Ibarra na kasunod si Tiya Isabel. Magalang na yumukod si Ibarra kay Linares. Tumayo naman si Padre Salvi at buong galang at lugod na iniabot ang kamay kay Ibarra na kinapansinan ng pagtataka. Nagpasalamat si Ibarra kay Padre Salvi ng dahil pinupuri niya ito. Nilapitan ni Ibarra si Sinang at pumunta sa sulok. Tinanong agad ni Ibarra kung galit ba si Maria Clara sakanya. Kinamusta lang ni Ibarra si Maria Clara at gusto ito kausapin na silang dalawa lamang. Kinamusta rin naman ni Sinang si Ibarra at gusto malaman kung saan pumunta si Ibarra maghapon. Sinabi rin ni Ibarra kay Sinang na pumunta siya sa Los Banos dahil mgtatayo sila ng pabrika ng langis ng niyog. Kasyoso rin ni Ibarra ang ama ni Sinang. Pagkatapos ng usapan ni Sinang at Ibarra ay nagpaalam na rin si Ibarra. Nung umalis siya ay masayang-maasim ang mukha ni Kapitan Tiago. Walang kibo naman si Linares. Ang kura paroko naman ay kuwento nang kuwento at wala isa man sa mga babae ang muling lumabas.