You are on page 1of 24

FLYERS, LEAFLETS, AT

PROMOTIONAL
MATERIALS
Panimula
Panimulang Pagsusulit
Batayan sa Pagbuo ng Flyers, Leaflets,
at Promotional Materials
Saan kayo kalimitang nakakakita ng mga flyers,
leaflets at iba pang promotional materials?
Ano ang karaniwang mababasa sa mga flyers,
leaflets at iba pang promotional materials?
Ano ang nakapupukaw sa inyong atensiyon sa
tuwing makakakita ng mga flyers, leaflets at iba
pang promotional materials?
Ano ang naiisip ninyo kapag nababasa o naririnig ang
salitang flyer, leaflet, o promotional material?
Mga inaasahang sagot:
a. produkto
b. paalala
c. patalastas
d. bilihin
e. modelo o endorser
f. presyo
g. tagline
Ano ang kahulugan at
kaibahan ng flyer at leaflet at
sa iba pang promotional
materials?
FLYER at LEAFLET
Ang mga flyer at leaflet ay kadalasang inililimbag sa
isang pahina lamang.
Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout,
ipinamimigay upang maipakilala ang isang produkto
o taong ikinakampanya.
Ginagamit din ito bilang pabatid sa mga okasyon o
bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang
patalastas.
Iba pang mga Promotional Material
Ang mga iba pang mga promotional material katulad ng
brochure ay kalimitang mas mahaba sa isang pahina.
Kalimitan ding nakatupi ang mga ito na siyang nagtatakda ng
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakasulat dito.
Nagsisilbing gabay ang brochure sa mga mamimili dahil
naglalahad ito ng higit na detalyadong paglalarawan sa isang
produkto. Samantala, nagagamit din bilang promotional
material ang poster na kalimitang nasa mas malaking sukat
kaysa sa mga naunang nabanggit na may higit na kaunting
salitang nakasulat upang mas mapagtuunan ng pansin ang
biswal na paglalarawang nakalagay rito.
Mahalaga na ang mga flyer at iba pang mga promotional
material ay makatawag-pansin sa mga nakakakita sa nito,
nang sa gayon ay makamit ang layunin nitong
makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto at
makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga ito.
Sabihin ding importante ang disenyo, konsepto, at
tekstong nakapaloob sa gagawing promotional material.
Nakaaapekto ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa
magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita.
Mga Halimbawa ng Promotional Materials
ASSIGNMENT
Magdala ng Flyer at
Leaflet at iba pang
promotional materials.
babasahing matatagpuan sa reader:
a. Frequently Asked Questions Tungkol sa Modern
Methods ng Family Planning
b. Tamang Kaalaman sa Pag-aalaga ng Hayop
c. Paano mag-apply para sa supply/transfer at
terminasyon ng account?
d. Garantisadong Pambata
e. Pumuputiputitap poster
f. Grand Pakain poster
Makikita sa mga promotional material
(a,b,c) na detalyado ang pagkakabuo ng nilalaman nito. May mga
katanungan at tiyak na kasagutan para sa mga ito.
Madaling basahin at unawain ang mga nilalaman nito na mainam
para sa target na mambabasa ng mga promotional material.
Impormatibo at sadyang makatutulong ang mga ito sa kung sinumang
nais makaalam tungkol sa paksang inilalahad ng materyales.
Mapapansin ding may mga larawan at kulay ang mga flyer upang
higit na makapukaw ng atensiyon sa mga mambabasa. Kahit ang
pagpili ng estilo ng font ay isinasaalang-alang sa pagsulat ng mga ito.
Marapat lamang na malinaw at madaling basahin ang gagamiting font
sa paggawa ng promotional materials.
Makikita naman sa promotional material (d) na mas
kakaunting teksto ang nakasulat ngunit higit na maraming
larawan at makulay ang kabuuan nito. Kahit pa mga
susing salita lamang ang nakalagay, madali namang
maunawaan ang nilalaman dahil sa mga ginamit na salita.
Samantala, sa materyales (e at f), na pawang mga poster,
tanging mga batayang impormasyon lamang hinggil sa
gawaing ipinababatid ang nakalagay maliban sa larawan
nito at kalimitang ipinapaskil sa mga pampublikong lugar
upang mabasa at makita ng maraming tao.
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang flyer?
2. Saan kadalasang ginagamit ang isang promotional
material?
3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng
promotional materials ang isang kompanya?
Mga Puntong dapat tandaan:
1. Ang mga promotional material ay nagsisilbing gabay tungkol
sa isang produkto o serbisyo.
2. Sa pagsulat ng mga promotional material, mahalagang
panatilihin ang pagiging tiyak sa mga impormasyong isusulat
dito.
3. Mahalaga ring tandaang layunin nitong manghikayat kung
kayat ang mga impormasyong isusulat ditoy marapat na
makatawag-pansin sa mga makakabasa nito.
4. Mahalaga rin ang anyo, kulay, teksto, at pagkakabuo ng
mga promotional material Maaaring gumamit ng mga
aplikasyon sa kompyuter para sa mabilis na paggawa ng mga
ito.
5. Kalimitang binubuo ang promotional materials ng pangalan
ng produktong nais ipakilala o ikampanya, mga tiyak na
impormasyong hinggil dito, mga piling larawan upang higit na
maging malinaw ang pagpapakita sa ibig ipatangkilik, tagline, at
iba pang mahalagang impormasyong makatutulong sa layunin
ng ginagawang flyer o promotional material.
Pormal ang kadalasang paggamit ng wika sa pagsusulat ng flyer
at promotional materials at maaaring kakitaan ng mga salitang
teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho o
larangan.
Ilan sa mga batayang impormasyong
kalimitang makikita sa mga promotional
materials ay ang sumusunod:
a. pangalan ng produkto
b. paglalarawan sa produkto
c. tagline ng nasabing produkto o kompanya
d. larawan o ilustrasyon
e. impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer o
promotional material
ASSIGNMENT
Gumawa ng isang LEAFLET,
FLYERS, o iba pang PROMOTIONAL
MATERIALS at gawin ito bilang isang
PowerPoint presentation.

You might also like