You are on page 1of 23

Aralin 21

Sektor ng
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Agrikultura
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Sektor ng
Agrikultura
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at
gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at
hilaw na mga produkto, na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
Bansang
Agrikultural
• Ang Pilipinas ay isang
bansang agrikultural
dahil malaking bahagi
nito ang ginagamit sa
mga gawaing pang-
agrikultura. Malaking
bilang ng mga
mamamayan ang nasa
sektor na ito ng
ekonomiya .
Bansang
Agrikultural
• Malaking bahagi ng ekonomiya ay
nakadepende sa sektor ng agrikultura.
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking
bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng
sektor ay umaasa sa agrikultura upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at
mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon.
Sektor ng
agrikultura
Paghahalaman
Pangingisda

Paghahayupan Paggugubat
Paghahalaman
• Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas
ng bansa.
• Tinatayang umabot ng Php 797.731 bilyon
ang kabuuang kita mula sa pagsasaka. Ito
ay nagmula sa mga produktong palay, mais,
at iba pang pangunahing pananim ng
Pilipinas.
Paghahayupan
• Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga
ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at
pato.
• Layunin ng paghahayupan ang pag-supply ng
ating mga pangangailangan sa karne at iba
pang pagkain. Ang paghahayupan ay
gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng
ating mga tagapag-alaga ng hayop.
Pangingisda

• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at
aquaculture.
• Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-
aalaga ng mga damong dagat na
ginagamit sa paggawa ng gulaman.
Pangingisda

• Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy


sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15
kilometro sa labas ng nasasakupan ng
pamahalaang bayan.
• Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel.
Pangingisda

• Ang pangisdang aquaculture naman ay


tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng
mga isda at iba pang uri nito mula sa
iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan -
fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at
marine (maalat).
Paggugubat

• Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-


ekonomikong gawain sa sektor ng
agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating
mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap
sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman
nito.
• Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood,
tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit
na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta
ng almaciga.
Kahalagahan ng
Agrikultura
• Nagtutustos ng pagkain
• Nagbibigay ng trabaho
• Pinagkukunan ng hilaw na
materyal
• Tagabili ng mga yaring
produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa
bansa
Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Suliranin Epekto
Pagkaubos ng mga Marami sa mga magsasaka ang
magsasaka tumatanda na at kulang ang mga
kabataang pumapalit.
Bumababa ang bilang ng mga
produktong agrikultural.
Mataas na gastusin Nalulugi ang mga magsasaka
sapagkat napakalaki ng kanilang
gastusin kung ihahambing sa
kanilang kinikita.
Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Suliranin Epekto
Problema sa Bumababa ang halaga ng
imprastruktura produkto sa pamilihan sa pagbaba
ng kalidad nito.
Problema sa kapital Nababaon ang mga magsasaka sa
pagkakautang at hindi na tuluyang
nakaaahon.
Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Suliranin Epekto
Masamang panahon Nasisira ang produksyon ng
sektor ng agrikultura tuwing may
tag-tuyot, malakas ng ulan at mga
bagyo. Nagiging dahilan ito ng
mataas na presyo ng pagkain.
Malawakang Pagkaabuso sa lupa at
pagpapalit-gamit ng pagkaubos ng sustansiya nito.
lupa Pagbaba ng produksyon.
Pagdagsa ng mga Hindi patas na kompetisyon na
dayuhang kalakal nagbubunga ng pagkalugi ng
maraming magsasaka.
Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Suliranin Epekto
Kakulangan sa Iilan lamang ang may kakayahan sa
pananaliksik makabagong paraan at hindi pa
at nga halos inaabot ng modernong
makabagong kagamitan sa pagsasaka. Nagiging
teknolohiya dahilan ito ng mababang
produksyon at kalidad ng produkto.
Monopolyo sa Malaking bilang ng magsasaka ang
Pagmamay-ari ng walang sariling lupang
Lupa binubungkal at tumatanggap
lamang sila ng maliit na suweldo.
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
• Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
• Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng
publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito
ay nakapaloob sa Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP).
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
• Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng
lupang agrikultural anuman ang tanim nito
sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-
ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di
hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat
anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong
ektarya ng lupa kung sila mismo ang
magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa
ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
• Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
 liwasan at parke
 mga gubat at reforestration area
 mga palaisdaan
 tanggulang pambansa
 paaralan
 simbahan
 sementeryo
 templo
 watershed, at iba pa
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng
Agrikultura
• Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa
mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at
wastong paraan ng pagtatanim.
• Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng
pangingisda.
• Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa
sa larangan ng paghahayupan.
• Ecosystem Research and Development Bureau
(ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa
ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan
sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
Pagbubuod:
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain sa
pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto
na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
• Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang
industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat,
paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.
• Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa
ating ekonomiya. Pinagmumulan ng pagkain,
ito hilaw na materyales atpara sa mga
mamamayan.
trabaho
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya


ang agrikultura?
• Sa iyong palagay, paano ka
makakatulong upang maitaguyod ang
sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like