You are on page 1of 16

PIKSYON

AT
DI- PIKSYON
Presented by: Ronaida D. Lumambas
LAYUNIN:
•Nasusuri ang pagkakaiba ng
kathang isip at di-kathang isip
na teksto (fiction at non-fiction)
Piksyon
•binubuo ng mga likhang isip o
imahinasyon ng may akda na inilalahad
sa paraang pasalaysay o pakuwento. Ito
ay ginagampanan ng mga likhang isip
na mga tauhan, lugar at mga
pangyayari.
HALIMBAWA
• Ang leon at ang daga
• Biag ni Lam-ang (Epiko)
• Ang gintong bibe
• Juan Tamad
• Cindrella
• Ang Alamat ng Pinya
Di-piksyon
•makatotohanan at maaring may
ugnayan sa tunay na buhay.
Maaaring ito ay binabase tungkol sa
buhay ng isang tao o ng may-akda.
Ito ay may ebidensya at datos na
susuporta sa pahayag.
HALIMBAWA
• Balita

• Mga dokyumentaro

• Qur’an

• Teksbook

• Bibliya
Basahin natin:
Pamoso rin ang Baguio sa mga magagandang bulaklak na
kanilang ipinakikita sa taunang selebrasyon ng Baguio Flower
Festival tuwing buwan ng Pebrero. Dito ipinaparada ang mga
sari-saring bulaklak na ipinagmamalaki ng lungsod. Hindi
dapat kalimutan ang pamamasyal sa mga kilalang park sa
Baguio. Ang Burnham Park ang pinaka-una at
pinakamatandang park sa lungsod samantalang naging
popular naman ang Mines View Park dahil sa miniminang
ginto, tanso at ore dito. Ang Wright Park ay isang pine tree
park reserve. Makikita rin dito ang Philippine Military Academy
(PMA), Unversity of the Philippines, College of Baguio at
Eastern School Weaving Room kung saan natututong
Kung ang hanap ay spiritual growth, naririto ang
hinahangaang Baguio Cathedral na kailangang
akyatin ng 100 baytang sa tuktok ng bundok, ang
Lourdes Grotto na may 252 baitang at ang Bell
Temple kung saan itinuturo ang iba’t ibang
relihiyon.
• Marami pang makasaysayang lugar na matatagpuan sa
lungsod. Ang Kennon Road ang pinakamaikling highway
patungong Baguio. Ipinangalan ito kay Col. Lyman W. Kennon,
isa sa mga nagtaguyod ng proyekto. Naririyan din ang
Teacher’s Camp na madalas pagdausan ng mga training ng
mga guro sa buong bansa at ang Baguio Mansion House na
ginagawang retreat house ng mga naging pangulo ng bansa at
gobernador heneral na Amerikano. Bukod sa magagandang
tanawin, ‘shopping haven’ din kung ituring ng marami ang
Baguio. Dito nagsimulang makilala ang tinatawag na UK
(UkayUkay). Sa palengke ng lungsod sa may Magsaysay
Avenue masarap mamili ng mga souvenir items. Ang mga stalls
dito ay puno ng iba’t ibang produktong etniko at nakaboteng
mga minatamis. Kaya tayo na sa Baguio!
Sagutin:

•Ito ba ay Piksyon? Bakit?


Ang Agila at ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang
mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na
kalapati ang mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila.

"Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?"

Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang


humahamon.

"O sige," sagot ng Kalapati, "kailan mo gustong magtunggali tayo?"

Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon.

"I... ikaw ang bahala kung kailan mo gusto."


Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang ilang sandali
lamang ay uulan na.

"Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat
tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw
naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?"

Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin.

Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa tuktok


ng Berdeng bundok.

Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na dala-dala
ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat. Nagpabagal ito sa paglipad ng Hari ng mga
Ibon.

Ang asin ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati.

Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.

Aral: Sa alinmang labanan, huwag tayong pakasiguro sa tagumpay.


Sagutin:
• Ito ba ay Piksyon? Bakit?
PIKSYON AT DI-PIKSYON
Batay sa pamagat ng mga seleksiyong nakatala sa ibaba,
isulat kung PIKSYON o DI-PIKSYON ang mga sumusunod:

1.Talambuhay ni Gabriela Silang


2.Mariang Alimango
3.Si Aladdin at ang Mahiwagang Lampara
4.Ang Pagkakatuklas ng Telepono
5.Si Jose Rizal at ang kanyang tsinelas
1.Ang Batang si Andres Bonifacio
2.Ang Pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas
sa Kawit (Editoryal)
3.Ang Pinagmulan ng Sampaguita
4.Si Alibaba at ang Apatnapung Magnanakaw
5.Si Manuel Quezon,Ama ng Wikang
Pambansa

You might also like