You are on page 1of 11

205

"Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol


sa isang mabait, maestrong arunong;
lahi ni Pitako-ngala'y si Antenor,
lumbay ko'y sabihin nang dumating
doon.
206
"May sambuwan halos na di
nakakain,
luha sa mata ko'y di mapigil-pigil,
nguni't napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop
sa akin.
207
"Sa dinatnan doong madlang
nag-aaral
kaparis kong bata't
kabaguntauhan,
isa'y si Adolfong aking
kababayan,
anak niyong Konde Silenong
marangal.
208
"Ang kaniyang tao'y labis ng
dalawa
sa dala kong edad na
lalabing-isa;
siyang pinopoon ng buong
eskwela,
marunong sa lahat na
magkakasama.
209
"Mahinhin ang asal na hindi
magaso
at kung lumakad pa'y palaging
patungo
mabining mangusap at walang
katalo,
lapastanganin ma'y hindi
nabubuyo.
210
"Anupa't sa bait ay siyang huwaran
ng nagkakatipong nagsisipag-aral;
sa gawa at wika'y di mahuhulihan
ng munting panira sa magandang
asal.
211
"Ni ang katalasan ng aming
maestro
at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lihim at
tungo
ng pusong malihim nitong si
Adolfo.
212
"Akong pagkabata'y ang
kinamulatan
kay ama'y ang bait na di
paimbabaw,
yaong namumunga ng
kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui't
igalang.
213
"Sa pinagtatakhan ng buong
eskwela
bait ni Adolfong ipinakikita,
di ko malasapan ang haing
ligaya
ng magandang asal ng ama ko't
ina.
214
"Puso ko'y ninilag na siya'y
giliwin,
aywan nga kung bait at
naririmarim;
si Adolfo nama'y gayundin sa
akin,
nararamdaman ko kahit
lubhang lihim.
215
"Araw ay natakbo at ang kabataan
sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw;
bait ko'y luminis at ang
karunungan,
ang bulag kong isip ay kusang
dinamtan.

You might also like