You are on page 1of 77

BAGO TAYO

MAGSIMULA,
MAGDASAL PO MUNA
TAYO.
ARALIN 14 - 19
MARTIN CHAVEZ, AIDAN HOWELL, MIGUEL FRANCISCO,
BENEDICT YORDAN AT ROLFE REYES
“Gunamgunam na 'di napagod
humapis 'di ka naianod ng luhang
mabilis; iyong ginugulo ang bait
ko't isip at 'di mo payagang
payapa ang dibdib!”

UMIYAK
“Sa panahong yao'y ang buo kong
damdam ay nanaw na sa akin
ang sandaigdigan; nag-iisa ako
sa gitna ng lumbay, ang
kinakabaka'y sarili kong buhay.”

NAMATAY
“Munting kahirapa'y mamalakhing dala dibdib palibhasa'y 'di gawing
magbata ay bago sa mundo'y walang kisapmata ang tao'y mayroong sukat
ipagdusa.”

KORAP
“Aking tinitipon ang ikinakalat na masayang bango ng mga bulaklak
inaaglahi ko ang laruang palad mahinhing amiha't ibong lumilipad.”

I NSULTO
ARALIN 14
BUOD
• Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay at kabataan.

• Na sanggol pa lamang siya sa bakasyunang malapit sa bundok


ng kanyang mga magulang na Duke Briseo at Prinsesa
Floresca (sa Albanya) ay muntik sa siyang dagitin ng isang
buwitre na mabuti na lamang ay napana ng pinsan niyang si
Menalipo na taga-Epiro.
BUOD
• Ang kanyang ama ay tagapagpayo ni Haring Linseo ng
Albanya. Kaya’t kahit na siya ay anak ng prinsesa sa Krotona,
siya ay isinilang sa Albanya.

• Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay sinambilat ng


isang alkon ang kwintas niyang may palawit na diyamante
o kupidong diyamante. Noo’y bago pa lamang siyang
lumalakad

• Nang siyam na taong gulang siya’y pamana ng ibon at ibang


mga hayop ang kanyang libangan.
ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 184 SAKNONG 187
Isang araw namang bagong lumalakad, Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan
noo'y naglalaro sa gitna ng salas, ang mukha ni Pebong hindi matitigan
may nasok na Arko't biglang sinambilat ay sinasagap ko ang kaligayahang
Kupidong d'yamanteng sa dibdib ko'y hiyas. handog niyong hindi maramot na parang.

SAKNONG 185
Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol;
sakbat ang palaso't ang busog ay kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
INTERPRETASYON
SAKNONG 184 • Bago pa lamang natutong maglakad
Isang araw namang bagong lumalakad, nang mag-isa si Florante doon sa
noo'y naglalaro sa gitna ng salas, gitna ng salas, may dumating na arko
at kumuha ang kupidong diamante
may nasok na Arko't biglang sinambilat
na nasa dibdib ni Florante.
Kupidong d'yamanteng sa dibdib ko'y hiyas.

SAKNONG 185
Nang tumuntong ako sa siyam na taon, • Nang naging siyam na taon gulang,
palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol; mahilig ni Florante maglaro sa
sakbat ang palaso't ang busog ay kalong, burol at magpaan ng ibon doon
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
INTERPRETASYON

SAKNONG 187 • At hanggang tumaas na ang sikat


Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan
ng araw (Febo - Phoebus - sun
god), malamang tanghaling tapat,
ang mukha ni Pebong hindi matitigan andun si Florante sa parang
ay sinasagap ko ang kaligayahang (fields).
Handog niyong hindi maramot na parang.

Pebo o Heart and Arrows


Phoebus: cut diamond na
Diyos ng mahirap gawin dahil
Araw Arko o Falcon kailangan ng
“precision cutting”
ANO ANG SIMBOLISMO NG
CUPIDONG DIAMENTE SA KUWENTO?
“Ang Cupidong Diamente ay isang mahalaga at mahal na bagay
na mahirap gawin at hanapin.”

• Siguro simbolismo ng Cupidong Diamente ay isang


napakamahalagang bagay na ninakawan ng isang tao.

• Maari namin iugnay ang bagay na iyon sa isang bagay o tao na


mahal na mahal ni Florante; si Laura na ninakawan ni Adolfo.

• Masasabi natin na ito ay isang foreshadowing sa kuwento.


ANO ANG MGA EBIDENSYA NA
MAGPAPATIBAY SA TEORYANG ITO?
PAANO MASASABI ITO AY ISANG
FORESHADOWING?
ARALIN 15
BUOD
• Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa
saya dahil kapag ito'y namihasa, kapag lumaki na ay
mahihirapan. Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin at
maramdamin.

• Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11


taong gulang upang doon ay mamulat ang kanyang kaisipan.
ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 197 SAKNONG 200
Pag-ibig anaki'y aking nakilala, Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
'di dapat palakihin ang bata sa saya; dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
at sa katuwaa'y kapag namihasa, ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa. ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

SAKNONG 199
Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin.
INTERPRETASYON

SAKNONG 197 • Kapag panay kasiyahan lang ang


Pag-ibig anaki'y aking nakilala, nararanasan ng isang bata, magiging
mahina ito paglaki nito.
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

SAKNONG 199 • Ang taong sanay sa masarap na buhay


ay ubod ng selan. Hindi niya kayang
Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan,
mahina ang puso't lubhang maramdamin; o gulo. Wala pa ngang dumarating,
inaakala pa lamang ang hilahil nasa imahinasyon palang yung
na daratni'y 'di na matutuhang bathin. problema, ayun... bagsak na.
INTERPRETASYON

SAKNONG 200 • Katulad ng halamang palaging


dinidiligan, kapag may sandaling init
Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
at hindi nadiligan agad, ayun...
dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata, nalalanta na. Ganun din ang pusong
ay bago sa mundo'y walang kisapmata, nasanay lamang sa tuwa.
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.
ANO ANG MAGIGING KATANGIAN NG
ISANG BATANG BINABAD SA
KASIYAHAN?
SAKNONG 197
Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

• Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan.

• Walang sasapitin. Walang darating na ginhawa sa buhay


mo, kung nuong bata ka ay nababad ka lang sa kasiyahan at di
ka man lang nakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
PAANO MO ITO MAIUUGNAY SA
KASALUKUYANG PANAHON AT PAANO
NATIN PINALALAKI ANG KABATAAN?
• Ang kabataan ngayon ay pinalalaki sa DIGITAL AGE.
• Hindi nila nararanasan ang pagbasa ng aklat para sa research, maglaro sa
labas kasama ang mga kaibigan, magintay ng sobrang tagal para lang
mag-load ang kompyuter at maraming iba pa.
• Nakakaapekto ito sa katangian ng bata. Isang halimbawa ay ang
henerasyon ngayon ay inaasahan na palaging mabilis o masaglit ang
mga resulta sa iba’t-ibang sitwasyon katulad ng cellphone, laptop at
internet.
KAPAG IKA’Y MAGIGING ISANG
MAGULANG, IBABABAD MO BA ANG
INYONG ANAK SA KASIYAHAN O
PAGSISIKAP? IPALIWANAG
ARALIN 16
BUOD
• Ang guro ni Florante sa Atenas ay si Antenor, isang mabait at
matalinong guro doon.

• Sa Atenas niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde


Sileno, na tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, at ng kanyang
mga kamag-aral dahil sa katalinuhan at kagandahang-asal nitong
pinapakita.
ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 206 SAKNONG 212
May sambuwan halos na 'di nakakain, Akong pagkabata'y ang kinamulatan
luha sa mata ko'y 'di mapigil-pigil, kay ama'y ang bait na 'di paimbabaw,
ngunit 'di napayapa sa laging pag-aliw yaong namumunga sa kaligayahan,
ng bunying maestrong may kupkop sa akin. nanakay sa pusong suyui't igalang.

SAKNONG 209
Mahinhin ang asal na hindi magaso
at kung lumakad pa'y palaging patungo,
mabining mangusap at walang katalo,
lapastangin ma'y hindi nabubuyo.
INTERPRETASYON

SAKNONG 206 • Halos isang buwan hindi makakain


May sambuwan halos na 'di nakakain, si Florante, dala ng matinding
luha sa mata ko'y 'di mapigil-pigil, kalungkutan.
ngunit 'di napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.
SAKNONG 209
Mahinhin ang asal na hindi magaso • Inilalarawan ni Florante si Adolfo
at kung lumakad pa'y palaging patungo, noong kinilala siya bilang
estudyante.
mabining mangusap at walang katalo,
lapastangin ma'y hindi nabubuyo.
INTERPRETASYON

SAKNONG 212 • Itinuro ng ama kay Florante na ang


talino ay kailangan maging
Akong pagkabata'y ang kinamulatan magpakumbaba.
kay ama'y ang bait na 'di paimbabaw,
yaong namumunga sa kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui't igalang.
ILARAWAN SI ADOLFO
SA PAGKAKAKILALA NG KANYANG
KAMAG-ARAL
SAKNONG 209

Mahinhin ang asal na hindi magaso

at kung lumakad pa'y palaging patungo,

mabining mangusap at walang katalo,

lapastangin ma'y hindi nabubuyo.

SAKNONG 210

Anupa't sa bait ay siyang huwaran

ng nagkakatipong nagsisipag-aral;

sa gawa at wika'y 'di mahuhulihan

ng munting panira sa magandang asal.

•Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang. Isa siyang

model student.
SA SAKNONG 206, ANO ANG
NARARANASAN O SAKIT NI
FLORANTE?
DEPRESYON
• Ang depresyon ay isang pangkaraniwan at malubhang sakit na
medikal na negatibong nakakaapekto sa iyong nararamdaman, sa
paraan ng iyong iniisip at kung paano ka kumikilos.

• Isa sa mga sintomas ng depresyon ay walang ganang kumain.


MAGBIGAY NG SARILING
KARANASAN NA KATULAD SA
SITWASYON NI FLORANTE SA
ATENAS. ANO ANG MGA
NARARAMDAMAN MO SA
PANGYAYARING IYAN?
ARALIN 17
BUOD
• Sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay nahigitan
niya si Adolfo kaya’t lumabas ang tunay na pagkatao nito.

• Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula sa


palatuntunan ng kanilang eskwela.

• Ito’y tungkol sa magkakapatid na sina Etiocles (ginanap ni Florante) at


Polinese (bahagi ni Adolfo) na naglaban ng espadahan upang
mapasiyahan kung sino sa dalawang prinsipeng mga anak ni Reyna
Yocasta (papel ni Menandro) ang papalit sa namatay nilang ama na si
Haring Edipo.
BUOD
• Sa kunwaring ispadahan na ito, talagang matitinding taga ang
hinandulong kay Florante ng may masamang balak na si Adolfo.
Mabuti na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang
espada ni Adolfo at ang kataksilan niya’y nabigo.

• Kinabukasan ay lumisan sa Atenas at umuwi sa Albanya ang


napahiyang si Adolfo.

• May hangad pala itong maagaw si Laura kay Florante na siyang iniibig
ng dalaga upang maging hari kung maging reyna na si Prinsesa Laura,
sakaling yumao o mamatay si Haring Linseo.
ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 227 SAKNONG 229
Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay Ako'y napahiga sa inilag-ilag,
ay hindi ang ditsong nasa-orihinal, sa sinabayang bigla ng tagang malakas;
kundi ang winika’y “Ikaw na umagaw (salamat sa iyo, o Menandrong liyag,
ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!” kundi sa liksi mo, buhay ko'y nautas!)
SAKNONG 228
Hinandulong ako, sabay nitong wika,
ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako'y nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.
INTERPRETASYON
SAKNONG 227 • Bumigkas si Adolfo ng mga galit na
Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay
salita na wala naman sa iskrip.
ay hindi ang ditsong nasa-orihinal,
kundi ang winika’y “Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!”

SAKNONG 228 • Sumugod si Adolfo kay Florante.


Tatlong beses siyang sinubukang
Hinandulong ako, sabay nitong wika,
tagain.
ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako'y nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.
INTERPRETASYON
SAKNONG 229 • Nahulog si Florante. Mabuti na
Ako'y napahiga sa inilag-ilag,
lang at tinulungan siya ni
Menandro.
sa sinabayang bigla ng tagang malakas;
(salamat sa iyo, o Menandrong liyag,
kundi sa liksi mo, buhay ko'y nautas!)
“Ikaw na umagaw ng kapurihan ko'y
dapat kang mamatay!”
ILARAWAN SI ADOLFO
SA PAGKAKAKILALA NI FLORANTE
SAKNONG 220
Dito na nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalat-kayo;
kahinhinang-asal na pakitang-tao,
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
SAKNONG 221
Natanto ng lahat na kaya nanamit
niyong kabaitang 'di taglay sa dibdib
ay nang maragdag pa sa talas ng isip
tong kapurihang mahinhi't mabait.

• Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang mabait.


Nahalata ng madla na peke pala ang pagiging mahinahon ni Adolfo.
ANO-ANO ANG MGA PAGKAKATAON
NA NAHUHUBAD ANG AMING
BALATKAYO? MAARI ITO GALING SA
INYONG KARANASAN O SA MGA
SITWASYON NAKIKITA NINYO SA
KASALUKUYAN.
ANO-ANO ANG MGA PAGKAKATAON
NA NAHUHUBAD ANG AMING
BALATKAYO? MAARI ITO GALING SA
INYONG SARILING KARANASAN O SA
MGA SITWASYON NAKIKITA NINYO
SA KASALUKUYAN.
MAGBIGAY NG SITWASYON KUNG
SAAN INILIGTAS ANG ISANG TAO O
BANSA ANG KANILANG KAIBIGAN?
ANO ANG MGA KATANGIAN NG
ISANG MATALIK NA KAIBIGAN?
ANG ESTADO UNIDOS SA PILIPINAS
• Tinulungan at sinusuportahan ng Estado Unidos ang Pilipinas
sa sitwasyon tungkol sa Scarborough Shoals laban sa Tsina.
• Bagkus dito, ano pang sitwasyon ang pwede mong ibigay?
ARALIN 18
BUOD
• Namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang tumanggap
siya ng isang liham mula sa Albanya.

• Ibinalita ng kanyang ama na pumanaw na ang kanyang ina.

• Laking sama ng loob ang idinulot nito kay Florante.


ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 236 SAKNONG 239
Patay na dinampot sa aking pagbasa Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
niyong letrang titik ng bikig na pluma; ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan;
diyata, ama ko, at nakasulat ka nag-iisa ako sa gitna ng lumbay,
ng pamatid-buhay sa anak na sinta! ang kinakabaka'y sarili kong buhay.

SAKNONG 238
Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,
dalawa kong mata'y naging parang batis;
at ang Ay, ay, inay! kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit
INTERPRETASYON
SAKNONG 236 • Nagulat si Florante na sinulatan
Patay na dinampot sa aking pagbasa
siya ng ama niya nang ganun.
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!

SAKNONG 238 • Nang magkamalay si Florante,


anduon pa rin yung sakit. Iyak siya
Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,
nang iyak.
dalawa kong mata'y naging parang batis;
at ang Ay, ay, inay! kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit
INTERPRETASYON
SAKNONG 239 • Pakiramdam ni Florante nag-iisa
Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
lang siya sa mundo.
ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay,
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.
ANO ANG NANGYARI KAY FLORANTE
NOONG NARINIG NIYA ANG BALITA?
SAKNONG 236
Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!

SAKNONG 237
May dalawang oras na 'di nakamalay
ng pagkatao ko't ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay 'di mo na ako nakasalitaan.

• Dalawang oras nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita.


Hindi niya alam kung nasaan siya. Mabuti na lang at inalagaan siya ng
kanyang mga kaklase.
ANO ANG MGA MAARI MONG
MARAMDAMAN SA PAGKAMATAY NG
ISANG PAMILYA , KAIBIGAN O KAYA
MAGULANG?
AYON SA INYONG KARANASAN,
ANGKOP BA ANG REAKSYON NI
FLORANTE? PATUNAYAN
ARALIN 19
BUOD
• Pagkaraan pa nang dalawang buwan, may sasakyang
lumunsad sa pantalan ng Atenas na may pahatid-liham mula sa
ama ni Florante na nagsasabing siya daw ay umuwi agad sa
kanyang bayang Albanya.

• Nagpaalam siya sa kanyang gurong si Antenor at ito nama'y


nagpaalalang siya'y mag-ingat sa banta sa kanyang buhay.

• Pinayagan ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante na


yumayakap sa kanya ng mahigpit nang siya'y magpaalam sa
kanyang amain.
ANG MGA MAHALAGANG SAKNONG
SAKNONG 247 SAKNONG 249
Dapuwa't huwag kang magpahalata, At mumulan mo na ang pakikilaban
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa; sa mundong bayaning punong kaliluhan'
ang sasadatahi'y lihim na ihanda, hindi na natapos at sa kalumbayan,
Nang may ipagtanggol sa araw ng digma. pinigil ang dila niyang nagsasaysay.

SAKNONG 248
Sa mawika ito, luha'y bumalisbis
at ako'y niyakap na pinakahigpit;
huling tagubilin: bunso'y katitiis
at hinihinta ka ng maraming sakit.
INTERPRETASYON
SAKNONG 247 • Naghanda nang palihim si Florante
Dapuwa't huwag kang magpahalata,
para sa araw ng digmaan.
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasadatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.

SAKNONG 248 • Naluha ang guro at niyakap niya


ng mahigpit si Florante dahil alam
Sa mawika ito, luha'y bumalisbis
niya na papalapit na ang mahirap
at ako'y niyakap na pinakahigpit; na pagsubok.
huling tagubilin: bunso'y katitiis
at hinihinta ka ng maraming sakit.
INTERPRETASYON
SAKNONG 249 • Aniya ngayon na raw ang simula
At mumulan mo na ang pakikilaban
ng matinding pagsubok sa buhay
ni Florante. Tapos bigla niyang
sa mundong bayaning punong kaliluhan' hininto ang pananalita.
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.
ILAN SA APAT NA HIMAGSIK NI
BALAGTAS AY NAKIKITA SA ARALIN
13-19?
KUNG IKA’Y SI ANTENOR, ANO ANG
PAYO NA IBIBIGAY MO KAY
FLORANTE?
ANO KAYA ANG MAGIGING
REAKSYON NI FLORANTE KAPAG
NAKITA MULI NIYA ANG KANYANG
AMA?
EXIT SLIP
• Maglabas ng isang Size 2 paper.
• Ilagay ang pangalan.
• Sagutin ang susunod na tanong.
MAGBIGAY NG DALAWANG ARAL NA
NATUTUNAN MO SA AMING
PRESENTASYON.

You might also like