You are on page 1of 40

Si Adolfo

(SAKNONG 207-231)

Joeliann C. Serrano

Queara Vaness Cabu-ay


Mga Talasalitaan
Kabaguntauhan - Binata
Pinopoon - Iginagalang; Dinadakila
Magaso - Maharut; Magaslaw
Mabining - Mayumi; Mahinhin
Natarok - Naunawaan
Kinamulatan - Kinagisnan
Di paimbabaw - DI pakunwari; Walang pag kukunwari
Ninilag - Umiiwas
Naririmarim - Nasusuklam
Natantong - Naunawaan
Nagsipanggilalas - Hindi makapaniwala
Nakatalastas - Nakabatid; Nakakilala
Binalatkayo - Pakitang tao
Minunakala - Iminungkahi
Hinandulong - Mabilis na nilusob
Nabulagta - Nabuwal
Nasalag - Nasangga
Ipinagsaysay - Sinabi
Ditsong - Linya o Diyalog sa dula
Malasapan - Matikman
Buno't - Larong sukatan ng lakas
207

"Sa dinatnang doong madlang mag-aaral


kaparis kong bata't kabaguntauhan isa'y si
Adolfong aking kababayan, anak niyong
kunde silenong marangal"
208

"Ang kaniyang tao'y labis ng dalawa sa


dala kong edad na lalabing-isa;siyang
pinopoon ng buong esk'wela,marunong sa
lahat ng magkakasama.
209

"Mahinhin ang asal na hindi magaso at


kung lumakad pa'y palaging patungo,
mabining mangusap at walang katalo,
lapastangin ma'y hindi nabubuyo.
210

"Anupa't sa bait ay siyang huwaran ng


nagkakatipong nagsisipag-aral; sa gawa
at wika'y di mahuhulihan ng munting
panira sa magandang asal.
211

"Ni ang katalasan ng aming maestro


at pagkabihasa sa lakad ng mundo ay
hindi natarok ang lalim at tungo ng pusong
malihim nitong si Adolfo.
212

"Aking pagkabata'y ang kinamulatan kay


Ama'y ang bait na di paimbabaw, yaong
namumunga ng kaligayahan, nonakay sa
pusong suyul't igalang.
213

"Sa pinagtatakhan ng buong eskwela, bait


ni Adolfong ipinakikita, di ko malasapan ng
haing ligaya ng magandang asal ng ama
ko't ina.
214

"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin,


aywan nga kung bakit at naririmarim; si
Adolfo nama'y gayundin sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.
215

Araw ay natakbo at ang kabataan


sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw;
bait ko'y luminis at ang karunungan,
ang bulag kong isip ang kusang dinamtan.
216

"Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking


natutuhan ang astrolohiya, natantong
malinis ang kataka-taka at mayamang
dunong ng matematika.
217

"Sa loob ng anim na taong lumakad, itong


tatlong dunong ay aking nayakap; tanang
kasama ko'y nagsipanggilalas, sampu ng
maestrong tuwa'y dili hamak.
218

"Ang pagkatuto ko'y anaki himala, sampu


ni Adolfo'y naiwan sa gitna; maingay na
pamang tagapamalita, sa buong Atenas
ay gumala-gala.
219

"Kaya nga at ako ang naging hantungan,


tungo ng salita ng tao sa bayan; mulang
bata't hanggang katanda-tandaan ay
nakatalastas ng aking pangalan.
220
Dito na nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo; pakitang
o
kahinhinang-asal na pakitang-tao,
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
221

"Natanto ng lahat na kaya nanamit niyong


kabaitang di taglay sa dibdib ay nang
maragdag pa sa talas ng isip itong
kapurihang mahinhi't mabait.
222

"Ang lihim na ito'y kaya nahalata.


dumating ang araw ng pagkakatuwa;
kaming nag-aaral baguntao't bata, sari-
saring laro ang minunakala.
223

"Minulan ang galing sa pagsasayawan


ayon sa musika't awit na saliwan; larong
buno't arnis na kinakitaan ng kani-
kaniyang liksi't karunungan."
224

"Saka inilabas namin ang trahedya ng


dalawang apo ng tunay na ina at mga
kapatid ng nag-iwing amang anak at
esposo ng Reina Yocasta.
225

"Papel ni Eteocles ang naging tungkol ko at


si Polinice nama'y kay Adolfo; isang
kaesk'wela'y siyang nag-Adrasto at ang
nag Yocasta'y bunying si Menandro.
226

"Ano'y nang mumulan ang unang batalyo


ay ang aming papel ang magkakabaka,
nang dapat sabihing ako'y kumilala't siya'y
kapatid kong kay Edipong bunga.
227

"Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay ay


hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang
winika'y "Ikaw na umagaw ng kapurihan
ko'y dapat kang mamatay!"
228

"Hinandulong ako, sabay nitong wika,


ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako'y nabulagta sa
tatlong mariing binitiwang taga.
229

"Ako'y napahiga sa inilag-ilag, sinabayang


bigla ng tagang malakas; (salamat sa iyo,
O Menandrong liyag, kundi sa liksl mo,
buhay ko'y nautas!)
230

"Nasalag ang dagok na kamatayan ko,


lumipad ang tangang kalis ni Adolfo;
siyang pagpagitna ng aming maestro at
nawalang diwang kasama't katoto.
231

"Anupa't natapos yaong katuwaan


sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo'y di namin nabukasan,
noon di'y nahatid sa Albanyang bayan.
BUOD
Makikilala mo sa araling ito si Adolfo, ang kababayan ni
Florante na anak ng marangal na si Konde Sileno.
Bukambibig si Adolfo sa Atenas, ang katalinuhan niya ay
bantog sa kapwa niya mga mag-aaral. Ngunit hindi
naglaon ay naungusan siya ni Florante bagama't ang huli
ay nakaba- bata ng dalawang taon. Naging bantog si
Florante dahil sa angkin niyang katalinuhan, ang dating
papuring si Adolfo lamang ang nakatatanggap ay nabaling
na kay Florante.
BUOD
Dito na nakilala ang totoong pagkatao ni Adolfo
na nagpanggap lamang palang mahinhin at
mabait. Naging daan ang trahedya na kanilang
itinanghal kung saan tinangka niyang totohanin
ang pagpatay kay Florante upang mahubdan siya
ng pagpapanggap at lumabas ang kanyang tunay
na kulay.
1. Pagpapaliwanag/Pagbuo ng Sariling
Pananaw: Ilarawan si Adolfo...
a. sa pagkakakilala ng kanyang mga
kamag-aral
b. sa pagkakakilala sa kanya ni Florante
2. Interpretasyon: Ninais ba ni Floranteng
mapalapit ang kanyang loob kay Adolfo?
Magbigay ng pahayag na
makapagpapatunay rito.
3. Pagpapaliwanag: Ano ang naging hadlang
sa kanilang pagkakaibigan

4. Pagpapaliwanag: Bakit hinangaan at


naipamalita si Florante sa buong Atenas?
5. Pagpapaliwanag. Sa paanong paraan
lumabas o nakita ang tunay na
kulay ni Adolfo?
6. Pagbuo ng Sariling Pananaw: Ano sa
palagay mo ang naging dahilan upang
ipakita ni Adolfo ang tunay niyang
pagkatao?
7. Pagdama at Pag-unawa: Ilarawan ang
nararamdaman ni Florante nang
malaman niya ang matinding galit sa
kanya ni Adolfo
8. Pagbuo ng Sariling Pananaw/Pagdams at
Pag-unawa: Kung ikaw si Florante, ano ang
mararamdaman mo para kay Adolfo sa
pagkakataong iyon?
9. Paglalapa: Paano mo matutulungan ang
isang taong katulad ni Adolfo?
10. Pagkilala sa Sarili/Paglalapat: Mayroon
bang pagkakataong naka-
raramdam ka rin ng inggit na tulad ni
Adolfo? Ano ang ginagawa mo
upang hindi ito pag-ugatan ng hindi
magandang pag-uugali?
Thank you

You might also like