You are on page 1of 21

WASTONGGAMIT

NG MGASALITA
NANG
• Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga
kaugnayang pangungusap at ito angpanimula
ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-impok ka NANG may magamit ka sa oras
ng pangangailangan.
Matutong magbanat ng buto NANG hindi
naghihikahos sa buhay.
NANG
• Nagmula sa ‘na’ at inangkupan ng ‘ng’ at
inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng
panuring nito.
Halimbawa:
Nag-iisip NANG mabuti si Edward bago mabuo
ang kanyang desisyon.
Nagpasa si Pauline ng proyekto NANG maaga.
NANG
• Ginagamit ang ‘nang’ sa gitna ng dalawang
salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.
Halimbawa:
Galaw NANG galaw si Binggay kaya hindi
mawasto ang paggupit sa kanya.
Wala siyang ginawa kundi ang magdasal NANG
magdasal maghapon.
NG
• Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng
pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nagkamit siya NG karangalan dahil sa
pagsisikap niya sa pag-aaral.
Ang magtanim NG buti ay buti rin angaanihin.
NG
• Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap
ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
Tinulungan NG guro na makatapos ng pag-
aaral ang kanyang mag-aaral.
Niligawan NG binata ang mabait nadalaga.
NG
• Ang panandng ‘ng’ ay ginagamit kapag
nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay o
katangian.
Halimbawa:
Ang ani NG magsasaki ay naipagbili sa
malaking halaga.
Ang kinabukasan NG anak ang laging iniisip ni
Aling Marya.
MAY
• Ginagamit ng ‘may’ kapag sinusundan ng
pangngalan.
Halimbawa:
MAY pera sa basura.
Kung MAY lungkot MAY ligaya.
• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng
pandiwa.
Halimbawa:
MAY dadaluhan kaming handaan sa linggo.
MAY natanggap akong mabuting balita.
MAY
• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng pang-
uri.
Halimbawa:
MAY kahali-halinang mukha ang artistang ‘yan.
MAY magarang kotse si Camille.
• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng
panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa:
MAY kanya-kanyang bahay na ang anim na anak
ni Mang Danilo.
MAYROON
• Ginagamit ang ‘mayroon’ kapag may napapasingit
na kataga sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa:
MAYROON pa bang kape at asukal?
MAYROON po sana akong gustongsabihin.
• Ginagamit ang ‘mayroon’ sa panagot ng tanong.
Halimbawa:
May pera ka ba? MAYROON.
May naipasa ka bang takdang-aralin? MAYROON.
SUBUKIN
• Ang ‘subukin’ ay nangangahulugan ng
pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas, o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
SUBUKIN mong pangaralan siya at baka
makinig sa ‘yo.
SUBUKIN mo ang katapatan ng kanyang
niloloob saiyo.
SUBUKAN
• Ang ‘subukan’ ay nangangahulugan ng
pagmamanman upang malaman ang ginagawa
ng tao o mga tao.
Halimbawa:
SUBUKAN natin kung saan talaga siyanakatira.
SUBUKAN mo nga ang anak mo kung saan siya
nagpupunta pagkatapos ng klase.
PAHIRIN
• Ang ‘pahirin’ ay nangangahulugan ng pag-alis
o pagpawi ng isang bagay.
Halimbawa:
PAHIRIN mo ang sobrang lipstik sa iyong labi.
PAHIRIN mo ang pawis sa iyong likod.
PAHIRAN
• Ang ‘pahiran’ ay nangangahulugan ng
paglalagay ng isang bagay.
Halimbawa:
PAHIRAN mo ng manzanilla ang tiyan ng
sanggol.
PAHIRAN mo nga ng mantekilya ang baon
niyang tinapay.
OPERAHIN
• Tinutukoy ng ‘operahin’ ang tiyak na bahaging
titistisin.
Halimbawa:
Nakatakdang OPERAHIN ang mga mata ni
Mang Julio sa Martes.
Ipinasya ng doktor na OPERAHIN na ang bukol
sa tiyan ng pasyente.
OPERAHAN
• Tinutukoy ng ‘operahan’ ang tao hindi ang
bahagi ng katawan.
Halimbawa:
Habang INOOPERAHAN si Rhodora ay panay
ang dasal ng kanyang anak na si Lisabeth.
PINTUAN
• Ang ‘pintuan’ ay ang kinalalagyan ng pinto
(doorway). Ito rin ang bahaging daraanan
kapag bukas na ang pinto.
Halimbawa:
Nakaharang sa PINTUAN ang bagong biling
refrigerator.
PINTO
• Ang ‘pinto’ (door) ay bahagi ng daanan na
isinasara o ibinubukas.
Halimbawa:
Tiyaking nakakandado nang mabuti ang PINTO
bago matulog sa gabi.
IWAN
• Ang ‘iwan’ (to leave something) ay
nangangahulugang huwag isama/ dalhin.
Halimbawa:
IWAN mo na siya at mahuhuli ka sa lakad mo.
IWANAN
• Ang ‘iwanan’ (to leave something to
somebody) ay nangangahulugang bigyan ng
kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
IWANAN mo ako ng pambili ng gamot ng anak
mo.

You might also like