You are on page 1of 19

Karagdagang Kaalaman: Nang dumating ang panahon na naputol na

ang monopolyo ng pamahalaan sa pangangalakal ng bansa,


maraming mga banyaga ang nagiging interesado na magnegosyo
rito. Sila na ang nagluluwas sa Maynila ng kani-kanilang kalakal na
dati rati ay sa pamamagitan lamang ng galyon nakararating sa
Pilipinas. Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan.
Nagpaunlad ng kabuhayan sa panig ng mga Pilipino ang pagbubukas
ng mga daungan ng Maynila sa pandaigdigang pangangalakal. Naging
mariwasa ang ilang mga Pilipino na tinatawag na ilustrado. Kasama
rito ang mga may-ari ng malalaking sukat ng lupa, mangangalakal,
guro, manggagamot, manananggol, at iba pang propesyonal. Ang
pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig ay nakapukaw sa
damdaming nasyonalismo.
1. Bakit kailangan nating makinig sa mga ulat o
balita?
2. Balik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa
epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa bansa?
3.Anu-ano ang epekto ng pagbubukas ng mga
daungan ng bansa para sa pangkalakalang
pandaigdig?
Mahalaga para sa
kinabukasan ng tao
EDUKASYON
Mga dayuhan

MISTEZO
Magandang buhay sa
hinaharap

KINABUKASAN
Isa sa mga banyagang
sumakop sa ating bansa

ESPANYOL
Isa uri ng pananampalataya

KRISTIYANISMO
Pagpapatibay ng Dekritong
Pang-edukasyon ng 1863
Ang mga Pilipino, bago pa man sakupin
ng mga Espanyol ay may paraan na ng
pagtuturo sa mga kabataan. Sila ay
tinuturuan sa bahay ng mga gawaing
praktikal gaya ng panghanapbuhay sa
halip na pang-akademiko. May mga
tagapagturo sa bawat tribu o baranggay
subalit hindi ito maituturing na pormal.
Dekritong Pang-edukasyon
1863
1. Noong December 20, 1863, pinagtibay ng Espanya ang isang kautusan
kaugnay ng sistema ng edukasyon sa kolonyang Pilipinas.
2. Sa mga unang taon ng pananakop, ang edukasyon para sa mga Pilipino
ay nakatuon sa relihiyon at ito ay para lamang sa mga maykaya.
3. Dahil sa dekritong ito, naging malaya at madali ang pag-aaral para sa
lahat.
4. Nagkakaloob ito ng dalawang paaralan, isa para sa mga lalaki at isa para
sa mga babae sa bawat bayan o pueblo sa pangangasiwa ng pamahalaang
bayan.
5. May tatlong antas: entrada, acenso, at termino.
6. Kabilang sa mga pag-aaralan ay ang doktrina ng Katolisismo,
pagpapahalaga at kasaysayan, pagbasa at pagsulat ng Espanyol, matematika,
agrikultura, wastong pag-uugali, pag-awit, heograpiya ng mundo, at
kasaysayan ng Espanya.
7. Tinuruan din ng pananahi ang mga babae.
Pagsusuri sa Dekrito
1. Sa kalaunan, ang edukasyon sa kolonyang Pilipinas ay nasa
pangangasiwa na ng mga orden ng relihiyon gaya ng mga Pransiskano,
Dominikano, at iba pa.
2. Nag-iba ang pokus ng pag-aaral. Mas binigyang-tuon at pinahaba
ang oras sa pagtuturo ng katesismo (may kinalaman sa Katolisismo)
kaysa sa akademiko.
3. Makikita natin ang layunin dito ng simbahan. Ito ay bahagi ng
kanilang planong kontrolin ang buong kolonya sa pamamagitan ng
relihiyon, nang sa gayon, lumawig pa ang kanilang pananakop sa
Pilipinas.
4. Gayunpaman, naramdaman din ito ng mga Pilipino lalo na ang nasa
gitnang uri, partikular ang mga ilustrado. Hindi sila nagsawalang-kibo
sa usapaing ito. Nang maging malinaw ang pagmamalabis ng
simbahan, natanim sa ilan na hindi totoo ang relihiyong
ipinangangaral nila bagkus ito ay isang balat-kayo upang linlangin ang
Nahayag ang tunay na layunin ng
Espanya. Hindi nila ibig na matuto
ang mga Pilipino sa halip nais nilang
manatiling mangmang upang
humaba pa ang kanilang pananakop.
Karagdagang Kaalaman. Noong 1863, nagpalabas ng kautusan ang
pamahalaang Espanyol ukol sa edukasyon. Nagtakda sa pagtatayo ng
paaralang primarya sa bawat pueblo. Ang mga paaralan para sa mga mag-
aaral na lalaki ay hiwalay sa mga mag-aaral na babae. Ang kautusan ay
nagtakda rin ng pagtatayo ng paaralang normal para sa mga gurong lalaki
sa ilalim ng pamamahala ng mga Heswita. Ang wikang Espanyol ay
sapilitang ipinaturo. Ngunit hindi sumunod ang mga Espanyol sa kautusan
na ituro ang wikang Espanyol sa katutubo. Isang katangian ng edukasyon sa
panahon ng Espanyol ang pagsasaulo ng mga dasal, pagdidisiplina sa
pamamagitan ng pananakot, at pananakit sa mag-aaral kapag hindi
nakatupadsa itinuturo ng gurong prayle. Nagtatag sila ng mga paaralan
upang mapalaganap ang doktrina ng Kristiyanismo at mkapagsanay sa mga
alagad ng Diyos. Sinasanay nila ang mga katutubo na magsaulo ng mga
dasal at sabay-sabay na magdasal ang mga maganak
Bakit tila yata napakatagal bago naramdaman
ng mga Pilipino ang tunay na layunin ng
sistema ng edukasyon ng Espanya?
May sariling sistema ng edukasyon ang mga
Pilipino bago pa man ang pananakop. Sa
sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga
Espanyol noong 1863 at sa kinalaunan, layunin
nilang manatiling kulang sa kaalaman ang mga
Pilipino upang humaba pa ang pananakop nila.
Isulat ang salitang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay
tama at salitang Mali kung ang pangungusap ay mali.
________ 1. Noong 1863, nagpalabas ng kautusan ang
pamahalaang Espanyol ukol sa edukasyon.
________ 2. Ang wikang Espanyol ay hindi sapilitang ipinaturo.
________ 3. Ang mga paaralan ng mga lalaki ay hiwalay sa
mga paaralan ng mga babae.
________ 4. Hindi sinanay ng mga Espanyol ang mga katutubo
na turuang magsaulo ng dasal at sabay-sabay na magdasal ang
mag-anak.
________ 5. Layunin ng mga prayle na matutuhan ng mga
katutubo ang mga batas na nakatakda sa Saligang Batas ng
Espanya.
Takdang-aralin:

Sa kalahating papel, sumulat ng isang sanaysay tungkol


sa kahalagahan ng edukasyon.

You might also like