You are on page 1of 25

ARALIN 2

Batas ng Buhay
HALIMBAWA NG ALINTUNTUNIN:

“Walang Tawiran, Nakamamatay”

“No Complete Uniform, No ID, No Entry”

“Umuwi agad pagkatapos ng Klase”


ALITUNTUNIN

Ipinapatupad at kailangan
nating sundin.
Ito ay mga simpleng alintuntunin na kay hirap sundin para sa
ilan.
Kung ating papansinin, halos lahat ng pinupuntahan nating lugar
ay mayroong mga alituntunin na ipinapatupad.
Sa PAMAYANAN, sa PAMILYA, sa PAARALAN
Hindi ba tayo maaaring mabuhay
nang wala ang mga ito?

Talaga bang kailangan ang mga


ganitong alituntunin?

Bakit kailangang sundin ang mga


ito?
ASSIGNMENT:

Sa isang buong “Bond paper” gumuhit ng sariling desenyo


ng “Signage” na kung saan nakapaloob ang iyong sariling
BATAS o ALITUNTUNIN bilang isang pamunuan. Ito ay
ipapatupad sa buong bansa.

RUBRICS: Originality 50%


Creativity 30%
Content 20%
100%
Karugtong na Gawain:
Ang Bawat isa ay
magbibigay ng paliwanag
ukol sa Batas na
ipapatupad.

Sitwasyon: Ipagpalagay na
ang buong Klase ang
Sambayanang Pilipinas na
kung saan idedeklara at
ipapatupad and nasabing
batas.
EP Shortened Time: 10:10 am-11:30pm

◈ Checking of Assignments
◈ Discussion Proper ( Aralin 2 -BATAS ng Buhay)
◈Discussion of Performance Task next meeting
(No Short Break)

August 10 (Thursday) PT
August 17, 18, 19 (First Quarter Exam)
ANO NGA BA ANG BATAS?
Ang BATAS ang siyang pangunahing batayan ng
kaayusan at nagpapaalala sa kung ano ang
dapat at hindi dapat gawin sa sarili, sa kapwa,
at sa kapaligiran.

Ito ay gabay sa ating kilos tungo sa Diyos.


Ang Batas ayon kay St.Tomas de Aquinas:

ANG BATAS AY ISANG ALITUNTUNINNG


KATWIRAN NA ITINAKDA NG MGA NASA
KAPANGYARIHAN ALANG-ALANG SA
KABUTIHANG PANLAHAT O
KAPAKANANG PANLIPUNAN.
MGA MAHALAGANG SANGKAP NG BATAS:
Ito ay:

1. ALITUNTUNIN- ito ay dapat sundin ng mga taong


pinatutungkulan nito.

2. ALITUNTUNIN NG KATWIRAN- ito ay kailangang


makatarungan, makatotohanan, naisasakatuparan, kapaki-
pakinabang, nananatili, itinakda at nagbibigay
kaparusahan sa hindi pagsunod nito,
3. ITINAKDA- ito ay dapat na malaman at nauunawaan
ng mga taong pinatutungkulan nito upang hindi
magkaroon ng kaguluhan at kalituhan.

4. ITINAKDA NG NASA KAPANGYARIHAN- Ang


tungkulin na magtakda ng batas ay nakasalalay sa mga
awtoridad.

5. ALANG-ALANG SA KABUTIHANG PANLAHAT O


KAPAKANANG PANLIPUNAN- Ito ay makakamit lamang
sapamamagitan ng epektibong pagpapatupad at pagsunod sa batas
MGA URI NG BATAS:
1.) Mula sa pananaw ng mga mambabatas (from the
standpoint of the legislator)
My dalawang uri ang pinagbabatayan nito:
BATAS NG DIYOS (Divine Law)- batas na nagmula sa Diyos.
BATAS NG TAO (Human Law)- batas na nagmula sa tao.
> Batas Sibil (Civil Law) – batas na itinakda ng
Estado/Estate
> Batas ng Simbahan (Ecclesiastical Law o Canon Law) –
batas na itinakda ng Simbahan.
MGA URI NG BATAS:
2.) Mula sa pananaw ng tagal ng panahon (from the
standpoint of the duration)
Mula naman ito sa pananaw ng:
PANGHABANG-PANAHON NG BATAS NG DIYOS (Eternal
Law)- ito ay pangkalahatang plano ng Diyos at ginagabayan
nito ang kanyang mga nilikha. (Hal:
Cohesion/Gravity/Inertia, Earth evolving in its axis)
PANSAMANTALANG BATAS (Temporal Law)- yaong mga
batas na ginawa ng tao. Ito ay sakop ng paglipas ng
panahon o may hangganan.
MGA URI NG BATAS:
3.) Mula sa paraan ng pagkakatakda (from the standpoint of
promulgation)
My dalawang uri :
LIKAS NA BATAS (Natural Law)- ito ay panghabang-panahon
Ito ay itinakda ng Diyos sa tao.
ITINAKDANG BATAS (Positive Law)- ay itinakda sa pamamagitan
ng pagsulat. Ito ay maaaring itinakda ng Diyos o ng tao.
> Divine Positive Law - ito ang itinakda ng Diyos.
> Human Positive Law - ito at itinakda ng tao.
Ito naman ay nauuri sa dalawa:
# Batas ng Simbahan at # Batas Sibil
MGA URI NG BATAS:
3.) Mula sa pananaw ng pagkakatagubilin
My dalawang uri :
APIRMATIBONG BATAS (Affirmative Law)- ito ay yaong mga
batas na palaging may bisa, o maaaring nagpapatibay o
nagpapatotoo, subalit hindi sa lahat ng sandali.
Hal: Pag-aayuno
 NEGATIBONG BATAS (Nagative Law)- ay itinakda sa
pamamagitan ng pagsulat. Ito ay palaging may bisa sa lahat
sandali dahil ito ay tumutukoy sa moral na pagpapahalaga na
paggalang sa buhay at ari-arian ng iba.
Hal: “Huwag kang Papatay” at “Huwag kang magnakaw”
Ang Likas na Batas – Batas ng Pagpakatao

Ang Likas na Batas ay ang panghabang-panahon na Batas na


itinakda sa tao sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip. Ito ang
pakibabahagi ng panghabang-panahon na Batas ng Diyos sa
tao.
Ito ay Likas sapagkat:
◈Naihayag sa paraang likas-sa pamamagitan ng isip.
◈Hindi itinakda ng mga mambabatas.
◈Nakikita at mula sa kalikasan ng tao. HALIMBAWA?
Ang LIKAS na BATAS ay mayroong
Limang (5) likas pagkiling (Natural Inclinations)

1. Ang paghangad sa kabutihan (the desire for the good)


2. Ang pagkiling sa pagpapanatili ng buhay (inclination of
self-preservation)
3. Ang paglikha at pag-aaruga ng mga anak (the generation
and rearing of children)
4. Ang paghanap ng katotohanan (seeking for truth)
5. Ang paglinang ng buhay panlipunan (cultivation of social
life)
Ang Diwa ng Likas na Batas ay makikita sa Sampung Utos ng Diyos
DIVINE POSITIVE LAW
SAMPUNG UTOS MGA KAGANDAHANG- LIMANG LIKAS NA
NG DIYOS ASAL AT PAKILING NG LIKAS
PAGPAPAHALAGA NA BATAS
1.) Ako ay si Yahweh na
iyong Diyos. Huwag kang  Pag-ibig sa Diyos
magkakaroon ng ibang diyos  Paggalang sa Pangalan  Ang Hangarin para sa
maliban sa Akin. ng Diyos Mabuti
2.) Huwag mong gagamitin  Pag-asa
sa mali ang pangalan ni  Pananalig
Yahweh na iyong Diyos.
3.) Pabanalin mo ang Araw
ng Pamamahinga.
Ang Diwa ng Likas na Batas ay makikita sa Sampung Utos ng Diyos
DIVINE POSITIVE LAW

SAMPUNG UTOS MGA KAGANDAHANG- LIMANG LIKAS NA


NG DIYOS ASAL AT PAKILING NG LIKAS
PAGPAPAHALAGA NA BATAS
4.) Igalang mo ang iyong
Ama at Ina  Paggalang at pagsunod sa
magulang  Ang paglikha at pag-
 Mapanagutang aaruga ng mga anak.
pagmamagulang
5.) Huwag kang papatay  Pagbubuklod ng pamilya  Ang Kahiligan sa
 Paggalang sa awtoridad pagpapanatili ng Buhay.
 Paggalang sa buhay
Ang Diwa ng Likas na Batas ay makikita sa Sampung Utos ng Diyos
DIVINE POSITIVE LAW

SAMPUNG UTOS MGA KAGANDAHANG- LIMANG LIKAS NA


NG DIYOS ASAL AT PAKILING NG LIKAS
PAGPAPAHALAGA NA BATAS
6.) Huwag kang
mangangaluya  Kalinisan ng buhay
(chastity)  Ang paglinang ng buhay
 Paggalang sa sekswalidad panlipunan.
9.) Huwag ninyong pag-  Pagbubuklod ng pamilya  Ang paglikha at pag-
iimbutan ang asawa ng  Paggalang sa kabanalan aaruga ng mga anak.
ng buhay may-asawa
iyong kapwa
Ang Diwa ng Likas na Batas ay makikita sa Sampung Utos ng Diyos
DIVINE POSITIVE LAW

SAMPUNG UTOS MGA KAGANDAHANG- LIMANG LIKAS NA


NG DIYOS ASAL AT PAKILING NG LIKAS
PAGPAPAHALAGA NA BATAS
7.) Huwag kang
magnanakaw  Kalinisan ng buhay
(chastity)  Ang paglinang ng buhay
 Katarungang panlipunan panlipunan.
10.) Huwag ninyong  Mapanagutang  Ang paghahanap ng
pag-iimbutan ang pamamahala sa materyal katotohanan
na bagay
sambahayan o anumang  Paggalang sa bunga ng
pag-aari ng iyong kapwa paggawa.
Ang Diwa ng Likas na Batas ay makikita sa Sampung Utos ng Diyos
DIVINE POSITIVE LAW

SAMPUNG UTOS MGA KAGANDAHANG- LIMANG LIKAS NA


NG DIYOS ASAL AT PAKILING NG LIKAS
PAGPAPAHALAGA NA BATAS
8.) Huwag kangsasaksi
 Paggalang sa  Ang paghahanap ng
ng mali laban sa iyong katotohanan
Katotohanan
kapwa
MGA KATANGIAN NG LIKAS NA BATAS

1. Pangkalahatan (Universal). Ang Likas na Batas ay may bisa


sa lahat ng tao anuman ang kanyang kulay, lahi, relihiyon o
paniniwala. Ito ay dahil ang batas na ito ay nakatanim sa
kalikasan ng bawat tao. Ang lahat ng tao ay tinatawag sa
iisang tunguhin, magkakaiba man ng pamamaraan, upang
makamit ito. Tayo ay tinatawag na gumawa ng mabuti.
2. Kailanganga Sundin o Gawin (Obligatory). Dahil ito ay
nakatanim sa ating kalikasan bilang tao, marapat lamang na
ito ay sundin o gawin.
MGA KATANGIAN NG LIKAS NA BATAS

3. Nakikilala (Recognizable). Ang Likas na Batas ay madaling


nakikilala sapagkat ang lahat ng tao ay mayroong pag-iisip na
nakauunawa sa mga dapat at hindi dapat gawin ng tao.

4. Hindi nagbabago (Unchangeable). Sapagkat ang Likas na


Batas ay mula sa Panghabang-panahon na Batas ng Diyos, at
naghahayag ng Kanyang karunungan at kabutihan, kainlanman
ay hindi ito mababago.
BASAHIN, UNAWAIN, INTINDIHIN. PAGPAPALIWANAG

You might also like