You are on page 1of 12

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin 1

Ang Mga Batayang Kaalaman


sa Wika
Layunin ng Talakayan
matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;

makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;

makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng magkahiwalay


na gamit ng dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
 Kahulugan ng wika;

 Kahalagahan ng wika;

 Kalikasan ng wika;

 Ilan pang kaalaman hinggil sa wika,; at

 Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.


Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:
 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Kahulugan Ng Wika
 Mangahis et al. (2005)

May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan.


Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe
na susi sa pagkakaunawaan.

 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng


pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo
ng mga tao.

 Bienvenido Lumbera (2007)


Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
Kahulugan Ng Wika

 Alfonso O. Santiago (2003)

Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,


kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at
mga kaugalian ng tao sa lipunan.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)

Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na


laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na


binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.

Bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at


kaisipan ng mga mamamayan nito.
Kahalagahan ng Wika
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito
sa komunikasyon.

 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura


ng bawat grupo ng tao.

 Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya.

 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at


kaalaman.

 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at


pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan ng Wika

 Ang wika ay may masistemang balangkas.

 Ang wika ay arbitraryo.

 Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.


Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika

Heterogenous ang Ang Tagalog, Ang


sitwasyong pangwika sa Sinugbuanong Binisaya, bilingguwalismo ay
Ilokano, Hiligaynon, tumutukoy sa dalawang
Pilipinas dahil
Samar-Leyte, Pangasinan, wika.
maraming wikang Bikol, at iba pa ay mga
umiiral dito at may mga wika. Ngayon, hindi na
diyalekto o varayti ang bilingguwalismo kundi
mga wikang ito. Ang diyalekto ay multilingguwalismo
nangangahulugang varayti ang pinaiiral na
Homogenous ang ng isang wika, hindi patakarang pangwika sa
sitwasyong pangwika sa hiwalay na wika. edukasyon.
isang bansa kung iisa
Bernakular ang tawag sa
ang wikang sinasalita ng
wikang katutubo sa isang
mga mamamayan dito. pook.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin naman ang


Gagamitin ang Filipino
bilang opisyal na wika sa Ingles bilang isa pang
pag-akda ng mga batas at opisyal na wika ng Pilipinas
mga dokumento ng sa pakikipag-usap sa mga
pamahalaan. banyagang nasa Pilipinas at
sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.

You might also like