You are on page 1of 14

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

UNANG MARKAHAN
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral
ay inaasahang;
Natutukoy ang mga bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi ng
pamilya.
Sa pamamagitan ng powerpoints. Ipapakita ang layunin at mga dapat maganap sa klase
upang makamit ang layunin ng paksa.
MODYUL 1 ANG PAMILYA BILANG NATURAL
NA INSTITUSYON
1. Panalangin
2. Pretest
3. Checking Attendance
4. Activity
5.Talakayan
6. Pangkatang Gawain kung Kailanagan
7. Pagsusulit
8. Pangwakas na panalangin
Over view of the entire lesson
modyul 1 through video clip
PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
May nakapagtanong na ba sa iyo kung ano ang iyong pananaw
tungkol sa pamilya? Marahil sasang-ayon ka na magkakaiba ang
pananaw ng mga tao tungkol dito. Sa pagkakataong ito, magandang
maisalarawan ang iyong pamilya. Maaaring gamiting gabay ang
sumusunod na tanong sa pagsasagawa ng gawain:
a. Paano mo ilalarawan ang isang pamilya?
b. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?
c. Tiyakin na mailalarawan mo ang lahat ng
kasapi ng pamilya at ang iyong sarili.
d. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.
e. Itala sa iyong kuwaderno ang mahahalagang
pangyayari na naganap sa iyong ginawang
pagbabahagi.
Gawain 2
Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Madalas nga
lamang ay hindi na nabibigyang-pansin sa isang pamilya ang kontribusyon
ng bawat isa, maliit man ito o malaki. Sa pagkakataong ito ay maglalaan ka
ng panahon upang isa-isahin ang mga naiiambag ng mga kasapi ng iyong
sariling pamilya para sa iyong sarili, para sa mga kapwa kasapi ng pamilya,
para sa buong pamilya, at maging para sa pamayanan.
Panuto:
1.Gumuhit ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.
2.Gamitin ang istruktura ng bahay ang ilang kagamitan na naririto upang
ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang
kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng pamilya, o sa buong
pamilya.
1. Bakit kailangang ganpanan ng bawat kasapi
ng pamilya ang kanilang tungkulin?
Ipaliwanag.
2. Ano ang mangyayari kung hindi
magampanan ng bawat kasapi ng pamilya
ang kanilang tungkulin?
Magbigay ng mga posibling mangyayari. At
bakit?
Ephesian 6:1-4
1 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga
magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid. 2
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang
utos na may pangako), 3Upang yumaon kang mabuti,
at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
4 At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi
sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan
sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa
loob ng pamilya ay nakaiimpluwensya sa
pakikitungo sa kapwa; ganoon din, ang
mga pagpapahalagang nakuha sa
pakikipagkapwa ay nakatutulong sa
pagpapatatag ng pamilya.
Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi
ng pamilya ang kanilang gampanin? Ipaliwanag.
2. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng
bawat kasapi ng iyong pamilya sa iyo at sa iyong
pamilya?
3. Anong mga katangian o ugali ang taglay mo
ngayon ang impluwensya ng iyong pamilya?
Ilarawan.
Atasan ang isang mag-aara na magbahagi
ng isang pangwakas na panalangin.
Itutuloy!

You might also like