You are on page 1of 10

Ang Baroque ng Sining

PA N G K AT 2
S I LV E S T R E , D E F E R I A , A R P I A , S AT O R R E , R O A ,
FORTEZA, MACALOS, D A Q U I PA , E M B AT E ,
C H AV E S , B A J A O
Ang baroque ay madaling naiisip bilang isang estilong gumamit ng
masidhing galaw, malinaw at madaling mainterpreta na detalye sa drama,
tensiyon, kasaganaan, at kadakilaan sa larangan ng paglililok, pagpipinta,
arkitektura, literatura, pagsayaw, teatro at musika.
• Nagsimula ito sa Roma, Italya noong 1600 at naging laganap sa
halos kabuuan ng Europa.
• Mula sa Roma, lumaganap ito sa Pransiya, hilagang Italya, Espanya
at Portugal, hanggang sa Austria at timog Alemanya.
• Sinundan nito ang estilong Renasimyento at sinundan ng estilong
Neoklasiko. Pagdating ng mga 1730, lumago ito sa lalong
mabulaklak na uri, na tinatawag na rocaille o Rococo, na lumitaw sa
Pransiya at gitnang Europa hanggang sa ika-18 siglo
• Ang kasikatan at tagumpay ng istilong Baroque ay pinatibay ng
Simbahang Katoliko na pinasyahan sa ilalim ng pamamalakad
ng Konseho ng Trento bilang tugon sa Repormang Protestante,
bagaman sumibol din ang baroque na sining Luterano.
• Sinabi nitong ang sining ay dapat magpahayag ng relihiyosong
mga tema sa tuwid at emosyonal na pakikisama.
• Ang aristokrasya ay naging saksi rin sa dramatikong istilo ng
arkitektura at sining ng Baroque sa pag-akit ng panauhin at
paghayag ng tagumpay, kapangyarihan at pamumuno.
Ang salitang Pranses na baroque ay hango sa salitang
Portuges na barroco o sa Espanyol naman ay barrueco na
tumutukoy sa isang "magaspang o hindi perpektong
perlas." Ito rin ang nagbigay-daan sa barroco ng Italya,
barock ng Alemanya, barok ng Olanda, at ilan pa.
Ang ika-11 edisyon Encyclopædia Britannica ng 1911
ay nagsasabing ang terminolohiyang ito ay nahango
sa barrueco ng Espanya, isang malaki at iregular na
hugis ng perlas, na itinago sa kasanayan ng mga
mag-aalahas. Ayon naman sa iba, hinango ito sa
terminong mnemonic na baroco, marahil sa anyo ng
silogismo sa scholastica. Ang salitang-ugat ng Latin
nito sa makikita sa bis-roca.
Patsada ng
Simbahan ng
Gesù, ang
unang totoong
patsadang
Baroque.
Mga fresco sa
kupola ng Gesù
ni Gaulli
Ang arkitekturang Baroque ay isang estilo ng pagtatayo
ng mga gusali noong panahong Baroque, na nagsimula
sa dulo ng ika-16 na siglo sa Italya, na umayon sa
bokabularyong Romano ng arkitekturang Renasimiyento
at ginamit sa isang bagong estilong pangretorika at
panteatro, na madalas na isalamin ang pagtatagumpay
ng Simbahang Katolika.
Ang madadalas na katangian ng
arkitekturang baroque ay:
- Malalakihang proporsiyon
- Isang malaking bukas na sentral na
espasyo kung saan lahat ay makakakita
ng dambana
- Pulupot na mga haligi, mala-
teatrikong pagsambulat, kasama ang
ilaw na nagmumula sa kupola sa itaas
dramatikong epekto sa loob sa
pamamagitan ng tanso at pagtutubog
- Kumpol ng mga inukit na anghel at
iba pang piguro sa ibabaw
- Masaklaw na paggamit ng trompe-
l'oeil, na tinatawag ding "quadratura,"
na pinta ng mga detalyeng pang-
arkitektura sa mga dingding at kisame,
upang lalong lumakas ang epektong
pangdramatiko at panteatriko.

You might also like