You are on page 1of 3

Olano, Cheska

11 STEM

Tekstong Deskriptibo

Ni: John Rey M. Barnachea

Maraming tanyag na siyudad sa bansang Italy. Isa sa mga ito ang Roma. Puno ng
kasaysayan ang lungsod na ito. Kapag binisita ninyo ang Roma, marami kayong
makikitang mga magagandang tanawin.

Malalim ang mitolohiyang pinagmulan ng Roma. Sinasabing natagpuan ito ng kambal


na sina Romulus at Remus noong ika-21 ng Abril, 753 BC. Sinusuportahan nito ang mga
ebidensiyang arkiyolohikal, na nagsasabing may mga komunidad ng mga magsasaka sa
lugar na iyon hindi nalalayo sa petsang isinasaad sa mito. Sa paglaganap ng Simbahang
Katolika, ang Roma ay naging higit na mahalaga sa larangan ng relihiyon at pulitika.

Ang Roma ay isa sa mga lungsod na nanguna sa Renaissance. Ang estilong nabuo
noong panahong ito ay kapansin-pansin sa mga kalsada at mga gusaling binuo noong
panahong iyon. Ito rin ay nakaapekto sa mga obra ng mga pintor at iba pa. Kung
bibisitahin ang lungsod, mapapansin ang mga impluwensiya ng panahong iyon, kagaya
ng mga palasyong Baroque, mga obelisk, at iba pang gusali.

Tanyag din ang Roma sa arkitektura. Ang colosseum ang isa sa sikat na gusaling
Roman. Dati, ito ay isang amphitheatre na nanguna sa pag-unlad ng arkitektura noong
70 AD. Ngayon ito'y hindi kasingganda ng dati, ngunit ito'y nakamamanghang gusali pa
rin.

Ang makabagong Roma ay itinuturing na sentrong kultural ng rehiyon, at itinatanghal


ang sining sa iba't ibang uri at porma nito. Mayroon ditong lumalagong larangan ng
musika, mapapansin sa mga tanghalang pangkonserto. Ang Roma rin ang naglalabas
ng pinakamaraming pelikula sa buong bansa ng Italy.
REAKSYONG PAPEL

Ang aking binasang teksto ay isang deskriptibong teksto. Ang tesktong deskriptibo ay
may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Ito ay
maaaring maging obhetibo o subhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.

Malinaw ang paglalarawan kung gaano kaganda ang Roma sa bansang Italy. Inilahad
rin dito ang taon kung kalian ito natuklasan, at ang ilang mga kasaysayan sa Roma.
Nailahad din ang arkitektura, kung saan tanyag ang Roma, kasama na rin ang mga
estilong nabuo sa panguguna nila sa Renaissance.

Malapit sa akin ang bansang ito dahil dito nakatira ang karamihan sa miyembro ng
aking pamilya sa partido ng aking ama. Masasabi ko na tunay na magaganda ang
tanawin dito dahil sa mga pinapakita ng aking pamilya. Maunlad rin ang bansang ito
dahil sa mga tourist attraction nila katulad ng St. Peter’s Basilica sa Vatican City na
siyang pinaka sikat na simbahan at ang isa pa sa pinaka sikat ay ang Leaning Tower of
Pisa. Ilan lamang iyan sa mga sikat na tanawin na dinarayo ng ibang mga lahi galing sa
iba’t ibang panig ng daigdig.

You might also like