You are on page 1of 1

Kabihasnang Romano

Ang Kabihasnang Romano ay kilala bilang pinakatanyag at pinakadakilang


Kabihasnan sa kasaysayan ng tao. Ito ay sumibol sa bansang Italy na
matatagpuan sa kanlurang Europa. Ito ay isang peninsula na naka usli sa
Mediterranean Sea. Ang lungsod ng Rome ang kabisera ng Italy. Ang
Rome ay isa na lamang sa maraming lungsod sa bansang Italy ngayon.
Ang Rome ang sumisimbolo at pagkakakilanlan sa mga mamamayan at
lipunang Italy.

Vatican City
Ang Vatican City ay itinuturing bilang pinakamaliit na estado sa mundo na
may sukat na 0.44 kilometer squared. Mahalaga ang bahaging
ginampanan ng Vatican City sapagkat ito ang tumatayong simbolo ng
pananampalataya ng mga Katoliko.

Ninuno ng mga Romano


Itinuturing na makulay ang maalamat na simula ng sibilisasyong Romano
ngunit hindi ito nasukat sa opisyal na kasaysayan ng Rome. Tulad ng ibang
sibilisasyon, ang nakatala sa kasaysayan ng Rome ay nakabantay sap ag-
aaral sa kasaysayan, arkeolohiya, at agham. Bagamat hindi kasingkulay ng
sa alamat, hiogit naming tanggap ito sa kasalukuyan.

Republikang Romano
Ang Rome ay naitatag noong kalagitnaan ng ikawalong siglo bago ang
karaniwang panahon. Ito ay itinatag ng mga unang Romanong nagsasalita
ng Latin. Ang mga Romano ay tinalo ng mga Etruscan. Ang mga Romano
ay nahahati sa dalawang lipunan; ang mga Patrician o mga Maharlika
lamang ang pinapayagan na mahalal bilang konsul, diktador, o senador.
Ang mga Plebians o karaniwang mamamayan naman ang hindi
pinapayagan na makakuha ng posisyon sa pamahalaan maliban sa
pagiging sundalo.

Consul at Senador
Sa Rebublika ng Romano, sila ay naghahalal ng dalawang Consul na may
kapangyarihan ng isang hari, at manunungkulan lamang ng isang taon.
Dahil dito, humina ang sangay ng tagapagpaganap. Sa oras naman ng
kagipitan ay kinakailangan na pumili ng isang Diktador na manunungkulan
lamang sa loob ng anim na buwan.

You might also like