pasulong ang talim at gulugod ng ating mga sundang. Itinutok ko ito sa langit isang araw at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata. At sa aking asinta ay mayroong tumawid: mandi’y tutubi – dambuhala at de-makina. Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma, sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy.