You are on page 1of 22

MODYUL

7
Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao

Sosyedad at Literatura Pangkat 2


Mga Layunin
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng 3 oras na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang :

Matukoy ang gampanin ng akda sa isyu hinggil sa karapatang pantao.


Makalikha ng sariling akda gamit ang paksang tinalakay bilang pangunahing
tema.
Nakasusulat ng iskit na naglalarawan sa karanasan ng pangunahing tauhan
sa akda

I.
Bilang pagpapatuloy tatalakayin ko
pa rin sa paksang ito ang nilalaman at

Alamin Mo
alamin mo
kontexto ng mga akdang may
pangunahing tema tungkol
karapatang pantao. Saklaw rin ng
paksang ito ang
sa

gampanin,
impluwensiya, at kaugnayan ng mga
akda sa lipunan pambansa man o
panlokal.
II.
Hindi tulad ng nakaraan, ang akdang
Pitong Sundang: Mga Tula at Awit ay

Tuklasin mo
hindi gaanong kilala ng karamihan, ngunit
tuklasin mo isa itong kongkretong akda na
nagpapakita ng kawalan ng balanse
pagdating sa karapatang pantao,
ipinakikita rin dito ang realidad na
nasusulyapan ng ibang sektor ng lipunan
ang karapatang dapat na kanilang
tinatamasa.
III.
Tungkol sa May Akda
tungkol sa may akda

Si Ericson Acosta, ayon kay San Juan sa kanyang artikulo na Ang Sining ni Ericson Acosta,
Bilanggong Pulitikal sa Pilipinas, ay isang ibinilangong manunulat, kompositor, mang-aawit,
peryodista, at aktibistang intelektuwal. Isang malaking katanungan kung bakit siya inaresto kaya’t
naitanong din sa kanyang pag-aaral kung krimen ba ang magsasaliksik tungkol sa karapatang
pantao at kondisyon ng pamumuhay? Paglilinaw ni San Juan, ginamit lamang ni Acosta ang kanyang
mayamang karanasan at bihasang dunong bilang mamamahayag (UP Collegian; Manila Times; ABS-
CBN, atbp), pinag-aaralan ang sitwasyon ng mga mamamayan kaakibat ng paglilingkod sa
kolektibong pagsisikap umunlad. Ngunit tulad noong panahon ng panananakop ng tropang
Amerikano sa Balangiga circa 1901 ayon sa kanya, ang pulo'y arena ng madugong tunggalian ng mga
uri. Napagitna ang makata; sa gipit at gulo dumagsa ang mga "ibong mandaragit"...
ang may
akda
Walang pakundangan sa batas, katuwiran, at
karapatang pantao, ikinulong ang iskolar ng bayan
at inabuso siya--hanggang sumiklab ang galit at
protesta ng libulibong nakiramay, mula Amnesty sa
Ericson Acosta London hanggang PEN International at United
Nations, mga samahang inireklamo ang masahol at
walang katarungang pagpaparusa sa taong walang
sala kundi pag-alay ng kakayahan at talino sa
ikabubuti ng bayan. Panoorin ang video na ito
upang mas makilala pa ang akda.
UNANG Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok
ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin.
SUNDANG:
Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok
na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin?
HULING KAINGAN
Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap.

A
Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap.

Mga aso ay turuang tahimik na umalulong.


Sa landas nama’y tabunan ang latag nating patibong.

Sadyang hangal maggumiit na dun sa ulap tumawid


kung mabunyag itong muog at bitag nati’y malansag.

Tumangan tayong mahigpit sa sundang nating matuwid


kahit lambong pa nga’t hamog ang tangi nating kalasag.
Alaala natin, binibiyak natin
ang niyog
at nabubulabog ang mga tamsi.

IKALAWANG
SUNDANG:

HAPAG
Alaala natin, tinataga natin
ang kamansi at langka
at iba pang alay na may dagta.

Alaala natin, hinihiwa natin


sa pisngi ang mangga
o ang sambilao kaya ng sinukmani.
K
Alaala natin, ginigilit natin
sa leeg ang tinali at anong aliw
ang hatid sa atin ng tilamsik ng dugo.

Ngayon tinatadtad natin


sa kung ilang piraso ang gabrasong sawa—
iniaalok sa may dinaramdam at nag-aalala.
Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin

O
kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong
ang talim at gulugod ng ating mga sundang.
IKATLONG Itinutok ko ito sa langit isang araw
SUNDANG: at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit
akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata.
At sa aking asinta ay mayroong tumawid:
SIPAT mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina.
Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma,
sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy.
IKA-APAT NA SUNDANG:
TALÂ
Sablay man sa baybay Sablay man sa baybay

S
inuukit natin ang pangalan inuukit natin ang bawat pantig
ng mga inaalala at sadyang minamahal ng ating pag-aalala at dalangin
sa tadyang ng malabay sa haliging liyad
sa tungkod na yantok sa hagdanan
sa budyong at tongatong sa bintana’t hapag
sa bagol at palayok. sa uluhan ng papag na higaan.
Sablay sa baybay, totoo, Sablay sa baybay subalit totoo
subalit salatin at silang-sila rin at di na lamang bakas
ang sawing salaysayin ng daplis, kurit o gurlis;
sa siwang ng mga titik na ito— di na lamang alimpungat sa sansaglit.
sumasaludsod sa kalyo at kuko Lantay na latay na ang mga ito
gaya ng kaliskis, palikpik at hasang. ng ating kinamulatang pangamba:
Silang-sila nga ang mga ito: singaw sa labi at ngala-ngala;
silang ulila; silang tulala; hubad na hiwa sa mukha;
silang balisa at di makatulog; sariwang taga sa puyo;
silang habang nahihimbing ay kinitil; wakwak sa sikmura ng ina
silang ibinuwal pagkat pukaw na na nagsubo ng sundang
at sa iba ay nanggigising. pagkat sadyang wala nang maisubo.
At may ilan sa ating nangahas
na iukit ang panata
sa dibdib ng yungib.
Pumipintig ang bawat salita
Sa pag-andap ng siga:

Panday

T
Bakal
IKALIMANG Apoy
Hataw
SUNDANG: TALIM.
Talim
Puluhan
TULA Sarungan
Pisi
SUNDANG.
Sundang
Api
Hakbang
Gabi
TAMBANG.
Matapos maghawa’t mangahoy maghapon
tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.

IKA-ANIM NA Sa labí ng gabi sa malumot na burol


sa tabi ng bukal ng talangka at kuhol
SUNDANG: tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.

Noon pa man ay atin nang batid


GABUD ang hibang na sumpang hatid

A
ng pingas at purol,
ng gibang at kalawang—
*GABUD - batong
panghasa ng sundang ng walang-taning na pagpapaubaya
sa hindi nagsasawa sa pag-angkin;

Mang wagas na pagka-awa sa sariling pagka-ulila


habang nag-aabuloy, nagpapabuya,
Nagpapatawad at umaawit ang salarin;
ng pagdadalawa, pagdadal’wang-libong-isip Hanggang sa kaya nang magpanggap
hanggang mabulag na’t malupig na ‘sangkawang alitaptap
sa tagal ng pagkakatitig sa apoy; ang kinang ng ating mga tabak,
tayo ay nanagagtitipon
ng pagkakanya-kanya upang hasain ang ating mga sundang.
gayong iisa lamang naman

.
ang kinakampay na kumunoy— Hanggang sa kaya na ng ating mga talim
na ang hangin ay paduguin,
kaya’t tayo ay nangagtitipon tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang. upang hasain ang ating mga sundang.

Magdamag kung s’yang dapat, Hanggang mangusap ang isa sa ating mga anak—
sabay-sabay, walang-humpay nating pinupudpod ang hubad at pinaka-abo sa mga apo ng ilaya;
ang lahat ng mahawakang gabud ang pinaka-ubuhin, tuod at utal na tagapagmana
hanggang malusaw nang lubos ng malawak na kawalan
sa pawis natin at tangis— at lahat ng pagkakasala.
pagkat tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang. “Bukas,” wika niya,
“kung ilan tayo sa ating balak ngayon,
s’ya ring dami ng tarak
sa leeg ng panginoon.”
IKAPITONG SUNDANG
Ang naunang posts ay ang pinakabago kong mga tula. Pito sana ang tula sa seryeng ito na nasimulan ko noon pang
Agosto, kaya may pamagat na “Pitong Sundang”. Tungkol ito sa mga magsasakang setler sa bulubundukin, kaya naisip kong
gamitin ang kanilang pantrabaho — ang sundang — upang mag-ugnay sa mga metapora ng serye.

ikapito
Ang ikapitong tula ay halos nabuo ko na, pero napasama na roon sa laptop na kinuha sa akin ng militar. Hindi ko na
makayang buuin pa ulit.

Kaya ganito na lang ang gawin natin: sinumang indibidwal, o anumang grupo na interesadong tumula ay inaanyayahang
gumawa ng sarili nilang “ikapitong sundang.”

Hindi na rin kailangang maging istrikto o matapat sa nauna kong naratibo o tema ukol sa mga setler, dahil maaari
namang bahagi na rin lang ang mga setler sa binubuong talinhaga na umiikot sa “sundang.” Maaari kayong pumili ng
anumang tema, persona, mga indibidwal o sektor bilang mga tauhan, basta’t maitururing itong “rurok” batay sa
pangkalahatang diwa ng serye.

-Ericson Acosta
Ito ang ilan sa mga puntong nabanggit ni San Juan sa kanyang arikulo:

“Ang kalayaan ay bunga ng pagtanggap at kabatiran sa nesesidad, ang pagkalkula sa papel na ginaganap ng
kinakailangan at pangangailangan. Ito ang motibasyong umuugit sa ritmo, talinghaga at paghahanay ng mga salita
sa tulang "Pitong Sundang," isang halimbawa ng makatuturang paglalakip ng retorika ng damdamin at didaktikong
paghugot ng hiwatig at panuto sa pagsalikop ng kilos at kamalayan, isip at gawa. Suriin ang direksiyon ng haraya
sa bigkis ng mga imahen, himig-dasal, at bighani ng talinghagang isiniksik sa mga taludtod na ito :

Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa "sang iglap


Tiyaking ang gagatungin, walang aso kung dumiklap....

Tumangan tayong mahigpit sa sundang nating matuwid


Kahit lambong pa nga't hamog ang tangi nating kalasag...

Sablay sa baybay, totoo,


Subalit salatin at silang-sila rin
ang sawing salaysayin E. San Juan Jr.
sa siwang ng mga titik na ito--
sumasaludsod sa kalyo at kuko.
Mapapansin na tahasang taliwas ang gawi ng mga tula't awit Ang panitik ni Ka Eric, bagama't nakasandig sa
dito sa elitistang estilo ng "art-for-art's sake," isang manipestasyon ordinaryong buhay ng mga manggagawa't pesante, ay
ng komoditi-petisismo. Ang sining ni Ka Eric ay masasabing isang hindi nakukulong sa taguring "proletarian literature" na
anyo ng praktikang hango sa proseso ng relasyong panlipunan. kinahumalingan ng mga pangkating "ultra-left' sa
Hindi ito representasyong muslak o imitasyon ng kapaligiran. Hindi Bolshevik rebolusyon. Tinuligsa ni Lenin ang dogmatiko't
rin repleksiyon ng ulilang kaluluwa, kundi siya mismong sektaryang pananaw na bukal ng garapal na
produksiyon ng isang kinakailangang porma ng kamalayang kategoryang Tendenzkunst. Natugon ng mapaglarong
sosyal sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan (kaugnay ng imahinasyon dito ang hinihingi ng Yenan Forum:
paghubog ng "tipikal" na karakter at insidenteng isinusog ni popularisasyon ng diwang radikal, pag-angat sa
Fredrick Engels sa kanyang diskurso tungkol sa estetika ng nobela). pamantayan. Higit pa rito, ang sintesis ng popular na
Ang birtud ng sining dito ay masisinag sa pakikisangkot ng "Ako" o laman (pabalbal na salita, reperensiya sa operasyong
pansariling atitudo sa kolektibong budhi/bait sa daluyan ng seksuwal, satirikong tawa, makalupang aliw) at
malingap na kolaborasyon at pagdaramayan. Marahil, ang realistikong paghahabi (kasanayang halaw sa
"sikmura ng ina/na nagsubo ng sundang" ang emblematikong burgesyang pangitaing empirisista't naturalistiko) ay
sangkalan ng matris ng rebolusyon, ang sisidlan ng nagtagong katibayan na nag-aangkin ng sosyalistang oryentasyon
"explosives," ang hindi nakumpiskang TNT na hitik sa malikhai't ang mga akdang naiambag dito.
mapagpalayang potensyal na kapangyarihan ng sambayanan.
Walang dudang kumplikado ang paglalakbay ng diwa ng may-akda. Nag-umpisa sa
petiburgesyang saray--sino ba ang organikong intelektuwal ng istrukturang neokolonyal na
hindi nakaangkla o nakiangkas sa uring ito?--nahulma ang saloobin ng makata sa masalimuot
na pakikibaka sa iba't ibang larangan, laluna sa daluyong ng mobilisasyon sa "Nagkakaisang
Hanay." Ito ang lohika ng edukasyon ng manunulat sa atin. Gayunman, hindi populista ang
katuturan nito sapagkat may tiyak na hangad: pagdurog sa sistema ng pribadong pag-aari ng
mga kagamitan sa produksiyon, pag-tanggal sa base ng alyenasyon: lakas-paggawa bilang
komoditi (exchange-value). Samakatwid, hindi ito nakabuntot o sumasakay lamang, bagkus
namumuno't nagtuturo. Ang importante ay kung saan ka papunta, anong layon o mithiin ang
iyong ipinaglalaban sa ngalan ng radikal na transpormasyon ng lipunan, ng pamumuhay ng
bawat tao. Laluna, pangunahin ang matalinong pagbubuklod ng teorya at praktika.

Sa pangkalahatan, matagumpay na naipahayag ng makata ang pananaw ng taumbayan sa


isang kongkretong unibersal o multi-determinadong totalidad. Narito ang integridad at
dignidad ng paglikha. Sa matalas na diskriminasyon ni Cesar Vallejo, ang bunga ng mga
pagsisikap na ito ay sosyalistang likha o akda (lagpas sa antas ng imperyalistang epoka) na
nagpapaunlad at umuugnay sa mga komunidad, bansa, kasarian at lahi sa buong mundo.”
Ang bawat tao ay may sariling
karapatan anoman ang kulay ng iyong
balat o lahing pinagmulan, Ngunit di natin

pahalagahan Mo
makakaila na marami pa rin ang
insidenteng sangkot ang karapatang pahalagahan mo
pantao. Ngayon para sa talakayan,
magbigay ng tatlong salita tungkol sa isyu
ng pagkamatay ng Amerikanong si
George Floyd at ipaliwanag.
IV.
TANDAAN Mo
TANDAAN MO

Ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay


nagbunga ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at
ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa
pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na
pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao.

V.
maraming salamat, klasmeyts
GAWAIN
GAWAIN
Pumili lamang ng isa:
Gumawa ng sariling bersyon ng
Gumawa ng sariling repleksyon sa tula ni
"ikapitong sundang". Mula sa salita ni
Ericson Acosta, pumili mula sa dalawa:
Acosta, "Maaari kayong pumili ng anumang
a. Pasanaysay
tema, persona, mga indibidwal o sektor
- hindi bababa sa 10 pangungusap
bilang mga tauhan, basta’t maitururing
b. Patula
itong “rurok” batay sa pangkalahatang
- hindi kukulang ng 3 saknong
diwa ng serye."
*may karagdagang puntos sa gagawa ng
sariling sundang

You might also like