You are on page 1of 22

Layunin:

 Nakapagpapakita ng mga paraan kung


paano maging matalinong konsyumer;
 Nakapagsasagawa ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng pagiging isang mahusay na
mamimili;
 Nakabubuo ng mga tumpak na pasya sa
pagsunod sa pamantayan sa pamimili.
 TANONG? 

Naranasan mu naba
na lukuhin ka? 
’Yung papasakayin
ka, tapos lolokohin
ka’. 
1. Anu ano ang pamantayan ng isang mahusay na
mamimili?
2. Magbigay ng 3 pamantayan at ipaliwanag ang
kahalagahan nito.
3. Sa inyong palagay magbigay ng mga katangian
ng isang matalinong mamimili nasa inyong
palagay ay taglay ninyo pa rin.
Aralin 5

PAGKONSUMO
MATALINONG MAMIMILI

Mga pamantayan
sa pamimili
Mapanuri
–Sinusuri ang produktong bibilhin.
Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang,
pagkakagawa, at iba pa. kung may
pagkakataon pa, nihahambing ang mga
produkto sa isat-isa upang
makapagdesisyon nang mas mabuti at
mapili ang produktong sulit sa ibabayad.
May Alternatibo o Pamalit
– May mga panahon na walang pera na sapat ang
mamimili upang bilhin ang produktong dati nang
binibili. Maari ding nagbago na ang kalidad ng
produktong dati nang binibili. Ang mamimili, sa
ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng
pamalit o panghalili na makatutugon din sa
pangangailangang tinutugunan ng produktong
dating binili.
Hindi nagpapadaya
–Ang matalinong mamimili ay
laging handa, alerto, at
mapagmasid sa mga maling
Gawain lalo na sa pagsusukli at
pagggamit ng timbangan.
Makatwiran
–Sa pagpili ng produkto ay isinasaalang-
alang ang presyo at kalidad nito.
Isinasaisip din ang kasiyahan na
matatamo sa pagbili at paggamit ng
produkto pati na rin kung gaano katindi
ang pangangailangan dito.
Sumusunod sa budget

–Tinitimbang nya ang mga bagay-bagay


ayon sa kaniyang badget. Hndi siya
nagpapadala sa popularidad ng produkto
na may mataas na presyo upang matiyak
na magiging sapat ang kaniyang salapi sa
kaniyang mga pangangailangan.
Hindi nagpapanic-buying
–Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng
pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng
mga nagtitinda upang mapataas ang
presyo ay hindi ikinababahala ng isang
matalinong konsyumer dahil alam niyang
ang pagpapanic-buying ay lalo lamang
magpapadala ng sitwasyon .
Hindi nagpapadala sa Anunsiyo

–Ang pag-endorse ng produkto ng mga


artista ay hindi nakapagbabago sa
konsumo ng isang matalinong
konsyumer. Ang kalidad ng produktong
ang tinitingnan at hindi ang paraan ng
pag-aanunsiyo na ginamit.
–Ano ang iba't ibang
pamantayan sa pamimili? Bakit
kinakailangang taglayin ang
mga pamantayang ito upang
maging mahusay na mamimili?
 Pangkatang Gawain 
(Collaborative/ Cooperative learning)

I ARTE MU!
Pagsasagawa ng bawat pangkat ng isang maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng isang matalinong pamantayan sa pamimili.
-PANGKAT 1 -PANGKAT 2
 Mapanuri  Hindi nagpapadaya
 May alternatibong pamalit  Makatwiran
-PANGKAT 3
 Sumusunod sa Budget
 Hindi nagpapanic -buying
PANGLAHAT NA ARALIN
– Bilang isang proseso, may mga hakbang na
dapat isagawa ang mga mamimili sa pamimili.
Ito ay ang pagtatakda ng layunin sa
pagkonsumo, paghahambing at pagtatangi sa
mga natukoy na pamamaraan, pagtaya sa
halaga ng mga naitanging pamamaraan at
pagpili ng pinakamahusay na paraan.
1.Pamantayan sa pamimili kung saan ang mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga
maling gawain ng tindero o tindera lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
a.Hindi nagpapadaya b.mapanuri c.makatwiran d. hindi nagpapanic-buying
2.Pamantayan sa pamimili na kung saan ang produktong bibilhin ay tinitingnan ang sangkap,
presyo, timbang, pagkakagawa at iba pa.
a. sumusunod sa budget b. makatwiran c. hindi nagpapadala sa anunsiyo d.mapanuri
3. Pamantayan sa pamimili na kung saan ang mamimili ay hndi nagpapadla sa popularidad ng
produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang mga
pangangailangan.
a.makatwiran b. hindi nagpapanic-buying c. sumusunod sa budget d. mapanuri
4. Pamantayan sa pamimili kung saan ang mamimili ay hndi nagpapadala sa pag-endorso ng mga
artista ay hndi nakapagbabagosa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.
a. hndi nagpapadala sa anunsiyo b. mapanuri c. makatwiran d. may alternatibong pamalit
5. Tawag sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
a. alokasyon b. kakapusan c. pangangailangan d. pagkonsumo
Takdang aralin:

1.Anu-ano ang suliranin ng mga mamimili?


2.Paano mapapangalagaan ng mga maimili ang
kanilang karapatan?
3.Anu-ano ang mga pananagutan ng mga
mamimili?

You might also like