You are on page 1of 7

IRAN

● Ang Iran, na kilala rin sa pangalang Persya,


ay isang bansa sa Kanlurang Asya na may
taglay na opisyal na pangalang Islamikong
Republika ng Iran. Sa dami ng naninirahan
dito na umaabot sa 82 milyon, ito ang ika-18
sa mga bansa sa mundo na may
pinakamaraming tao.

●Ang Iran ang pangalawang pinakamalaking


bansa sa Gitnang Silangan at ika-17 sa buong
mundo
CAPITAL: TEHRAN
WIKA: PERSIAN
RELIGION: State religionIslam , Christianity Judaism ,
Zoroastrianism
KULTURA
Ang kultura ng bansang Persia na ngayo'y tinatawag na
Iran ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may
maraming kilalang kultura pagdating sa Gitnang Silangan o
Middle East. Ito ang may pinakamayamang pamana ng
sining sa kasaysayan ng mundo at sumasaklaw ng
maraming mga disiplina kabilang na ang arkitektura,
pagpipinta, habi, kaligrapiya at iba pang kontemporaryong
sining. Narito ang mga ilan:
Hassan Rouhani
PANGULO
SINING

Simpleng pamumuhay ng mga taga-Persia at sinauna o


lumang gusali ang makikita dito ngunit ito'y isa sa pinakasikat
na obra ni Abbas Rostamian sa larangan ng sining na umani
ng maraming papuri at naging daan upang mas makilala pa si
Master Abbas. Karaniwang naka base ang kanyang mga obra
sa kultura ng kanyang pinagmulang bansa, ang Persia, katulad
ng mga sinaunang gusali at imprastuktura.
KULTURA : KARPET

Ito'y naging bahagi na ng kultura ng Persia. Ang mga taga-Persia ay


isa sa mga taong unang naghabi ng mga karpet sa kasaysayan.
Nagsimula ito bilang pangunahing pangangailangan ng mga taong
tinatawag na 'nomads'. Nagsilbi itong panlatag upang ang taong
gumagamit nito ay hindi malamigan sapagkat ito'y nakalatag sa
sahig. Subalit sa paglipas ng panahon, ang kagandahan ng mga
karpet na ito ay naging kilala at kalaunang naging pangdisenyo. Ito'y
medyo may kamahalan sa ngayon ngunit patuloy pa rin ang
paghahabi at pagbebenta ng mga ito.
PAGKAIN

Ang mga pagkain dito ay isa sa mga sinaunang pagkain


sa buong mundo. Ang tinapay na isa sa
pinakaimportanteng pagkain dito sa Persia sapagkat
marami kang mapagpipilian mula sa iba't ibang uri ng
tinapay. Ito'y niluluto sa mga malalaking 'clay ovens o
tuners'. Kasama pa dito ang iba't ibang 'dairy products'
na kadalasang ginagawang sabaw ng mga taga dito.

You might also like