You are on page 1of 5

TEKSTONG DESKRIPTIBO:

MAKULAY NA PAGLALARAWAN
TEKSTONG DESKRIPTIBO
ANG DESKRIPTIBO AY MAY LAYUNING MAGLARAWAN NG ISANG
BAGAY,TAO,LUGAR,KARANASAN,SITWASYON AT IBA PA. ANG URI NG SULATING ITO AY
NAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MANUNULAT NA BUMUO AT MAGLARAWAN NG ISANG
PARTIKULAR NA KARANASAN. DAGDAG PA NA NAGBIBIGAY ANG SULATIN NA ITO NG
PAGKAKATAON NA MAILABAS NG MANUNULAT ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG. LAYUNIN
NG SINING NG DESKRIPSIYON NA MAGPINTA NG MATINGKAD AT DETALYADONG IMAHEN NA
MAKAKAPUPUKAW SA ISIP AT DAMDAMIN NG MGA MAMBABASA.
DAHIL ANG DESKRIPSIYON AY ISANG URI DIN NG PAGLALAHAD AT NAISASAGAWA RIN SA
PAMAMAGITAN NG MAHUSAY NA EKSPOSISYON, IPINAKIKILALA NITO ANG HITSURA,UGALI, AT
DISPOSISYON NG MGA TAUHAN. SA ISANG PRODISYUNAL NA TEKSTO, NATITIYAK DIN NG
MAMBABASA ANG HITSURA, KATANGIAN, AY KALIKASAN NG YARING PRODUKTO SA
PAMAMAGITAN NG DESKRIPSYON.
SA MAKATUWID, MAHALAGANG GAMIT NG DESKRIPSYON ANG PAGKUHA SA ATENSYON NG
MAMBABASA UPANG MAIPALIWANAG ANG ORYENTASYON NG ISANG MALIKHAING AKDA.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
• ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO AY MAY ISANG MALINAW AT PANGUNAHING IMPRESYON NA
NILILIKHA SA MGA MAMBABASA.
• ANG TEKSTONG NARATIBO AY MAAARING MAGING OBHETIBO O SUBHETIBO, AT MAAARI DING
MAGBIGAY NG PAAGKAKATAON SA MANUNULAT NA GUMAMIT NG IBAT IBANG TONO AT PARAAN
SA PAGLALARAWAN.
OBHETIBONG PAGLALARAWAN AY MAY DIREKTANG PAGPAPAKITA NG KATANGIANG
MAKATOTOHANAN AT DI MAPASUSUBALIAN.
SUBHETIBONG DESKRIPSIYON NAMAN AY MAAARING KAPALOOBAN NG
MATATALINGHAGANG PAGLALARAWAN AT NAGLALAMAN NG PERSONAL NA PERSEPSIYON O KUNG
ANO ANG NARARAMDAMAN NG MANUNULAT SA INILALARAWAN.
• ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO AY MAHALAGANG MAGING ESPESIKO AT MAGLAMAN NG
MGA KONKRETONG DETALYE. ANG PANGUNAHING LAYUNIN NITO AY IPAKITA AT IPARAMDAM
SA MAMBABASA ANG BAGAY O ANUMANG PAKSA NA INILALARAWAN.

You might also like