You are on page 1of 9

Kakayahang Pragmatik:

Pagtukoy sa kahulugan
ng sitwasyong sinasabi,
di-sinasabi, at ikinikilos
ng taong kausap
Pragmatik
Ang pragmatiks o pragmatika ay isang
bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng
mga paraan kung paano nakapag-aambag ang
konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o
salita. Isa itong sangay ng semiotika o semantika, ito
ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.
Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga
pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag,
at pati ng mga taong gumagamit nito.
Pragmatik
Kung ang isang tao ay may kakayahang
pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos
ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay
ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa
paggamit at sa konteksto.
Ang pragmatiks ay ang pag-aaral kung
papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang
paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga
sentens o pangungusap. Samakatawid, ito ay pag-
aaral ng aktwal na pagsasalita.
Pragmatik
Sa pakikipagtalastan, mahalagang
maunawaan ang intensyon ng nagsasalita
dahil mahuhulaan ang mensahe nito nang
tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang
pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo
nang pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw
nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng
nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at
ang kahulugan nito.
Pragmatik
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa
pagbuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng
gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng
wika. Mahalaga ring matutunan ang kasanayang sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon
sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro,
at pagpapadaloy ng mga usapan. Sumakatuwid,
kailangang matukoy ng isang tao ang maraming
kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag
batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Pragmatik
Ang ganitong kakayahang komunikatibo
ang nais nating itampok sa araling ito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang
pragmatiko. Ang kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at
kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng
sinasabi, di–sinasabi at ikinikilos ng kausap.
Pragmatik
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko
ang konsepto ng speech act. Ito ay ang paggawa ng
mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin,
pangangako at iba pa. May tatlong sangkap ang
speech act.
1. Illocutionary Force – sadya o intensyonal na papel
2. Locution – anyong linggwistiko
3. Perlocution – epekto sa tagapakinig
Pragmatik
(Speech Act)

Mga Halimbawa
1. Illocutionary Force – pakiusap, utos, pangako
2. Locution – patanong at pasalaysay
3. Perlocution – pagtugon sa hiling, pagbibigay
atensyon
1. Ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.
2. Ang pragmatik ay isang bahaging larangan ng
_____________.
3. Ano ang sangay na tumatalakay sa ugnayan ng mga
pinapakitang senyales?
4. Ano ang tawag sa paggawa ng mga bagay gamit ang
salita?
5. Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang
konsepto ng speech act. Magbigay ng halimbawa ng
speech act.
6-8. Ano ang tatlong sangkap ang speech act.
9-10.Sa paanong paraan ginagamit ang kakayahang
pragmatik?

You might also like