You are on page 1of 11

Artikulo II – Patakaran ng Estado

Seksyon 10. Dapat itaguyod ng


Estado ang katarungang
panlipunan sa lahat ng mga yugto
ng pambansang pagpapaunlad.
Seksyon 11. Pinahahalagahan ng
Estadi ang karangalan ng bawat tao
at ginagrantyahan ang lubos na
paggalang sa mga karapatang
pantao.
Kinikilala bg Estado ang kabanalan
ng buhay pampamilya at dapat
pangalagaan at patatagin ang
pamilya bilang isang saligang
institusyon ng lipunan. Dapat
nitong pangalagaan kapwa ang
buhay ng ina at ang buhay ng
sanggol sa sinapupunan mula sa
paglilihi. Ang likas at pangunahing
karapatan
Para sa kahusayang sibiko
atpagpapaunlad ng karakter na
moral ay dapat tumatanggap ng
tangkilik ng Pamahalaan.
Seksyon 13. Kinikilala ng Estado
ang napakahalagang tungkulin ng
kabataan sa pagbuo ng bansa at
dapat magtaguyod at mangalaga ng
kanilang kagalingang pisikal,
moral, espiritwal, intelektwal, at
sosyal. Dapat nitong ikintal sa
kabataan ang pagkamakabayan,
nasyonalismo, at pasiglahin ang
paglahok nila sa mga gawaing
bayan at sibiko.
 Seksyon 14. Kinikilala ang Estado ang
tungkulin ng mga kababaihan sa
pagbuo ng bansa at dapat seguruhin
ang saligang pagkakapantay-pantay
ng kababaihan at kalalakihan.
 Seksyon 15. Dapat itaguyod at
pangalagaan ng Estado ang karapatan
sa kalusugan ng mga mamamayan at
ikintal ang kamalayang kalusugan sa
kanila.
 Seksyon 16. Dapat pangalagaan at
isulong ng Estado ang karapatan ng
sambayanan sa timbang at kanais-nais
na ekolohiya ng naaayon aluy-oy at
tugma ng kalikasan.
 Seksyon 17. Dapat mag-ukol ng
priyoridad ang Estado sa edukasyon,
agham, at teknolohiya, mga sining,
kultura at pampalakasan upang
mapabulas ang pagkamakabayan
at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang
panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at
pag-unlad ng tao.
 Seksyon 18. Nanindigan ang Estado na ang paggawa ay
isang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng
lipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga
karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang
kanilang kagalingan.
 Seksyon 19. Dapat bumuo ang estado ng pambansang
ekonomiyang nakatatayo sa sarili at malaya na
epektibong kinokontrol ng mga Pilipino.
 Seksyon 20. Kinikilala ng Estado ang napakahalagang
gampanin ng pribadong sektor, pinasisigla ang
pribadong negosyo, at nagbibigay ng insentibo sa
kinakailangang pamumuhunan.
 Seksyon 21. Dapat itaguyod ng Estado ang
komprehensibong pagpapaunlad na pang nayon at
repormang agraryan.
 Seksyon 22. Kinikilala at itinataguyod ng Estado ang
mga karapatan ng mga katutubong pamayanang
kultural sa loob ng balangkas ng pambansang
pagkakaisa at pag-unlad.
 Seksyon 23. Dapat pasiglahin ng Estado ang mga
organisasyong di-pampamahalaan, salig-pamayanan, o
sektoral na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa.
 Seksyon 24. Kinikilala ng Estado ang napakahabang
gampanin ng komunikasyon at impormasyon sa
pagbuo ng bansa.
 Seksyon 25. Dapat seguruhin ng Estado
ang awtonomiya ng mga pamahalaang
lokal.
 Seksyon 26. Dapat seguruhin ng Estado
ang pantay na pag-uukol ng mga
pagkakataon para sa lingkurang
pambayan at ipagbawal ang mga
dinastiyang politikal ayos sa maaaring
ipagkahulugan ng batas.
 Seksyon 27. Dapat pamalagiin ng Estado
ang pagkamatapat at pagkamarangal sa
lingkurang pambayan at magsagawa ng
 . Seksyon 28. Batay sa makatwirang mga kondisyon na
itinakda ng batas, inaangkin at ipinatutupad ng
Estado ang patakarang lubos na hayagang pagsisiwalat
ng lahat ng mga transaksyon nito na kinapapalooban
ng kapakanang pambayan

You might also like