You are on page 1of 12

PANG-URI

Ang pang-uri ay bahagi


ng panalita na
naglalarawan ng
pangngalan o ng
panghalip.
Kayarian ng Pang-uri

1. Payak : kung binubuo ng likas na salita


lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa :
• Maiinit ang ulo ng taong gutom.
• Huwag kang makipagtalo sa sinumang
galit.
2. Maylapi : kung binubuo ng salitang-ugat
na may panlapi.

Halimbawa :
• kalahi kayganda
• mataas makatao
• malahininga
3. Tambalan : kung binubuo ng dalawang
salitang pinag-iisa.
Halimbawa :
• Karaniwang Kahulugan
• taus-puso biglang-yaman
• bayad-utang hilis-kalamay

Patalinghagang Kahulugan
• kalatog-pinggan ngising-buwaya
• bulang-gugo kapit-tuko
Kaantasan ng Kasidhian
ng Pang-uri Iba’t ibang
Antas ng Kasidhian ang
Pang-uri:
1.Lantay o Pangkaraniwan –
karaniwang anyo ng pang-
uri.
Ma + salitang ugat
Halimbawa:
1.Mabait si Joshua.
2. Mataas na lalake si Ross.
3. Malalim ang asul na tubig.
2. Katamtamang Antas –
naipapaita ito sa paggamit
ng medyo, nang bahagya,
nang kaunti atb., o sa pag-
uulit ng salitang-ugat o
dalawang unang pantig
nito.
Medyo + (karaniwan)
Halimbawa :
Medyo hilaw ang sinaing.
Labis nang bahagya ang
pagkain.
Mapurol nang kaunti ang
kutsilyong ito.
Masarap-sarap na rin ang ulam
na niluto ni Aling Maria.
3. Pinakamasidhi – naipapakita
ito sa pamamagitan ng pag-
uulit ng salita, paggamit ng
mga panlaping napaka-, nag-, -
an, pagka-, at kay- ; at sa
paggamit ng salitang lubha,
masyado, totoo, talaga, tunay,
atb.
Halimbawa :
• Mataas na mataas pala ang Bundok
Apo.
• Napakalamig pala sa
Lalawigang
Bulubundukin.
• Talaga naming napakalinis ngayon
ng Rizal Park.
GAWAIN 4

Paghambingin ang mga


tao noon at ngayon
batay sa ugali ,kilos at
pananalita. Gamit ang
mga antas ng pang-uri.

You might also like