You are on page 1of 10

Pangkalahatang sanggunian

By: Walid S. Werble


Al-Naif C. Caling
John Paul Colin Y. Pascua
Narito angiba’t-ibang uri ng
pangkalahatang sanggunian:
Diksunaryo,Ensayklopidiya,
Atlas, Almanak.
Ang Diksunaryo ay isang aklat ng
mga nakatalang mga salita ng isang
partikular na wika. Ang ayos nito ay
ayon sa pagkakasunud-sunod ng
titik ng alpabeto. Nakatala rin dito
ang mga kahulugan ng salita, maging
ang mga etimolohiya o pinagmulan
ng salita, mga pagbigkas (diksyon),
at iba pang mga impormasyon.
Ang isang ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya,
o ensayklopidiya (Ingles: encyclopedia) ay isang
koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.
Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na
εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia ("sa loob ng sirkulo ng
pagturo"). Mula sa salitang εγκύκλιος, na may ibig
sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang κύκλος
o sirkito at παιδεία, o instruksiyon.
Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng
malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan
(Ang Encyclopedia Britannica ay isang kilalang halimbawa),
or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang
partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya
ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya
na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na
kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet
Union.
Ang atlas ay isang kalipunan ng mga mapa, partikular na ng daigdig[1] o rehiyon
ng mundo, subalit mayroon ding mga atlas ng iba pang mga planeta at ng
kanilang mga satelayt sa sistemang solar. Nakaugaliang isinasaaklat o binubuong
isang aklat ang mga atlas, isang pagkakasama sa isang aklat ng mga mapa ng iba't
ibang lupain at bansa[2]; ngunit mayroon na rin sa kasalukuyan ng mga atlas na
nasa ibang mga anyo o pormatong multimidya. Bilang dagdag sa paglalarawan ng
mga katangiang heograpiko at mga hangganang pampolitika, maraming mga atlas
ang kadalasang nagtataglay ng mga estadistikang pangheopolitika, panlipunan,
panrelihiyon, at pang-ekonomiya.

May kaugnayan ang pangkartograpiyang atlas para sa kalipunan ng mga mapa sa


kay Atlas ng mitolohiyang Griyego. Si Antonio Lafreri ang unang tagapaglathala
na nag-ugnay sa Titanong si Atlas sa isang pangkat ng mga mapa, sa kanyang
Tavole Moderne Di Geografia De La Maggior Parte Del Mondo Di Diversi
Autori; ngunit hindi niya ginamit ang salitang "atlas" para sa pamagat ng kanyang
akda. Si Gerardus Mercator ang partikular na naglaan ng kanyang aklat na "atlas"
para "parangalan ang Titanong si Atlas na Hari ng Mauretania, isang maalam na
pilosopo, matematiko, at astronomo;" bagaman si Haring Atlas na isang
astronomong hari ang kanyang nilalarawan.
Ang almanak ay ay isang taunang
publikasyon na kinabibilangan ng
impormasyon tulad ng mga ulat panahon,
mga petsa ng pagtatanimz ng mga
magsasaka, mga talahanayan ng tubig, at
iba pang mga hugis na talaan ng data na
madalas na nakaayos ayon sa kalendaryo.
Ang mga selestiyal na numero at iba't
ibang istatistika ay matatagpuan sa mga
almanak, gaya ng pagsikat at pagtatakda ng
panahon ng Araw at Buwan, mga petsa ng
mga eklipse, mga oras ng mataas at
mababang tides, at mga pista sa relihiyon.
Unang tanong
Isang uri ng sanggunian na kung saan pinagsama-sama ang
mga mapa sa iisang aklat.
A.Atlas B.Diksyunaryo
C.Almanac D.Ensayklopidya
Pangalawang tanong
Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba’t ibang
paksa at lahat ay nakaayos ng paalpabeto.
A.Diskyunaryo B. Ensayklopidya
C. Almanak D. Atlas
IKATLONG TANONG
Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng
salita, pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas.
A.Diksyunaryo B.Ensayklopidya
C.Almanak D.Atlas
IKA-APAT NA TANONG
Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon
tungkol sa panahon.
A.Diksyunaryo B.Ensayklopidya
C.Almanak D.Atlas
IKA-LIMANG TANONG
Makikita sa aklat na ito ang kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng isang salita.
A.Diksyunaryo B.Ensayklopidya
C.Almanak D. Atlas

You might also like