You are on page 1of 32

Ito ay mga pahayag o

salita na may malalim o hindi


tiyak na kahulugan.
1. suntok sa buwan
imposible posible

2. matalas ang ulo


matalim ang ulo matalino

3. pantay na ang mga paa


patay na pagod
4. dugong-bughaw
maralita maharlika

5. butas ang bulsa


napunit ang bulsa walang pera
 Ilan ang mga magagandang tanawin na
nalalaman mo dito sa Tigbauan?

 Ano-ano ang mga magagandang


tanawin na nalalaman mo dito sa
Tigbauan?
Isaayos ang mga titik para mabuo ang mga salita
na tumutukoy sa bawat larawan.

nigTga
Tigang
- walang tubig o
tagtuyot
Luntian
unLiatn
- kulay ng mga
halaman
Tagsibol
oagTsilb
- panahon kung
saan tumutubo ang
mga halaman at
bumubuka ang
mga bulaklak.
Putik
Pkuti
- lupang basa
Mga dapat tandaan kapag nakikinig sa
kuwento:

1.Maupo ng matuwid.
2.Makinig ng mabuti sa binabasa ng
guro.
3.Huwag makipag-usap sa katabi.
4.Tandaan ang mga mahahalagang
pangyayari sa kuwento.
Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang
lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-
init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol
lamang lumalamig sa paningin mula sa mga
tanim na palay ng mga luntiang dahon nito. Ayon
sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng
pulo ay may nakatirang higante.
Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga.
Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay
nagkatagpo. Ang mga tao ay natakot at umalis.
Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.
Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy!
Higanteng taga Hilaga, Akin ang lugar na ito".
"Humanap ka ng sariling lupain mo!"
Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi
maari! Ako ang nauna sa lugar na ito", "Kung
gusto mo, ikaw ang umalis!".
"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng
timog sabay padyak. Yumanig ang buong lupa.
"Lalo nanan ako!" Patalon na sigaw ng
higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas
at magagaspang na salita. Walang ibig
sumuko.
Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa
ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng
hilaga at binato si higanteng timog.
Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang
putik at ibinato rin nito. Bakbakan silang dalawa.
Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang
pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila
ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan.
Kapwa nawalan ng buhay ang dalawa.
Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok
ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay
naging bulubundukin na kapag tag-araw ay
animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate
kapag pinagmamasdan mula sa himpapawid.
Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking
luntian na kaayaayang pagmasdan.
Pagsagot sa mga katanungan:
1. Ano ang pamagat ng maikling alamat na
inyong binasa?
2. Saan matatagpuan ang bundok ng mga
tsokolate?
3. Paano/saan nagsimula ang pagkakaroon
ng bundok ng mga tsokolate?
4. Paano mo masasabi na ang Tsokolate Hills
ay isa sa pinakamagandang tanawin sa
Pilipinas?

5. Ilarawan ang kagandahan taglay ng


tsokolate hills.
Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Basahin natin ang mga sumusunod na pangungusap
tungkol sa Tsokolate Hills.

1. Ang Tsokolate hills ay isang halimbawa ng


magandang tanawin dito sa Pilipinas.

2. Ito ay kulay luntian tuwing tag-ulan.


 Ito ay naglalarawan sa katangian, anyo,
kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian at hugis
ng pangalan at panghalip.
Mga Halimbawa:
maganda
pula
masarap
mabango
Magbigay ng mga Pang-uring Panlarawan
na ginamit sa binasa niyong alamat:

 tigang
 namimitak
 luntian
 natakot
 matitigas
 malalambot
Paglinang ng Kabihasnan ( tungo
sa Formative Assessment )
Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay

“PANGKATANG GAWAIN”
Pamantayan sa pagsasagawa ng Pangkatang
Gawain:
1.Pumili ng lider ang bawat pangkat.
2.Pumili ng reporter na siyang mag-uulat ng gawain.
3. Siguraduhing tahimik ang inyong mga kagrupo.
4. Gawin ang gawain nang sama-sama at
siguraduhing tumutulong ang lahat.
5. May limang minuto ang bawat pangkat para sa
nakalaang gawain.
Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay
Pangkatang Gawain
Pangkat I – Bumuo ng walong pangungusap gamit ang
mga Pang-uring panlarawan

Pangkat 2 – Sumulat ng mga Pang-uring panlarawan ayon


sa mga ibinigay na larawan.

Pangkat 3 – Tingnan ang mga larawan at idikit ang


tamang Pang-uri dito.
Paglalahat ng Aralin:

Ano ang Pang-uring Panlarawan?


Ito ay naglalarawan sa katangian,
anyo, kulay, lasa, amoy, tunog,
kayarian at hugis ng pangalan at
panghalip.
PAGTATAYA NG ARALIN
Panuto: Sumulat ng walong
pangungusap gamit ang mga pang-uri
upang ilarawan ang mga
magagandang tanawin sa ating bansa.
Karagdagang gawain
Gamit ang magasin o diyaryo, gumupit ng
larawan ng isang magandang lugar o
tanawin. Idikit ito sa inyong kwaderno at
sumulat ng limang pangungusap gamit ang
mga pang-uring panlarawan tungkol sa
larawang inyong dinikit.

You might also like