Paksang Aralin: Ako ay Natatangi Layunin: Nagagawa ang mga bagay na kinakailangan upang mapaunlad pa ang mga kakayahan at maiwasto ang mga kakulangan o kahinaan. Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13 Teaching Guide ph. 4 ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 10-13
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 1
Balik-aral
Ang sabi natin, kapag hindi mo alam,
matutulungan ka ng iba.
Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa
iyo upang mapahusay ang iyong nalalaman?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 2
Balik-aral
Makinig sa guro habang binabasa ang mga
pangungusap. Iguhit ang tsek (/) sa kwaderno kung ito ay ginagawa ninyo at ekis (X) kung hindi naman.
_____ 1. Nagtatanong ako sa Nanay kapag hindi
ko maintindihan ang aralin. _____2. Nagtatago ako sa kwarto kapag sa palagay ko ay mali ang aking ginagawa. _____3. Tinatandaan ko ang mga pangaral sa akin ng Tatay. _____4. Nagpapatulong ako kay Ate o Kuya. _____5. Umiiyak ako kapag mayroon akong hindi magawa. 2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 3 Awit: Himig: The farmer in the Dell
Ano ang kaya mo?
Ano ang kaya mo? Ano kaya, ang kaya mo? Ano ang kaya mo? Kaya kong kumanta. (Ipakita ang aksyon.) Kaya kong kumanta. Kaya ko, oh, kaya ko, Kakanta ako. (Palitan ang salitang-kilos.)
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 4
Paglalahad/Isapuso Sino ang personalidad na nasa larawan? Bakit kilala ang mga personalidad na ito? Ano-ano ang tangi niyang mga kakayahan?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 5
Paglalahad Sino ang personalidad na nasa larawan? Bakit kilala ang mga personalidad na ito? Ano ano ang tangi niyang mga kakayahan?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 6
Paglalahad Sino ang personalidad na nasa larawan? Bakit kilala ang personalidad na ito? Ano-ano ang tangi niyang mga kakayahan?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 7
Paglalahad Sino sino ang mga personalidad na nasa larawan? Bakit kilala ang mga personalidad na ito? Ano-ano ang tangi nilang mga kakayahan?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 8
Isapuso
Paano mapahuhusay ang isang
talentong taglay mo? Paano naman malilinang ang isang talentong pinapangarap mo na mapasaiyo?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 9
Paglalahat:
Ngayon ay alam mo na. Ikaw ay isang
natatanging bata. Tuklasin mo kung ano ang kaya mong gawin. Pahusayin mo pa ang iyong nalalaman. Kung mayroon ka namang gustong gawin na parang hindi mo kaya, magtanong ka,magpatulong ka,Sa ganito, matututo ka.
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 10
Tandaan:
Ang bawat bata ay natatangi.
Ang bawat batang katulad mo ay may kakayahan. Tulungan mo ang iyong sarili. Paunlarin mo ang iyong kayang gawin.
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 11
Kilala mo na ba ang iyong sarili? Alam mo na ba ang mga kaya mong gawin? Gawin ang mga sumusunod:
1. Iguhit mo ang mga hilig mong gawin sa
isang pahina ng iyong kwaderno.
2. Ngayon, iguhit mo naman ang mga hilig
na gusto mo pang matutuhan.
3. Paano mo matututuhan ang mga gawaing
gusto mong mapag-aralan?
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 12
Isabuhay Iguhit ang sarili sa isang pahina ng notbuk. Sa ilalim ng larawan, isulat ang palayaw nang pababa. Sa bawat titik, lagyan ito ng salitang naglalarawan ng iyong katangian. Halimbawa: Ako si Aya. Ito ang mga kaya kong gawin. A- wit (kaya kong umawit.) Y-oyo (Kaya kong magyoyo.) A-rte (Kaya kong umarte.)
2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 13
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang tinutukoy?Bilugan ang letra ng kilos na iyong gagawin. 1. Mahilig kang umawit. Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola. A. Hindi ako kakanta. Nahihiya ako. B. Aawitan ko sila. 2. Maliksi ka sa larong takbuhan. Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo. A. Iiyak ako at uuwi na lang. B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako, hihingi ako ng tulong. 3. Gusto mong gumawa ng saranggola. Pero hindi mo alam kung paano. A. Magpapaturo ako. B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon 2/8/2020 MERLITA GERONIMO NARNE 14 Takdang-aralin:
Isaulo.
Ako ay natatangi. Ang bawat
batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.