You are on page 1of 38

Prepared by:

Joanna Marie Gonzales-Gelardino


Teacher I – Magsaysay Elementary School
LAYUNIN:

•Naiisa-isa ang mga pangyayari na


nagbigay daan sa pagbuo ng
“People Power 1”
( AP6TDK – IVb – 2.3)
PANIMULANG GAWAIN

Balitaan
BALIK -ARAL

Piliin ang mga


impormasyon na nasa
kahon na tumutukoy
sa mga pangyayaring
naganap noong Batas
Militar sa panahon ni
Pangulong Ferdinand
Marcos.

Malaya ang mga taong
magbigay ng kanilang May takot na nabuo sa
opinion at kuro-kuro damdamin ng mga tao

√ √
Nawala ang kalayaan Maraming karapatang
ng mga mamamayan pantao ang nalabag


Nasa tao ang Ideneklara ang Batas
kapangyarihan sa Militar noong
pamumuno ng Bansa Septyembre 21, 1972
PAGGANYAK

Panuto:
•Hulaan kung ano ang nakatagong
larawan sa likod ng mga letra.
•Ayusin ang mga titik upang
makabuo ng isang salita.
•Sa bawat salitang maitatama ay
unti-unting makikita ang larawan.
i i n o p t t p a g

s a i a g a k p a k

k a n i r l a n a s
Ano-ano kaya ang mga
pangyayaring naganap na
naging dahilan sa pagbuo
ng People Power 1?
PAGLINANG NG ARALIN
“ Teks ko basahin mo.”

• Bubuo tayo ng tatlong pangkat.

• Ang bawat pangkat ay may


babasahing teksto.

• Sagutin ang mga tanong na


nakalaan para sa pangkat.
UNANG PANGKAT:
Deklarasyon ng Batas Militar at Pag-usbong at Pagkilos ng
Oposisyon
Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang
Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga
programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging
tampok na proyekto din ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay,
kalsada at mga paaralan.
Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng
malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa
mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika
(political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa
kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.
Sa patuloy na kahirapan ng mga mamamayan sa panahon ng Batas
Militar at sa patuloy na pagdami ng mga biktima ng paglabag sa karapatang
pantao, marami sa mga mamamayan ang lumahok sa mga pagkilos at
pagbatikos sa Pamahalaan ni Ferdinand Marcos. Sa panahong ito, umusbong
ang mga samahang makabayan laban sa diktaturyang rehimen. Naranasan
ng bansa ang krisis pang ekonomiya at pampulitika dahil sa daming oposisyon.
Pagpaslang kay Senador Benigno Aquino Jr.

Si Senador Benigno Aquino Jr. ay isa sa mga malakas at


masigasig na bumabatikos at kumakalaban sa pamahalaan ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ikinulong siya sa solong selda sa
piitang military ng pitong taon. Dahil sa mahinang kalusugan ay hiniling
niya na magpagamot sa Estados Unidos noong 1980. Bumalik siya sa
Pilipinas pagkaraan ng tatlong taon upang ipagpatuloy niya ang
pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa laban sa diktatoryang
pamamahala ni Pangulong Marcos.
Habang pababa siya ng eroplano sa Manila International Airport
noong Agosto 21, 1983 ay pinaslang siya sa pamamagitan ng
asasinasyon. Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng matinding galit
ng mamamayan sa paghanap ng hustisya at lalong lumakas ang
panawagan ng pagbabago ng pamahalaan.
MGA TANONG:
1. Ano ang dahilan o mga dahilan kung bakit maraming mamamayan ang
lumahok sa pagbatikos kay pangulong Marcos?

2. Ano ang naging resulta ng pag-usbong ng mga oposisyon sa ekonomiya


ng ating bansa?

3.Bakit ikinulong si Senador Benigno Aquino Jr.?

4. Ano ang kanyang ipinaglalaban?

5. Ano ang naging epekto sa mga mamamayan ng na assassinate ang


Senador?
1. Ano ang dahilan o mga dahilan kung bakit
maraming mamamayan ang lumahok sa
pagbatikos kay pangulong Marcos?

• patuloy na kahirapan ng mga mamamayan


• patuloy na pagdami ng mga biktima ng paglabag
sa karapatang pantao
2. Ano ang naging resulta ng pag-usbong ng
mga oposisyon sa ekonomiya ng ating bansa?
• Naranasan ng bansa ang krisis sa ekonomiya
• Bumagsak ang ekonomiya ng bansa

3. Bakit ikinulong si Senador Benigno Aquino Jr.?


• isa siya sa mga malakas at masigasig na
bumabatikos at kumakalaban sa pamahalaan ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos.
4. Ano ang kanyang ipinaglalaban?
• kalayaan ng bansa laban sa diktatoryang
pamamahala ni Pangulong Marcos.

5. Ano ang naging epekto sa mga mamamayan ng


na assassinate ang Senador?
• nagdulot ng matinding galit ng mamamayan sa
paghanap ng hustisya
• lumakas ang panawagan ng pagbabago ng
pamahalaan.
IKALAWANG PANGKAT:
Dagliang Halalan / Snap Election
Ang protesta at demonstrasyon ng iba’t ibang sector ng
mamamayan at maraming lugar ng bansa ay nagdulot ng
pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitikal sa bansa. Dahil dito ay
ginanap ang dagliang halalan o “Snap Election” noong ika-7 ng
Pebrero 1986. Hinarangan ito ng maraming opisyal ng bansa dahil ito
ay labag sa konstitusyon.
Sa pasya at sa pamamagitan ng pag-iindorso ng pamahalaang
Estados Unidos ay ipinagpatuloy ang halalan. Sa talaan ng NAMFREL
at sa datos pagkatapos ng halalan ay natalo ni Corazon Aquino, balo
ni Senador Benigno Aquino sa halalan.
Dahil sa pagproklamar kay Marcos bilang pangulo at Arturo
Tolentino bilang bagong halal na bise Pangulo, karamihan sa mga
Filipino ay hindi sumang ayon at naglunsad ng pagboboycot sa lahat
ng serbisyong pagmamay-ari ng mga Marcos at nanawagan sa
kaniyang pagbitiw sa tungkulin.
Pagtiwalag ng Militar
Ang mainit na panawagan sa pagbitiw ni Pangulong Marcos bilang
pangulo ay nakaagaw pansin at suporta mula sa mga batang kasapi ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa naranasan nitong panggigipit at
pagmamalabis sa hanay ng kasundaluhan. Karamihan sa mga batang
opisyal ng militar ay nawalan ng tiwala sa pamumuno ng sandatahang lakas.
Nag-organisa ng isang kasapi at sumabay sa panawagan ng pagbabago.
Itinatag ng mga junior military officers ang Reform the Armed Forces
Movement o RAM.
Ang plano nitong paglunsad ng coup d’ etat o pag- agaw ng
kapangyarihan sa marahas na paraan ay naging hudyat sa pagtiwalag ng
military sa pangulo ng bansa. Karamihan sa mga sundalong kasapi sa
pagplano nito ay dinakip at pinarusahan.
Upang maipagtanggol ng mga sundalo ang kanilang sarili ay pinasya
nilang magtago sa Kampo Aguinaldo at Kampo Krame sa pamumuno nina
Minister ng Tanggulang Pambansa Juan Ponse Enrile at Vice chief of staff
Fidel V. Ramos.
Nagbigay ng matinding galit kay pangulong Marcos kaya’t inatasan
niya ang kanyang chief of staff na si Heneral Favian Verna na lubusin ang
Kampo Krame, dakpin sina Enrile at Ramos at kasamahan at bawiin ang
dalawang kampo.
MGA TANONG:
1. Bakit kaya nagkaroon ng biglaang halalan/snap election?
2. Ano ang naging epekto ng pagproklamasyon kay Marcos
bilang Pangulo ng bansa laban kay Corazon Aquino sa mga
Pilipino?
3. Ano ang dahilan ng pagkawalan ng tiwala sa
sandatahang lakas ng mga batang kasapi?
4. Sino ang dalawang kaalyansa ni Pangulong Marcos na
tumiwalag sa kanyang pamamahala?
5. Ano ang ginawa ng mga batang opisyal na nawalan ng
tiwala sa pamumuno ng sundalong lakas?
• 1. Bakit kaya ngakaroon ng biglaang halalan/snap
election?
• maraming lugar ng bansa ay nagdulot ng pagbagsak
ng ekonomiya at krisis pampulitikal sa bansa dahil sa
mga protesta at demonstrasyon

2. Ano ang ginawa ng mga Pilipino bilang protesta


sa resulta ng snap election?
• naglunsad ng pagboboycot sa lahat ng serbisyong
pagmamay-ari ng mga Marcos
• Nanawagan ang mga tao na bumitiw sa tungkulin si
Pangulong Marcos
3. Ano ang dahilan ng pagkawalan ng tiwala sa
sandatahang lakas ng mga batang kasapi?
• Dahil sa plano ng pamahalaan na maglunsad ng
coup d’ etat o pag- agaw ng kapangyarihan sa
marahas na paraan
4. Sino ang dalawang kaalyansa ni Pangulong Marcos na
tumiwalag sa kanyang pamamahala?

• Juan Ponce Enrile


• Fidel V. Ramos
5. Ano ang ginawa ng mga batang opisyal na
nawalan ng tiwala sa pamumuno ng sundalong
lakas?

• Gumawa ng samahan ang junior


military officers ito ay ang Reform the
Armed Forces Movement o RAM.
IKATLONG PANGKAT
Panawagan ni Jaime Cardinal Sin
Ang pagkampi ni Juan Ponse Enrile at Fidel V. Ramos at mga
tauhan nito sa Krame at Aguinaldo ay nagdulot ng panganib sa
kanilang buhay. Humingi sila ng tulong kay Jaime Cardinal Sin na
atasan ang mga mamamayan na ipagtanggol sila mula sa mga
malaking tangkeng pandigma at malalakas na armas ng military.
Nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa mga tao upang
magpunta sa EDSA upang protektahan ang mga sundalong
nagkampo sa Krame at Aguinaldo. Tumugon agad ang mga tao
at kaagad na bumuo ng barikada sa paligid ng kampo at
nagsilbing harang sa laban sa mga sundalo ni pangulong Marcos.
Ito ang naging simula ng People Power Revolution sa EDSA. Umabaot
ng limang araw ang barikada na tinaguriang People Power
Revolution. Ito ay tinawag na “Bloodless Revolution”.
MGA TANONG:
1. Sino ang hiningan ng tulong nina Juan Ponce Enrile at
Fidel V. Ramos?

2. Ano ang naging panawagan ni Cardinal Sin sa mga tao?

3. Paano tumugon ang mga tao sa panawagan na ito?

4. Ilang araw nagtagal ang People Power revolution?

5. Paano natin mailalarawan ang nangyaring People Power


Revolution?
1. Sino ang hiningan ng tulong nina Juan Ponce Enrile at
Fidel V. Ramos?

• Jaime Cardinal Sin


2. Ano ang naging panawagan ni Cardinal Sin sa mga
tao?
• magpunta sa EDSA upang protektahan
ang mga sundalong nagkampo sa
Krame at Aguinaldo
3. Paano tumugon ang mga tao sa panawagan na ito?

• Ang mga tao ay agad na pumunta at


gumawa ng barikada sa paligid ng
kampo
4. Ilang araw nagtagal ang People Power revolution?

• Ito ay tumagal nang 5 araw


3. Paano natin mailalarawan ang nangyaring People
Power Revolution?

• Ito ay isang “bloodless” revolution


GAWAIN 2 – PANGKATANG GAWAIN
Pangkat 1 – Data Retrieval
• Sa pamamagitan ng “ Data Retrieval Chart” ay itala ang
mahahalagang pangyayari sa matagumpay na EDSA People
Power 1. Isulat ang payapang paraang ginawa ng mga
mamamayan.
Pagkilos ng Pagpaslang kay Dagliang Halalan Pagtiwalag ng Panawagan ni
Opisisyon Senador Benigno Militar Cardinal Jaime Sin
Aquino Jr.
Pangkat 2 – Pagsagot sa Graphic Organizer

Mga pangyayaring
naging daan sa pagbuo
ng People Power 1
Pangkat 3 – Creative Role Playing

Sa isang malikhaing presentasyon,


isabuhay ang mga pangyayaring
naganap na naging daan upang
maganap ang People Power 1.
Pagkilos ng Pagpaslang kay Dagliang Halalan Pagtiwalag ng Panawagan ni
Opisisyon Senador Benigno Militar Cardinal Jaime Sin
Aquino Jr.

• Gumawa ng • Paggawa ng • Pagboboycot sa • Gumawa ng • Mapayapang


samahang panawagan lahat ng samahan ang nagtipon sa
makabayan para sa serbisyong junior military kampo at
pagbabago pagmamay ari officers ito ay gumawa ng
• Paglahok sa nga ng mga Marcos ang Reform the barikada laban
pagkilos at Armed Forces sa mga sundalo
pagbatikos sa Movement o ng
pamahalaang RAM. pamahalaang
Marcos Marcos
Gumawa ng samahang
makabayan

Pagkilos ng
Opisisyon
Mapayapang Pagpaslang
nagtipon sa Panawagan kay Senador Paggawa
kampo at ni Cardinal Benigno ng
gumawa ng Jaime Sin Aquino Jr. panawagan
barikada Mga pangyayaring
para sa
laban sa mga naging daan sa pagbuo
ng People Power 1 pagbabago
sundalo ng
pamahalaang
Marcos

Pagtiwalag Dagliang
ng Militar Halalan

Gumawa ng samahan ang Pagboboycot sa lahat


junior military officers ito ay ng serbisyong
ang Reform the Armed Forces pagmamay ari ng mga
Movement o RAM. Marcos
PAGSUSURI Mga Pangyayaring naganap na naging
daan sa pagbuo ng People Power 1

Pag-usbong Pagpaslang kay Dagliang Panawagan ni


Pagtiwalag ng Jaime
at Pagkilos Senador Benigno Halalan / Snap
Militar
Aquino Jr. Election Cardinal Sin
ng Oposisyon

People Power 1
Ayon sa nagawa nating balangkas, ano-ano ang mga
dahilan o mga pangyayari na naging daan upang
magkaroon at mabuo ang People Power 1?

Ang mga dahilan o pangyayari na naging daan upang


mabuo ang people Power 1 ay ang :





VIDEO VIEWING

“MAGKAISA”
1. Anong mga damdamin kaya ang
nararamdaman ng mga tao sa panahon ng
People Power 1?

2. Anong mga kaugalian ng mga ipinakita ng


mga Pilipino sa panahong ito?

3. Ano ang mahalagang kaisipan ang iniwan


ng People Power 1 sa kasalukayang
henerasyon?
PAGTATAYA:
A B
1. Pagtugon ng mga tao at pagbuo ng barikada A. Pag-usbong at Pagkilos
sa paligid ng kampo na nagsilbing harang sa ng Oposisyon
laban sa mga sundalo ni pangulong Marcos.

2. Ang pangyayaring ito ay nagdulot nang


matinding galit sa mamamayan at naghahanap B. Pagpaslang kay
ng hustisya at mas lumakas ang panawagan ng Senador Benigno Aquino Jr.
pagbabago ng pamahalaan.

3. Nabuo ang mga samahan laban sa


diktaturyang rehimen. C. Dagliang Halalan

4. Pagkampo ni Juan Ponce Enrile at Fidel


Ramosa sa Krame at Aguinaldo. D. Pagtiwalag ng Militar

5. Ito ay ginanap sa dami ng oposisyon na


naging dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya at E. Panawagan ni Jaime
krisis pampulitikal ng bansa. Cardinal Sin
TAKDANG ARALIN

•Magtala ng 5 mga mahahalagang


kontribusyon ng People Power 1
nang makamtang muli ng bansa
ang kalayaan nito.

You might also like