You are on page 1of 63

Ilan pang

Kaalaman Hinggil
sa Wika
• Ayon sa mga linnguwista, may
mahigit 5,000 wika na sinasalita sa
buong mundo. Ang Pilipinas ay isa sa
mga bansang biniyayaan ng
maraming wika: di kukulangin sa 180
ang wikang sinasalita sa Pilipinas.
Heterogenous
• Ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas
dahil maraming wikang umiiral dito at
may mga diyalekto o varayti ang mga
wikang ito.
• Homogenous ang sitwasyong pangwika
sa isang bansa kung iisa ang wikang
sinasalita ng mga mamamayan dito.
Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon
ng mga diyalekto kahit isang wika lamang ang
gingamit sa isang bansa dahil likas lamang sa
mga tagapagsalita ng isang wika na
magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng
mga salita, at sa pagbubuo ng mga salita at
mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin
ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang
diyalekto ng isang wika.
Wika, Diyalekto, Bernakular
• Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya,
Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte,
Pangasinan, Bikol, at iba pa ay mga wika,
hindi diyalekto at hindirin wikain (salitang
naimbento upang tukuyin ang isang wika na
mas mababa kaysa sa iba). Ang diyalekto ay
nangangahulugang varayti ng isang wika,
hindi hiwalay na wika.
Bernakular
• Ang tawag sa wikang katutubo sa isang
pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad
ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika
na ginagamit sa isang lugar na hindi
sentro ng gobyerno o ng kalakal.
Tinatawag din itong wikang
panrelihiyon
Wikang Pambansa

You might also like