You are on page 1of 31

Mga Layunin

• Naiisa-isa ang katangian at terminong akademiko na ginamit sa


sinuring panukalang papel
• Nakikilala ang mga mahahalagang bahagi at mahusay na
katangian ng panukalang proyekto batay sa sinuring halimbawa
• Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa mga suliraning
pangkomunidad mula sa video
• Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o
paaralan
Pagpapanuod ng “Video Clip”

https://www.youtube.com/watch?v=T0D4Y-f3Zyo&feature=y
outu.be
Panukalang Proyekto
• Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment
Collective, isang samahang tumutulong sa mga non-
governmental organizations (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral
sa pangangalap ng pondo, ang panukalang ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa komunidad
o samahan.
• Nangangahulugang ito’y KASULATAN NG MUNGKAHING
NAGLALAMAN NG MGA PLANO NG GAWAIN IHAHARAP SA
TAO O SAMAHANG PAG-UUKULAN NITONG SIYANG
TATANGGAP AT MAGPAPATIBAY NITO.
• Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay
isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
(PANIMULA, KATAWAN, at KONKLUSYON)
• Sa unang bahagi, ilalahad ang rasyonal o ang mga
suliranin, layunin, o motibasyon.
• Sa katawan, ilalagay ang detalye ng mga kailangang
gawain at ang iminumungkahing badget para sa mga
ito.
• Kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong
maaaring idulot ng proyekto.
Espisipikong laman ng Panukalang Proyekto
• PAMAGAT
-Tiyaking malinaw ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa
TULAAN 2015 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.”

• PROPONENT NG PROYEKTO
-Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone o
telepono, at lagda ng tao o organinsasyon.
• KATEGORYA NG PROYEKTO
-Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan,
pananaliksik, patimpalak, konsiyerto o outreach
program?
• PETSA
-Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang
haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto?
• RASYONAL
-Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang mga
kahalagahan nito.
• DESKRIPSYON NG PROYEKTO
-Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o
kung ano ang nais matamo ng panukalang proyekto.
Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang
maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng
panahon upang makompleto ito.
• BADYET
Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang
gastusin sa pagkompleto ng proyekto.

• PAKINABANG
Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na
tumutulong upang maisagawa ang proyekto.
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
• Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang
pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad o organisasyong
pag-uukulan ng project proposal.
• Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
• Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok
ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa
madaling salita ang pangangailangan ang magiging batayan
ng isusulat na panukala.
• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan
ng pagmamasid sa pamayanan o organisasyon.
Maaaring magsimula sa pagsagot ng mga tanong.
• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang
tanong ay makakakalap ka ng mga ideyang magagamit
sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.
(mga suliranin)
• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga
kailangan upang malutas ang suliranin.
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlas na barangay ng bayan
ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan
ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng
tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader
na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang
patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa
na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.
Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto

• Layunin
Makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o ang
pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak
ang layunin ng proyekto. Isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi
batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008)
ang layunin ay kailangang maging SIMPLE
• SPECIFIC- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto
• IMMEDIATE- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos
• MEASURABLE- may basehan o patunayan na naisakatutuparan ang
nasabing proyekto
• PRACTICAL- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
• LOGICAL- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
• EVALUABLE- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Halimbawa:
• Makapagpagawa ng breakwater o pader na
makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig
sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto
• Plano ng Dapat Gawain
-Pagbuo ng mga tala ng gawain o PLAN OF ACTION na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang
suliranin.
-Ayon dapat ito sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa
nito kasama ang mga taong kailangan sa pagsasakatuparan ng
mga gawain.
-Ito rin dapat ay makatotohanan o realistic. Kinakailangan
ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito
Badyet
• Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
• Mahalagang pag-aralan nang mabuti upang
makatipid sa mga gugugulin.
• Pinakamahalagang bahagi ng anumang
panukalang proyekto ay tapat na paglalatag ng
kakailanganing badyet para rito.
Badyet (mula sa modyul ng: Paghahanda ng isang
simpleng proyekto.)
• Gawing simple at malinaw ang badget upang madali itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aapruba at
magsasagawa nito.
• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling
sumahin ang mga ito.
• Isama sa iyong budyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya,
sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng
nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.
• Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.
Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng
intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Konklusyon
(paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga
makikinabang nito)
• Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano
ito makatutulong sa kanila.
• Maaaring makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang
pamayanan, mga empleyado, o kaya naman ay miyembro ng isang
samahan.
• Maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang
sa pagsasakatuparan ng layunin.
• Isama na rito ang katapusan at konklusyon ng panukala.
• Maaari ring mailahad dito ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan
ang ipinasang panukalang proyekto.
Paano mapakikinabangan ng Barangay Bacao ang
panukalang ito?
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging
kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao.
Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot
ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga
residente ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan
na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan
ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam
nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga
ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga
opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na
apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog.
Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga
magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga
mamamayan nito.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamayan ng


Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang
magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.
Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

• Magplano nang maagap.


• Gawin ang pagpaplano ng pangkatan.
• Maging realistiko sa gagawing panukala.
• Matuto bilang isang organisasyon.
• Maging makatotohanan at tiyak.
• Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
• Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin.
• Alalahanin ang prioridad ng hihingian ng suportang pinansyal.
• Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang
proyekto.
Mga Dapat Gawin Bago ang Pagsulat ng Panukalang
Proyekto

• Pag-iinterbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng


benepisyo.
• Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
• Pagbabalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga
proyekto.
• Pag-oorganisa ng mga focus group.
• Pagtingin sa mga datos estatistika.
• Pagkonsulta sa mga eksperto.
• Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
• Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad
Halimbawa ng Panukalang Proyekto

Bahanding Sarita: Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang


Filipino
Pahina 54

Proposal para sa Pagbuo ng Glosaring Dihital (Ingles-Filipino)


Pahina 58

Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (PDF Book)


Mga Sanggunian:
• UNTV New and Rescue. (2017, Jul7). Proyekto,programa at pangako ni
Pres. Duterte, sentro ng kanyang ikalawang SONA. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=a9glp98CBMY
Kaugnay na Paksa: Panukalang Proyekto
• Project Management Videos. (2014, May19). Project Proposal Writing:
How To Write A Winning Project Proposal. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=jsGBuu88WE0
• Villanueva et. al. “Filipino sa Piling Larangan”: (Akademik at Sining).
(2010).
• Nestor Lontoc et. al. “Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang”:
(Akademik). Quezon City: Phoebix Publishing House.(2017
Pangkatang Gawain:
• Gagawa ang bawat pangkat ng isang panukalang proyekto na naka-
angkla na sa kanilang CAPSTONE INITIATIVE PROJECT.
• Ang magiging konsepto ng isusulat na panukalang proyekto ay kung
papaano mas mabibigyang bihis ang nauna nang proyektong napili
at itinalaga sa buong klase para sa kanilang CAPSTONE.
• Maaaring ang mga mabuo na mungkahing panukalang proyekto ay
magkaroon ng iba’t ibang ideolohiya o konsepto upang maipakita
nang mas malinaw ang isinasagawang proyekto sa iba pang mas
makabuluhang anggulo.
• Sundin ang mga pamantayan sa pagbuo ng panukalang proyekto
na matatagpuan sa rubrik na ibibigay ng guro.

You might also like