You are on page 1of 6

FILIPINO BILANG WIKA

NG BAYAN AT
PANANALIKSIK
FILIPINO BILANG WIKANG NG BAYAN AT
PANANALIKSIK

Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo


ay patakarang tumutupad sa mga nasabing probisyong panwika ng
Konstitusyong 1987 hinggil sa pagiging pangunahing wikang
panturo ng wikang pambansana kayang-kayang ipatupad nang
hakbang-hakbang. Napatunayan na ng ibang wikang kamag-anak
ng Filipino – gaya ng Bahasa Melayu at Bahasa Indonesia – na
kayang gawing wikang panturo sa lahat ng antas at larangan ang
isang wikang pambansang hindi Ingles o anupamang wikang
kolonyal.
FILIPINO BILANG WIKANG NG BAYAN
AT PANANALIKSIK
Praktikal ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang
panturo. Sa pamamagitan nito ay mabilis na magkakaunawaan ang
mga mamamayan at mas mabilis at mas malinaw rin na
magkakapalitan ng ideya, kung gayon, mas mabilis din ang
magiging implementasyon ng mga planong mapagkakasunduan.
Kung naiintindihan ng mga Pilipino ang mga programang
primetime na popular sa buong bansa, tiyak na kayang-kaya rin
nilang gamitin ang Filipino bilang wika ng pagkatuto at intelektwal
na diskurso.
FILIPINO BILANG WIKANG NG BAYAN AT
PANANALIKSIK
Kaugnay nito, dapat lubusang isabalikat ang lubusang paggamit
ng wikang Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon ng
gobyerno, alinsunod sa Konstitusyong 1987. Masasabing ganap na
ang pagiging wikang opisyal ng Filipino kapag dumating ang
panahon na lahat ng mga panukalang batas sa Kongreso at Senado,
lahat ng mga desisyon ng Korte Suprema, at lahat ng dokumento at
talakayan ng mga nasa gobyerno ay nasa wikang pambansa na.
Kapag naabot na ang panahong iyon, tiyak na lalong lalakas ang
kapangyarihang politikal ng mga mamamayan. Mas makasasali na
ang mga ordinaryong mamamayan sa proseso ng pagbabalangkas
ng mga batas at patakaran ng gobyerno, gayundin sa iba pang mga
prosesong kaugnay ng paggana ng isang demokratikong sistemang
gaya ng estruktura ng gobyerno sa ating bansa.
FILIPINO BILANG WIKANG NG BAYAN
AT PANANALIKSIK
Filipino ang wika ng 99% ng populasyon ng bansa, habang ni
wala pang 1% ang gumagamit sa Ingles bilang wika sa tahanan.
Samakatuwid, malinaw na ang Filipinisasyon ang mga
transaksyon ng gobyerno ay tiyak na magpapalakas sa
kapangyarihang politikal ng mga ordinaryong mamamayan.
Ayon nga kay Gimenez Maceda (1997) ang wikang pambansa
ang wikang higit na nakapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa
mga tagawalis, drayber, tindero at tindera, at iba pang
ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at
kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng
pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa
kaalaman at makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis
FILIPINO BILANG WIKANG NG BAYAN AT
PANANALIKSIK
Sa ganitong diwa binigyang-diin ni Constantino (2015) na “ang
wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng
tunay na Pilipino,” wikang lilikha at huhubog ng mga Pilipinong may
tiwala sa sariling kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling
paraan ng pag-iisip, hindi gaya ng wikang dayuhan na kapag ipinilit at
binigyang-prayoridad ay nagiging “sagabal sa pag-iisip,” kaya’t “ang
pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng
kulturang bansot.”
Gaya ng iba pang nagtataguyod ng makabayang edukasyon,
hangad ni Constantino na pukawin ang “malikhain, mapanuri, at
mapagbuod na kaisipan” ng mga Pilipino, alinsunod sa karanasan ng
Hapon, Taiwan, South Korea at iba pang bansang “umunlad nang

You might also like