You are on page 1of 8

ACTIVITY # 2

(March 19, 2020 Thursday 8:50-11:30)


Lahat ng sagot ay isulat sa kanilang kwaderno (either Lecture
notebook; quiz notebook or assignment notebook in Filipino)
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapaghahambing ng iba’t
ibang patalastas na napanood/ Nasasagot ang mga tanong sa
napanood na patalastas/ naiuugnay ang pinanood sa sariling
karanasa
Panoorin ang sumusunod
na mga patalastas
Win On and Off the Court
with Rexona
Rejoice Hair So Smooth,
Walang Sabit
RDL Papaya Whitening S
oap
Kapag nakapanonood ng patalastas ay kailangang maging
mapanuri dahil maaaring hindi lahat ng sinasabi ng mga
patalastas ay totoo. Paghambingin ang tatlong patalastas na
pinanood niyo. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang pagkakapare-pareho ng mensahe ng tatlong
patalastas? Paano naman nagkaiba-iba ang mga ito?
2. Sa iyong palagay, totoo nga kaya ang ipinahahayag ng mga
patalastas na ito? Ipaliwanag.
3. Ikaw ba ay bumili ng mga bagay-bagay nang dahil lang sa
mga napapanood mong patalastas? Para sa masabing ikaw
ay matalinong mamimili, ano-ano pa ang mga dapat maging
batayan sa pagpili o pagbili ng mga produkto maliban sa
mga patalastas?
4. Bakit mahalagang maging mapanuri sa mga napapanoood
na patalastas at huwag isiping tama o totoo lahat ng sinasabi
ng mga ito?
Puntos Pamantayan
5 Malinaw na malinaw na ipinakita ng mga sagot ang katotohanang
hindi lahat ng sinasabi ng mga patalastas ay totoo at dapat
paniwalaan
4 Malinaw na ipinakita sa mga sagot ang katotohanang hindi lahat ng
sinasabi ng mga patalastas ay totoo at dapat paniwalaan
3 Medyo napalitaw sa mga sagot ang katotohanang hindi lahat ng
sinasabi ng mga patalastas ay totoo at dapat paniwalaan
2 Hindi gaanong napalitaw ng mga sagot ang katotohanang hindi lahat
ng sinasabi ng mga patalastas ay totoo at dapat paniwalaan
1 Hindi naipakita ng mga sagot ang katotohanang hindi lahat ng
sinasabi ng mga patalastas ay totoo at dapat paniwalaan

You might also like